23/03/2026
๐ง๐ผ๐๐ผ๐ผ ๐ฏ๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ถ๐ฟ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐ฑ๐ป๐ฒ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ? ๐ค
Marami ang naniniwala na ang pag-inom ng maintenance medicines ay nakakasira ng kidney. Subalit, ayon sa mga eksperto, hindi gamot ang sumisira kundi ang hindi kontroladong sakit gaya ng hypertension at diabetes.
๐น Hypertensive Nephropathy โ Ito ay pagkasira ng kidney dahil sa matagal na mataas na presyon ng dugo. Kung hindi iinom ng maintenance, mas mabilis ang pinsala sa kidney, na maaaring mauwi sa dialysis.
๐น Diabetic Nephropathy โ Mataas na blood sugar ang nagdudulot ng unti-unting pagkasira ng kidney. Ang tamang maintenance medicines ay tumutulong upang mapanatiling normal ang blood sugar levels at maprotektahan ang kidneys.
Bakit mahalaga ang maintenance medicines?
- Pinapanatiling kontrolado ang blood pressure at blood sugar upang maiwasan ang komplikasyon.
- Pinoprotektahan ang kidney, puso, at utak laban sa permanenteng pinsala.
- Ang hindi pag-inom ng maintenance ay mas mataas ang panganib ng stroke, heart attack, at kidney failure.
๐ ISANG PAALALA: Hindi gamot lang ang solusyon. Kailangan sabayan ng tamang pagkain, regular na ehersisyo, pag-iwas sa paninigarilyo at alak, at regular check-ups para sa mas maayos na kalusugan.
Ayon sa World Health Organization (WHO), kung lahat ng pasyente ay susunod sa tamang treatment at healthy lifestyle, maaaring maiwasan ang higit 102 milyong stroke cases hanggang 2050.
Kumonsulta sa inyong doktor at bumisita sa ๐จ๐ฟ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ฐ๐๐ฟ๐ฒ ๐ฃ๐ต๐ฎ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ฐ๐ para sa abot-kayang gamot. ๐