20/04/2021
Ang luslos o hernia ay isang kondisyon kung saan ang pagkahina ng tissue o muscle sa tyan ay nangsasanhi ng pagkakaroon ng bukol sa singit, bayag, pusod, o lumang opera (peklat). Dahil sa mataas ng pwersa sa tyan sanhi ng pagbubuhat ng mabigat, pag-ubo, hirap sa pagdumi or pag-ihi, o ibang factors tulad ng dating opera at paninigarilyo, ang bukol ay maaaring maglaman ng bituka o taba mula sa loob ng tiyan.
Mas common sa mga lalaki, ngunit pwede ding maging sakit din ng mga babae. Minsan ay congenital o sanhi nang hindi pagsasara ng koneksyon sa tyan papunta sa singit para sa mga sanggol.
Maaaring maging delikado at nagiging emergency kapag hindi na ito bumabalik (palaging nakabukol), nagkakaroon ng tuluyang paglaki ng tyan (bloatedness), pagsusuka, hirap sa pagdumi o paglalagnat.
Bago pa man mangyari ang mga sintomas na ito, maaaring magpakonsulta sa doctor upang malaman and pwedeng solusyon para sa ganitong kundisyon.