02/08/2025
Agosto 2, 2025: MALUSOG na BAGA, MATATAG na KALUSUGAN (MBMK) Program sa SITIO JORDAN
Ginanap ang TB Roll Out ng Commission on Health Care sa pamamagitan ng programa nito na Malusog na Baga, Matatag na Kalusugan (MBMK) sa Parokya ng Sto. Tomas de Aquino, Sto. Tomas City, Batangas sa pakikipagtulungan ng Kura Paroko, Fr. Noel Abutal, pakikilahok at paggabay ng bisitang pari na si Fr. Raeson Limbo at pakikipag-ugnayan ng BLC at Marian Movement for Priests (Cenacle) sa laylayang barangay ng San Vicente, Sitio Jordan sa Sto. Tomas City. Ang mission na ito ay sa pakikiisa pa rin ng Barangay Health Workers ng Sitio Jordan.
Ang MBMK Program ng Archdiocese ay naglalayong magturo, magpaliwanag at maggabay sa mga laylayang bahagi ng mga parokya kung saan may mga mananampalataya Batangueño na ‘AT HIGH RISK’ na makatamo ng IMPEKSYON ng Pulmonary Tuberculosis (PTB). Ang Sitio Jordan ay isang maliit na sitio ng San Vicente sa Sto Tomas kung saan ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga residente ay pangunguha ng basura sa dumpsite at segregasyon ng mga ito upang maibenta at maipantustos sa kanilang pang-araw araw na pagkain at pangangailangan.
Sa pamamagitan ng KATESISMO sa Pagpapahalaga at Pangangalaga sa KATAWAN AT KALULUWA na inihatid ni Fr Raeson Limbo at ang PAGTUTURO ukol sa TUBERCULOSIS- kung ano ito, paano nagkakaroon nito, paano naipapagamot at maiiwasan ANG TB at ang PAGTUTURO ng WASTONG KAGAWIAN sa KALINISAN ng MBMK Team ay napapalawig ang kanilang kamalayan at pagmamahal sa BUHAY na biyaya ng Diyos sa kanila. Ang Commission ay nagpapasalamat sa Marian Movement for Priests (Cenacle Group) sa pangunguna sa gawaing pananalangin at debosyon sa Mahal na Inang Maria bago magsimula ang MBMK Program at Banal na Misa.
MBMK Team: Ms Debbie (MBMK Program Admin), Ms. Eloisa (TB Advocate) at Sr. Liza, MCSH (MD on Board)
Katekesis at Banal na Misa: Fr. Raeson Limbo (Formator, SFS College Seminary)
Be Happy Be Holy Be Healthy!