RHU Libungan

RHU Libungan Municipal Health Service Office

✨ Dalawang Parangal, Isang Layunin: Pagpapatibay sa Bawat Pasya ng Mag-asawa. ✨ Ang RHU Libungan ay buong pusong nagpapa...
23/10/2025

✨ Dalawang Parangal, Isang Layunin: Pagpapatibay sa Bawat Pasya ng Mag-asawa. ✨

Ang RHU Libungan ay buong pusong nagpapasalamat sa pagkilalang iginawad sa amin para sa aming dedikasyon sa Family Planning—pagbibigay ng ligtas, maayos, at makataong serbisyo na nakaugat sa Informed Choice and Voluntarism para sa bawat mag-asawa. 💑

Ang mga parangal na ito ay hindi lamang patunay ng tagumpay, kundi simbolo ng mas malusog na pamilya, mas matatag na komunidad, at mas maliwanag na kinabukasan.

📍 Ang Family Planning ay hindi lamang serbisyo—ito ay pangakong may dangal, kalusugan, at pag-asa.

Lubos ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato sa pamumuno ni Gobernadora Emmylou "Lala" Taliño-Mendoza, MNSA, sa pamamagitan ng Integrated Provincial Health Office sa pangangasiwa ni Dr. Eva C. Rabaya, at sa masigasig na suporta ni FP Provincial Coordinator Ms. Catherine S. Neo, RM.

Taos-puso rin ang pasasalamat sa LGU Libungan sa pamumuno ni Mayor Engr. Angel Rose L. Cuan, at sa Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Nikki Regine Pader-Aying, RN, CFP, para sa walang sawang suporta at pagtutulungan tungo sa mas inklusibong serbisyong pangkalusugan.

💐 Isang malaking pagpupugay sa aming RHU staff at mga health workers—kayo ang tunay na bayani sa likod ng bawat counseling, bawat serbisyo, at bawat ngiting hatid ng maayos na pagpaplano ng pamilya. Salamat sa inyong sipag, malasakit, at dedikasyon sa araw-araw.

🏆 FAMILY PLANNING COMPLETE FACILITY 2024–2025
🏆 HIGH DEMAND SATISFIED RATE IN MODERN FP METHODS 2024–2025

🌱 Sa bawat planadong hakbang ng mag-asawa, may kinabukasang mas maliwanag ang pamilya.

Noong Oktubre 16, 2025, ang Rural Health Unit (RHU) ng Libungan sa pangunguna nina Sanitary Inspectors Concepcion Asis, ...
17/10/2025

Noong Oktubre 16, 2025, ang Rural Health Unit (RHU) ng Libungan sa pangunguna nina Sanitary Inspectors Concepcion Asis, RM at Sherlyn Malaguia, RM, ay nagsagawa ng pulong at oryentasyon kasama ang lahat ng may-ari at kinatawan ng mga Water Refilling Station sa buong munisipalidad ng Libungan.

Layunin ng naturang aktibidad na mapalakas ang kaalaman at kamalayan ng mga water refilling station owners hinggil sa tamang pamantayan sa kalinisan, kaligtasan, at kalidad ng inuming tubig alinsunod sa mga batas at patakarang pangkalusugan ng Department of Health (DOH).

Ang oryentasyon ay pinangunahan ng Resource Speaker na si Engr. Kamarudin Konakon, Regional Sanitary Inspector, na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa water sanitation standards, periodic water testing, at responsibilidad ng mga water refilling station sa pagpapanatili ng ligtas na tubig para sa publiko.

Ang RHU Libungan ay patuloy na nagsasagawa ng mga ganitong gawain bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa kalusugan at kalinisan ng komunidad, upang matiyak na ang bawat mamamayan ng Libungan ay may access sa malinis at ligtas na inuming tubig.

💧 Kalusugan at Kalinisan, Tungkulin nating Lahat! 💧



𝐌𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐎𝐒𝐈𝐁𝐋𝐄𝐍𝐆 𝐀𝐅𝐓𝐄𝐑𝐒𝐇𝐎𝐂𝐊𝐒 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐍𝐃𝐎𝐋 ‼Isang magnitude 7.6 na lindol ang yumanig sa Davao Oriental at mga...
10/10/2025

𝐌𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐎𝐒𝐈𝐁𝐋𝐄𝐍𝐆 𝐀𝐅𝐓𝐄𝐑𝐒𝐇𝐎𝐂𝐊𝐒 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀
𝐋𝐈𝐍𝐃𝐎𝐋 ‼

Isang magnitude 7.6 na lindol ang yumanig sa Davao Oriental at mga karatig nitong probinsya pasado 9am. Nagbabala ang PHIVOLCS ng posibilidad ng mga aftershock na maaaring magdulot ng karagdagang pinsala sa mga gusali at kabahayan.
Paalala ng DOH: Maging alerto at mag-ingat mula sa aftershocks at tsunami dulot ng lindol.

𝐌𝐆𝐀 𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐆𝐀𝐖𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐒𝐀 𝐀𝐅𝐓𝐄𝐑𝐒𝐇𝐎𝐂𝐊𝐒:

✅ Gamitin ang first aid kit kapag may sugat sa katawan at humingi ng tulong kapag kailangan ng atensyon medikal.

✅ Suriin ang bahay para sa anumang sira at bitak. Tignan kung may tagas ang gas tank at isara agad ang main switch.

✅ Iwasan ang mga gusaling may bitak, nakalaylay na kuryente, lupang maaaring gumuho, at dalampasigan

✅ Ihanda ang Go Bag kung sakaling kailangan lumikas.

✅ Bantayan ang abiso ng lokal na pamahalaan.

🎉 Tagumpay sa IPCC Roll-Out Training para sa Bakuna Champions! 💉🗣️Noong Oktubre 1, 2025, matagumpay na isinagawa ang Rol...
03/10/2025

🎉 Tagumpay sa IPCC Roll-Out Training para sa Bakuna Champions! 💉🗣️

Noong Oktubre 1, 2025, matagumpay na isinagawa ang Roll-Out Orientation on Interpersonal Communication and Counseling (IPCC) para sa mga Barangay Health Workers (BHWs) mula sa walong prayoridad na barangay ng Libungan: Abaga (2), Baguer (4), Cabaruyan (6), Cabpangi (4), Gumaga (6), Montay (5), Poblacion (7), at Sinawingan (3) — kabuuang 37 BHWs ang dumalo at nagsanay!

Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa DOH Health Promotion Playbook on Bakuna Champion, na layuning palakasin ang kakayahan ng mga BHW sa mahusay na pakikipag-usap, pakikinig, at pagbibigay ng payo sa mga kabarangay tungkol sa pagbabakuna. Sa pamamagitan ng IPCC, mas nagiging handa ang ating mga BHW na maging tunay na Bakuna Champions — may tiwala, may malasakit, at may kakayahang makipag-ugnayan nang epektibo.

📚 Tinalakay ang mga sumusunod na modules:
✔️ Module 1: Introduksyon sa National Immunization Program – Ms. Aljane P. Dioquino, RN
✔️ Module 2: Gabay sa Pakikipag-ugnayan – Jonathan P. Aguilar, RN
✔️ Module 3: Partnership Building and Engagement – Ms. Aljane P. Dioquino, RN
🎭 May role playing din ang mga kalahok para mas mahasa ang kanilang counseling skills!

🤝 Sa pakikipagtulungan ng Integrated Provincial Health Office sa pangunguna ni Dr. Eva C. Rabaya, IPHO HEPO and NIP Team sa pamumuno ni Gov. Emmylou "Lala" Taliño-Mendoza, MNSA, at suporta mula kay Municipal Mayor Engr. Angel Rose L. Cuan at Municipal Health Officer Dr. Nikki Regine Pader-Aying, RN, CFP.

👏 Salamat sa masigasig na pag-facilitate ni Ms. Aljane P. Dioquino, RN – NIP Coordinator, at sa makabuluhang pagbubukas ni Ms. Alene Rose D. Mondejar, RND – BHW Coordinator.

Kaunti na lang, ganap na Bakuna Champion na ang ating mga BHWs! 💪 Barangay OJT, here we come!

🏆 Libungan Shines Bright at the Cotabato Provincial Health Summit! 🌟We are bursting with pride to announce the remarkabl...
30/09/2025

🏆 Libungan Shines Bright at the Cotabato Provincial Health Summit! 🌟

We are bursting with pride to announce the remarkable achievements of the Rural Health Unit (RHU) of Libungan at the recent Cotabato Provincial Health Summit 2025 with the theme “HONORING UNWAVERING COMMITMENT AND COLLECTIVE ACTION TOWARDS HEALTHIER COTABATO”.

Our stellar team, led by Dr. Nikki Regine P. Pader-Aying, RN, CFP, Municipal Health Officer, and represented by John Cesar F. Allado, RN, Nurse III, Rosemae A. Padua, RN, Nurse I, Krishia Mae A. Madrid, RMT, MPA, Medical Technologist I, and Concepcion D. Asis, RM, Sanitation Inspector II, brought home an incredible collection of awards, proving Libungan's dedication to excellent and resilient health service.

Their hard work and commitment to public health were recognized with major honors, including:
• Health Emergency Preparedness Resilience Award
• Top Performing LGU in PhilPen & Non-Communicable Disease Risk Assessment Coverage
• Bayani ng Kalinisan Award
• Ligtas sa Patubig Award
•Top performing LGU with 1.74% blood collection rate

Plus, multiple Plaques of Recognition for being a Licensed Primary Care Facility, Most Improved Reporting Health Unit, and more!

This success is a testament to the combined efforts of all our RHU Personnel, HRH Deployed, BLGU's, BHWs, and BNS!

A special acknowledgment was given for the team’s Unwavering Dedication to the realization of a HEALTHIER COTABATO and their strategic leadership in institutionalizing a comprehensive Rabies Prevention and Control Program.

This incredible success is a reflection of the commitment and combined efforts of all RHU Personnels, HRH Deployed, BLGU’s, BHWs, and BNS of LGU Libungan.

We extend our heartfelt gratitude to our esteemed local and provincial leaders for their steadfast support: Hon. Engr. Angel Rose L. Cuan, Municipal Mayor, Hon. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, MNSA, Provincial Governor, and Provincial Health Officer Dr. Eva C. Rabaya, DPAFP, MBA-HA.
Congratulations to everyone involved! Let's continue to work together for a healthier, safer, and more resilient Libungan!





HALAGA NG SERBISYO NG RURAL HEALTH UNIT NG LIBUNGAN (PRIMARY CARE FACILITY) Narito ang updated na listahan ng mga bayari...
28/09/2025

HALAGA NG SERBISYO NG RURAL HEALTH UNIT NG LIBUNGAN (PRIMARY CARE FACILITY)

Narito ang updated na listahan ng mga bayarin at libreng serbisyo sa RHU Libungan ngayong Setyembre 2025.

💉 Serbisyong Pang-Laboratoryo
🩺 Serbisyong Pangkalusugan
🤰 Serbisyong Pang-Ina
🏥 Mga Programang PhilHealth

Ang inyong kalusugan, aming prioridad. 💚





🏆 A PROUD DAY FOR LIBUNGAN! RHU Receives the Prestigious White Heron Award from NNC XII! 🏆The Rural Health Unit (RHU) of...
27/09/2025

🏆 A PROUD DAY FOR LIBUNGAN! RHU Receives the Prestigious White Heron Award from NNC XII! 🏆

The Rural Health Unit (RHU) of Libungan is bursting with pride as we officially announce that we have been recognized with the White Heron Award by the National Nutrition Council (NNC) Region XII!

This highly coveted award is a resounding affirmation of our sustained excellence, dedication, and impactful performance in implementing the municipal Nutrition Program and achieving significant strides in improving the nutritional status of our constituents.

Celebrating Our Champions
Today, at the Narra Hall, Cinco Niñas in Koronadal City, the award was formally received by our committed Nutrition Officer, Ms. Alene Rose D. Mondejar, RND, representing the heart and soul of our nutrition efforts.

Acknowledging Visionary Leadership and Support
This major achievement is a product of strong leadership and unified governance:
• We extend our sincere appreciation to our dedicated Municipal Health Officer, Dr. Nikki Regine P. Pader-Aying, RN, CFP, for her unwavering guidance, technical expertise, and passion for public health.
• Our deepest gratitude goes to our Municipal Mayor, Hon. Engr. Angel Rose L. Cuan, whose vital support and prioritization of the Nutrition Program have been instrumental in making this success possible.

A Victory for the Entire Health Team!
The White Heron Award truly belongs to the entire RHU Libungan family! We celebrate the incredible collaboration and ceaseless efforts of:
• All Health Personnels
• Our dedicated HRH Deployed Personnel
• Our tireless Barangay Nutrition Scholars (BNS), the frontliners who ensure every program reaches the grassroots level.

Mabuhay ang Libungan! Let us continue working hand-in-hand to build a healthier and more nourished community!




📣 PABATID SA MGA TAGA-LIBUNGAN! 📣Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at dumalo sa Launching ng PHILHEALTH Yaman ng Kalu...
23/09/2025

📣 PABATID SA MGA TAGA-LIBUNGAN! 📣

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at dumalo sa Launching ng PHILHEALTH Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) – Para Malayo sa Sakit 🎉

📅 Setyembre 29, 2025
🕘 9:00 AM
📍 Libungan Superhealth Center

🌟 Sama-sama nating yakapin ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat pamilyang Libunganon! 🌟

✅ Para sa mga gustong magpa-miyembro sa PhilHealth, mangyaring magdala ng xerox copy ng mga sumusunod:

🧾 Birth Certificate

💍 Marriage Certificate (kung kasal)

👶 Birth Certificate ng mga anak (kung mayroon)

🆔 National ID

✅ Para naman sa mga may PhilHealth na:
Inaanyayahan po kayong magparehistro sa ating YAKAP Facility — ang RHU Libungan bilang inyong YAKAP Provider!

Narito ang mga serbisyong hatid ng YAKAP Caravan:
✔️ Health Profiling
✔️ Access at updates sa PhilHealth benefits
✔️ Serbisyong medikal mula sa inyong Local Health Team

🎯 Layunin ng Caravan:
🩺 Palawakin ang access sa PhilHealth services
👨‍👩‍👧‍👦 Maprotektahan ang kalusugan ng bawat pamilya
🤝 Palakasin ang ugnayan ng komunidad sa serbisyong pangkalusugan ng gobyerno

📢 Kaya’t huwag palampasin ito! Ihanda na ang inyong mga dokumento at makiisa sa PHILHEALTH YAKAP CARAVAN — isang espesyal na proyekto ng LGU Libungan at PhilHealth para sa mas malusog na kinabukasan!

Address

Libungan
9411

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU Libungan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram