BHW Healthy outside starts from the inside..

22/10/2025
28/09/2025

‼️DOH: PALAKASIN ANG PEER SUPPORT GROUPS KONTRA SUICIDE‼️

Inirerekomenda ng DOH ang pagsasapinal at patuloy na pagsuporta sa mga youth-led peer support group para matugunan ang lumalaking pangangailangan para sa mga programang may kinalaman sa mental health.

Kaugnay nito, inilunsad na sa 50 Provincial at City-Wide Health Systems (P/CWHS) ang paggamit ng DOH Peer Support Groups Playbook.

Kabilang sa playbook ang mga training para sa mga peer facilitators at mga educational materials para higit pang buksan sa kabataan ang usaping mental health.

Sa pamamagitan ng peer support groups, nagkakaroon ang kabataan ng ligtas na espasyo kung saan sila ay napapakinggan, nauunawaan, at nagiging bahagi ng isang inklusibo at pantay na komunidad (WHO, 2021).

Batay sa DOH National Assessment of the Mental Health Literacy of Filipinos (2024), 2 sa bawat 3 kabataang Pilipino ay handang humingi ng tulong—isang malinaw na palatandaan na bukas ang kabataan sa pag-uusap at pagtutulungan, lalo na para sa mga may pinagdadaanan.





28/09/2025

❗️40% sa kaso ng Alzheimer’s, Kayang Maiwasan o Mapigil ang Paglala❗️

Ayon sa World Health Organization, hanggang 40% ng mga kaso ng Alzheimer’s ay maaaring maiwasan o mapigil ang paglala sa pamamagitan ng:

✅regular na ehersisyo
✅masustansyang pagkain
✅cognitive stimulation - malusog na aktibidad para sa isip
✅regular na management ng highblood at diabetes
✅maagang pagkonsulta sa Mental Health Access Sites: https://bit.ly/MAP-MHAccessSites




11/09/2025
08/09/2025
08/09/2025
❤️❤️❤️
08/09/2025

❤️❤️❤️

08/09/2025
08/09/2025

❗️DOH: PANATILIHIN ANG TAMANG TIMBANG PARA SA MALUSOG NA KATAWAN❗️

4/10 na Pilipino ay obese. Ang obesity ay isang kondisyon kung saan labis ang taba sa katawan, at maaaring umangat ang panganib sa iba’t ibang sakit tulad ng altapresyon, sakit sa puso, diabetes (Type 2), at stroke.

🥦🏃Piliin ang healthy ang gawin ang mga sumusunod:
✅ Kumain ng masustansya at iwasan ang matatamis, maalat, mamantika, at matataba (4Ms)
✅ Mag-ehersisyo araw-araw
✅ Magpasuri nang maaga upang matiyak na ang timbang, taas, at sukat ng baywang ay akma sa iyo
✅ Iwasang magpuyat

Source: DOST-FNRI, National Nutrition Survey 2023




Address

Sto. Niño
Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BHW posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram