29/10/2025
Kalimitang tumataas ang mga kaso ng Influenza-like Illnesses tuwing nagpapalit ang panahon. Alamin kay Nurse Ayesha ang mga sintomas, paano makakaiwas at mga dapat gawin kapag mayroon ka nito. Narito ang kanyang TIP, Tamang Impormasyong Pangkalusugan tungkol sa ILI.
At muling nagpapaalala ang Provincial Health Office sa kahalagahan ng pagsusuot ng face mask upang mas maging epektibo ang pag-iwas ng pagkalat ng ILI at iba pang respiratory diseases.
Sama-sama tayong kumilos tungo sa isang Healthy Quezon, kalusugan para sa bawat mamamayan!