23/04/2022
Ang sumisingaw at nagliliyab na WELL MAINTAINED na LPG tank ay HINDI basta-basta sumasabog,..
Paano patayin:
1. Kung hindi nadarang sa apoy ang valve, phitin lamang ito upang matigil ang pagsingaw at kusang mamamatay ang apoy
2. Kung nadarang sa apoy ang valve, kumuha ng basang tuwalya, itakip s valve kasama ang tangke ng LPG at saka pihitin ang valve upang matigil ang pagsingaw.
Update:
Uulitin ko,..
hindi sumasabog ng SUMISINGAW at NAGLILIYAB na LPG tank.
Bkit?
1. Kung well maintained ang iyong LPG tank, hindi ito bibiyak at bibigay s pressure mula sa loob kapag nainitan ang LPG tank
2. Naka bukas ang valve,kung tumaas man ang pressure sa tangke,agad itong sisingaw at hindi tataas sa delikadong level ang pressure ng tangke
3. Ang apoy mula sa valve ay hindi papasok sa loob ng tangke o hihigupin papasok ng tangke.
4. Sa pelikula lamang po sumasabog ang LPG tank kapag nabaril o nadarang ng bahagya sa apoy.
Mga pilosopo: eh bakit sumasabog ang kusina kapag sumingaw ang LPG?
Mga may alam:
1. Hindi ang LPG tank ang sumabog
2. Ang pg sabog o biglaang pagliyab ng kusina o lugar ay dahil sa naipon at nakulong na GAS na humalo sa HANGIN. Sasabog lamang ito kapag nakuha ang tamang timpla ng GAS at HANGIN, kung di sapat ang hangin ay magliliyab lamang ito at di sasabog ng gaya sa mga PELIKULA
3. Ang tsansa n sumabog ang LPG tank ay kapag ito ay LUMA, KINAKALAWANG at HINDI maintained, sa makatuwid, MAHINA NA ANG KATAWAN NG LPG TANK.
4. Meron tayong tinatawag na BLEVE.ano ito?
Boiling
Liquid
Expanding
V***r
Explosion
Ito ay nagaganap kapag ang laman ng isang tangke at naitan at naging V***R n kung saan mag sasanhi ito ng pagtaas ng pressure sa kanyang lalagyan.
Kapag ito at di sumingaw o nabawasan at nahigitan nito ang RATED PRESSURE o ang sagad n pressure na kayang tumagal ng isang container, maaring biglang bumiyak at magsanhi ng biglaan na pagkalat at pgagliyab ng V***R.
5. Kaya importante na mapanatili na maayos ang condition ng ating mga LPG tank sa bahay at panatiliin na nasa OPEN area ito upang maiwasan ang pagkakakulong ng GAS s isang lugar kapag ito ay sumingaw.
cctto