09/12/2025
Carlos SuperDrug Mangrove Tree Planting & Coastal Clean-Up
Habang patuloy na humaharap ang bansa sa matitinding kalamidad at pagbaha, pinangunahan ng Carlos SuperDrug ang pagpapatibay at pag aalaga ng ating kalikasan. Sa tulong at suporta ng Lucena City Agriculture Office, Bantay Dagat, Camp Nakar – 2nd Cavalry Batallion, Philippine Air Force, Brgy. Talao-Talao officials and residents, kasama ang aming Carlos SuperDrug employees, partners, at sponsors, matagumpay tayong naglinis ng baybayin at nagtanim ng mga puno ng bakawan sa Lucena City.
Dagdag 200 mangrove trees ang naitanim—isang karagdagang depensa laban sa storm surge, soil erosion, at pagbaha.
Sama-sama para sa mas ligtas, mas malinis, at mas matatag na komunidad. 🌿💙🌊
December 6, 2025 | Baybayin ng Brgy. Talao-Talao, Lucena City