RHU LOPEZ

RHU LOPEZ To ensure the implementation of responsive health programs, an effective and efficient health care d

BABALA‼️========
07/11/2025

BABALA‼️
========

07/11/2025

🚨DOH, ITINAAS ANG CODE BLUE ALERT SA BUONG BANSA, KAUGNAY NG PANANALASA NG BAGYONG TINO 🚨

Bunsod ng lawak ng epekto ng bagyong , itinaas ni DOH Sec. Ted Herbosa ang CODE BLUE alert sa mga pasilidad at operasyon ng DOH sa buong bansa. Ito ay kasunod din nag pagdedeklara ng Pangulong Marcos Jr. ng National State of Calamity.

Sa ilalim ng Code Blue Alert status, heightened-alert ang buong Department of Health, kanilang ang regional offices at health facilities.

✅Naka-deploy na ang karagdagang health personnel sa mga evacuation center at pansamantalang health facility sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

✅Naka-preposition ang mga gamot, medical supplies, at mobile response teams para umalalay sa mga lokal na pamahalaan

✅ Activated ang Operations Center (OPCEN) at Health Emergency Management Staff (HEMS) para sa mabilisang koordinasyon para sa emergency response

Nakaantabay na rin sa deployment ang tatlong Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) na kinikilala ng World Health Organization (WHO) na may kakayahang magserbisyo bilang outpatient department o magtayo ng pansamantalang hospital tents sa oras ng sakuna.






19/10/2025

HEALTH ADVISORY ‼️‼️‼️

Dahil sa pagtaas ng mga kaso ng sakit tulad ng sipon, ubo, influenza like illness at severe respiratory infections lkatulad ng community acquired pneumonia, at alinsunod sa Executive Order No. DHT-60, mahigpit na ipinag-uutos ang pagsusuot ng FACE MASK sa lahat ng indoor settings, gayundin sa mga outdoor areas kung saan hindi nasusunod ang physical distancing.



PABATID‼️⬇️
02/10/2025

PABATID‼️⬇️

PABATID SA PUBLIKO ‼️

Ang Emergency Room at mga ward/kwarto ng QPHN – Quezon Medical Center at ng 14 na provincial hospitals ay kasalukuyang puno at nasa 150-200% ang bed occupancy rate.

Patuloy na magseserbisyo at gagawin ang lahat ng makakaya ng bawat ospital upang maalagaan ang mga pasyente.

Gayunpaman, maaaring magkaroon ng limitadong espasyo at kaunting abala sa pagtanggap ng mga darating pa.

Humihingi ng paumanhin at pang-unawa ang bawat ospital at lubos na nagpapasalamat sa patuloy na pagtitiwala at pakikiisa habang sama-sama nating nilalampasan ang sitwasyong ito.

22/09/2025

Paano maiiwasan ang HIV at bakit mahalaga ang HIV testing?

Alamin ang tinatawag na ABCs ng pag-iwas sa HIV at kung bakit mahalagang malaman ang sariling HIV status sa pamamagitan ng testing.

Sa bayan ng Lopez, available ang HIV Counseling, Screening, at Testing sa:
- Lopez Municipal Health Office, RHU Building, Brgy. Magsaysay
- QPHN Magsaysay (Lopez) / Magsaysay Memorial District Hospital

Maaari ring tumawag sa HIV Lopez Helpline: 0908-671-2210

TANDAAN: Huwag matakot. Alamin ang iyong HIV status. Kalakasan ang may alam. Magpa-test, magpatingin, at mamuhay nang ligtas.

22/09/2025

Ano nga ba ang HIV at AIDS? At paano ito naipapasa?

Alamin natin mula mismo sa Municipal Health Officer ng Lopez, Dr. Paolo Villafañe.

Mahalaga ang tamang kaalaman upang mapangalagaan ang ating kalusugan at masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

Sa bayan ng Lopez, available ang HIV Counseling, Screening, at Testing sa:
- Lopez Municipal Health Office, RHU Building, Brgy. Magsaysay
- QPHN Magsaysay (Lopez) / Magsaysay Memorial District Hospital

Maaari ring tumawag sa HIV Lopez Helpline: 0908-671-2210

TANDAAN: Huwag matakot. Ang tamang kaalaman at tamang aksyon ang pinakamabisang proteksyon, para sa sarili at para sa mga mahal sa buhay.

https://www.facebook.com/share/p/19LB4iDk4F/?mibextid=wwXIfr
21/06/2025

https://www.facebook.com/share/p/19LB4iDk4F/?mibextid=wwXIfr

Alagaan natin ang mga bata 🫶

🚸 Sa kalsada - ituro ang tamang pagtawid.

🚘 Sa paglalakbay - ituro ang paggamit ng seatbelt at helmet.

🏠 Sa bahay – gawing ligtas ang mga gamit para maiwasan ang sakuna tulad ng pagkapaso, pagkahulog, at pagkalason.

💻 Sa internet – protektahan sila sa cyberbullying, fake news at content na hindi angkop sa mga bata.

⚕️Sa kalusugan – gawing regular ang check-up at pagbabakuna. Ituro rin ang tamang paghuhugas ng kamay.

Ang ating kasalukuyan ay itutuloy ng mga kabataan sa kanilang kinabukasan.




https://www.facebook.com/share/p/19eB8LuYQ8/?mibextid=wwXIfr
06/06/2025

https://www.facebook.com/share/p/19eB8LuYQ8/?mibextid=wwXIfr

Panahon na naman ng tag-ulan ☔ kaya mas mabilis dumami ang lamok 🦟 na may dalang dengue!

Ipagpatuloy natin ang ating nasimulan na 4Ts tuwing Alas Kwatro 🕓: Taob 🪣, Taktak 💧, Tuyo 🌞, Takip 🛢️ — araw-araw gawin para iwas dengue at ligtas ang pamilya 👨‍👩‍👧‍👦!

Tandaan: kung walang lamok, walang dengue.





Address

RHU Building Brgy. Magsaysay Lopez Quezon
Lopez
4316

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU LOPEZ posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to RHU LOPEZ:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram