Lingig Community Hospital

Lingig Community Hospital Lingig Community Hospital is an infirmary hospital located in P2A, Peñanueva St., Brgy. Poblacion, Lingig, Surigao del Sur.

18/03/2016

EMERGENCY ROOM (ER): ano dapat mong asahan?

Madami reklamo sa fb na di daw sila naasikaso sa sore eyes, sipon, ubo nila sa ER..
PAANO BA ANG SISTEMA SA ER at ano ang aasahan mo duon?

Pag umaga, OPD ang kamay ng hospital para tugunan ang mga pasyente na di malubha ang kundisyon. Pagsapit ng gabi, sarado na ito at sinasalo sila ng ER.

Ang ER ang nagiisang pinto ng hospital para sa mga pasyente. Ang ER ang nagpapasya kung admitin, pauwiin o palipatin sa ibang hospital ang pasyente. Ang ER din ang nagpapasya kung kaninong doktor o department ibibigay ang paayente (halimbawa buntis - obgyne; saksak sa lalamunan - ENT)

Sa loob ng ER may sistema na pinapairal. Eto ay tinatawag na TRIAGE kung saan grinugrupo ang mga pasyente base sa kung gaano kalubha o kalala ang condition nila. Ito ay kailangan para maibigay ang tamang lunas maski limitado ang kagamitan para sa mga pasyente na nangangailangan ng mabilisang gamutan.

Hindi first come first serve ang ER. Lagi inuuna ang kritikal na pasyente na agaw buhay kesa sa di malubhang sakit. May sipon ka nagpunta ka sa ER, pang walo ka sa pila.. Bigla pumasok ang sampung pasyente na pasahero sa jeep na naaksidente...pang 18 ka na sa pila. Bigla ulit sinugod ng sabay yung 5 na nalason, pang 23 ka na sa pila. Pinapaliwanag ko lng dito ang sistema pero kung lahat ng 50 pasyente ay pulikat ang dinadaaing, first come first serve ang paiiralin.

Nung intern pa ako sa surgery, nagtatahi ako ng sugat, wala pa ko sa kalahati, bigla sugod ung nabaril sa baga. Tapal muna ung sugat ng gasa, takbo sa nabaril. Binalikan ko ung pagtatahi after 1hr. Mga kasama ko nagaasikaso ng saksak sa tyan, mga naaksidente.. Kailangan magantay muna si sir..

Hindi pweng customers are always right sa ER. Madami mamatay na pasyente. Kung sinabing bawal kumain, bawal maski di ka pa kumakain ng 9hrs na. Pag sinabing ngayon na sweruhan, ngayon na; bka after 4 hrs ka na ulit sweruhan pa. Pag cnabing 3cm dilated palang, wag magpumilit na paanakin ka agad at baka cs ka nila, titirik ung mata mo sa 60,000 na bill. Dito nagagalit ang mga doktor. Kung nasa loob ka ng hospital, matutong irespeto at sundin ang cnabi sau maski di kumportable sayo kasi para yun sa ikabubuti mo.

May mga bagay naman na nirerespeto ng doktor ang pasya ng pasyente lalo na kung labag sa relihiyon. Kung nauubusan na ng dugo ang jehovah's witness na pasyente dahil sa aksidente at ayaw masalinan kailangan pumirma.

Limitado ang resources sa hospital. Ang resources ay gamit, tao, room at oras. Pag sinabi ng ER ba puno na ward nila at pinapalipat sa ibang hospital, hndi po dahil ayaw kayo tanggapin. Bawal po tlga ang tatlong pasyente sa isang higaan at madami pa pong ibang hospital gaya ng pgh. Maski sapat ang higaan pa at ang sakit mo ay nakakahawa, palilipatin ka sa san lazaro kung saan meron silang pasilidad para sayo at di ka makahawa pa sa iba.

Tinatawag na Emergency room.
Wag nman po sanang isugod dis oras ng gabi ang isang pasyente na di malubha ang condition at pwede pang ipagpabukas sa opd. Mga baradong tenga dahil sa tutuli, pimples, pangkaraniwang ubo, sore eyes..
Wag din isama ang buong pamilya pag manganganak si nanay. Isang bantay lng papasukin..

Ang doktor naiintindihan na may sakit ang pasyente at alam nila ginagawa nila at kung kelan irerefer sa iba pang specialist.

Hndi Dios ang doctor, hndi lahat napapagaling. May mga limitasyon. Pero dapat hindi labag sa batas ang pagkakamali gaya ng pagkukulang sa paggmot o pabaya sa pagoopera (iniiwan ang mga gunting sa loob ng katawan)

Tao din yan. Napapagod, nasasaktan, naawa at may karapan magalit kung naapakan na ang pagkatao. Ayaw marinig ng doktor na binabayaran ka ng bwis namin gawin mo to... Maski d sahuran yan ng hospital milyonaryo pamilya ng mga doctor mahal kc pagpapaaral sakanila. Kaya minsan may attitude mga yan pero madali sila maawa sa pasyente na humble. Minsan mga doctor na nagbabayad ng bills nila.

Wag paiba iba ng hospital. Sakit sa ulo minsan ang ibang pasyente palipat lipat ng doctor andami sinasabing sakit
Wala nman dalang laboratoryo o xray sa dating doctor at kung request ka ng panibago, magagalit. Pag pumunta sa ibang doctor, back to scratch nnman ang pagsusuri.

Laging tatandaan malubha ang kalagayan ng mga tao sa ER at minsan magulo dahil sa dami ng pasyente. Hndi ito spa o beauty parlor. Iba ang sistema na pinapairal sa hospital at pare parehas ang sistema sa buong mundo sa triage. Limitasyon lng sa resources ang pinagkaiba.

Alamin ang karapatan mo na pasyente at irespeto ang doctor at hospital. Pag may paglabag sa karapatan idaan sa batas. Wag sa fb o pamamahiya.
(C) Baisu

17/12/2015

Musk know!!! Especially to smokers...

Late upload:Fire Safety Lecture & Drill@ Lingig Community Hospital
25/09/2015

Late upload:
Fire Safety Lecture & Drill
@ Lingig Community Hospital

Fire Safety Lectures conducted by the personnel of BFP-Lingig...
02/09/2015

Fire Safety Lectures conducted by the personnel of BFP-Lingig...

Unta oi...
12/08/2015

Unta oi...

The government is hiring nearly 142,000 public school teachers and health workers this year and next year, Budget Secretary Florencio Abad said yesterday.

06/08/2015

Congratulations to Lingig Community Hospital for being recognized as 1 of the 5 hospitals in the whole CARAGA region which practiced the No Balance Billing Policy of PhilHealth...

17/07/2015

Pregnany was created by God to usually last for about 9 months... so there's no reason that expectant parents can't prepare... therefore ayaw na mo pandamay og laing tao especially politicians kung manganak na mo kay wala sila naka-contribute sa inyong pagbuntis... palihug pangandam mo FINANCIALLY!!!

11/07/2015

MANILA, Philippines - More than 200 students in six municipalities in Surigao del Sur were allegedly poisoned after eating durian and mangosteen candies on Friday, July 10, reports said. A recent report from CNN Philippines said that one person died with hundreds currently treated in the nearest hos…

Ang salarin!!!
11/07/2015

Ang salarin!!!

Durian candy. FILE PHOTO TAGUM CITY – Police authorities in Surigao del Sur have so far arrested 12 people, who reportedly sold durian candies that downed

Thank you SURSECO II for the grocery gift items for our patients.. Happy 44th annniversary.. more power to your company!...
07/07/2015

Thank you SURSECO II for the grocery gift items for our patients.. Happy 44th annniversary.. more power to your company!!!

06/07/2015

Bislig City - Lingig Local Area Health Development Zone VI meeting today @ Lingig Municipal Hall...

26/06/2015

Good News to all Lingiganons nga naay mga bukol sa thyroid, breast, uterus (myoma), ovary,og kanang naay bato sa apdo, hernia, og mga bata nga naay cleft lip and palate, adunay medical mission sa Bislig District Hospital.. adunay screening karung july 16 to 17, 2015.. sa mga interesado duol lng kang Dra. Carmona sa hospital..

Address

P2A Peñanueva Street , Brgy. Poblacion
Lingig
8312

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lingig Community Hospital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram