10/09/2025
Anunsyo: Libreng TBMASS Screening at Mobile Chest X-ray sa Brgy. Mabini!
Mga minamahal na kababayan ng Llanera Nueva Ecija!
Inaanyayahan po ang lahat na samantalahin ang libreng TBMASS (Tuberculosis Mass Screening) at Mobile Chest X-ray sa:
Petsa: Setyembre 17, 2025 (Miyerkules)
Lugar: Brgy. Mabini Gymnasium
Oras: 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon
Makiisa at magpa-screen para makatulong na mapanatiling malusog ang ating komunidad. Ang maagang pagtuklas ng sakit ay malaking tulong sa pagpapagaling.
Tara na! Sama-sama nating labanan ang Tuberculosis!