Herbal Medicine's

Herbal Medicine's you can ask question mga ka- med's. pls.respect my page para dun sa mga magcocomment�Thankyou�

21/04/2022

Balakubak o Dandruff
Payo ni Doc Willie Ong

Ang balakubak ay isang kondisyon sa anit na may kasamang sobrang pangangati at pagka-tuklap ng balat. Ito ay hindi naman nakahahawa at hindi seryosong sakit, ngunit ang pagkakaroon ng balakubak ay nakakabahala sa iba.
Maraming posibleng dahilan ng balakubak gaya ng: (1) dry skin, (2) iritasyon, (3) seborrheic dermatitis, (4) psoriasis, (5) eczema, (6) yeast-like fungus o malassezia, (7) hindi madalas na pag-shampoo, at ( 8 ) sensitibo ang anit sa mga ginagamit na hair products.
Paano ang pag-gamot sa balakubak:
1. Mag-shampoo ng regular - Gumamit ng mild shampoo o non-medicated shampoo. Dahan-dahan itong i-masahe sa anit para matanggal ang mga natuklap na balat. Banlawan ito mabuti.
2. Gumamit ng medicated shampoo kung malala ang ka*o ng balakubak - Hanapin ang shampoo na naglalaman ng zinc pyrithione, salicylic acid, coal tar o selenium sulfide. Ang medicated shampoo na Nizoral 1% ay nakapupuksa ng balakubak sanhi ng fungi na nanirahan sa iyong anit. Ang shampoo na ito ay mabibili sa botika over-the-counter o minsan kailangan pa nito ng reseta.
3. Itigil ang pag-gamit ng mga styling products - Ang hair sprays, styling gels, mousses at hair waxes ay nagiging dahilan para maging malangis o oily ang buhok at anit.
4. Kumain ng masusustansyang pagkain - Kumain ng mga pagkain na nagbibigay ng sapat na Zinc at B Vitamins na makatutulong maiwasan ang balakubak.
5. Subukan gumamit ng tea tree oil. Ang herbal na ito ay nakatutulong mabawasan ang balakubak. Ang langis ng tea tree oil ay nakukuha sa dahon at ito ay ginagamit na antiseptic, antibiotic, at antifungal.
Kung ang balakubak ay lumala o ang anit ay magkaroon ng iritasyon o sobrang pangangati, kumonsulta sa iyong doktor.

17/02/2022

Pagkain na Nagpapalakas ng Baga at Iba Pang TipsVideo ni Doc Willie Ong at Doc Liza Ong . Maraming tao ang may Tuberculosis. Puwede sila makahawa sa pa...

17/02/2022

Lagi Bang Mabilis ang Tibok ng Iyong Puso?
Paano Maiiwasan ang Heart Palpitations?
Payo ni Doc Willie Ong

Ang palpitations ay ang pakiramdam na mayroong mabilis at kumakabog na tibok ng puso. Maaari itong matrigger ng stress, ehersisyo, gamot o minsan ay mula sa ilang mga sakit. Bagamat nakakabahal ang palpitations, kadalasan ay hindi naman ito delikado. May mga pagkakataon lamang na ang heart palpitations ay bunga ng sakit sa puso tulad ng irregular heartbeat (Arrythmia) na kailangan ng gamutan.
Kapag mayroong heart palpitations, mararanasan ang sobrang bilis ng tibok ng puso. Maari ring maramdaman ang palpitations sa lalamuna o leeg at sa dibdib. Maaaring magkaroon ng palpitation kahit na nakapahinga o may ginagawa, kahit na nakatayo o nakahiga man.
Kailan Dapat Kumonsulta sa Doktor?
Ang mga palpitations na tumatagal lamang ng ilang segundo at hindi madalas na nangyayari ay hindi nangangailangan ng konsultasyon sa doktor. Kung mayroong history ng sakit sa puso sa inyong pamilya at palaging nagkakaroon ng palpitations o lalong lumalala ang palpitations, kailangan nang kumonsulta sa doktor. Maaaring magsagawa ng heart-monitoring tests ang doktor upang malaman ang dahilan ng iyong palpitations.
Kailangan ng emergency medical attention kung an heart palpitations ay may kasamang pananakit ng dibdib, hirap makahinga, labis na pagkahilo o pagkalito at pagkahimatay ng pasyente. Agad na dalhin ang pasyente sa pinakamalapit na hospital.
Risk Factors Para sa Heart Palpitations
Narito ang ilang mga kondisyon na maaaring magpataas ng posibilidad ng pagkakaroon ng heart palpitations.
Laging stressed, mayroong anxiety disorder o madalas nagkakaoon ng panic attacks, kapag buntis, umiinom ng mga gamot na may stimulants tulad ng mga gamot sa sipon at asthma, kapag may hyperthyroidism, may sakit sa puso tulad ng arrythmia, bara sa ugat sa puso at heart attacks.
Paano Makakaiwas sa Heart Palpitation?
Ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang palpitations ay iwasan ang mga triggers o risk factors na nabanggit sa itaas.
1. Bawasan din ang pagiging stressed o ang labis na pag-aalala o pagiging nerbyoso. Subukan ang ilang mga relaxation techniques tulad ng meditation, yoga at deep breathing o aromatherapy. Makakatulong din ang laging pagdadasal upang maging relaxed.
2. Bawasan ang paggamit ng mga produktong may stimulants tulad ng kape, sigarilyo at gamot sa sipon, energy drinks dahil pinapabilis ng mga ito ang tibok ng puso.
3. Iwasan ang paggamit ng illegal drugs tulad ng co***ne at amphetamines dahil nagdudulot ito ng palpitations.

17/02/2022

HUWAG MAGPAKA-BUSOG
Payo Ni Doc Willie Ong

Ang pagkain ng labis ay nagdudulot nang masamang epekto dahil nahihirapan ang ating katawan na tunawin ito. Dodoble ang trabaho ng ating atay, pale (pancreas) bato at puso dahil sa sobrang pagkabusog. Tataas din bigla ang ating asukal sa dugo (blood sugar). Kapag labis ang kinain mong karne, marami ring dumi (na kung tawagin ay “free radicals”) ang ilalabas nitong mga pagkain.
Kaya ipinapayo ng eksperto ang pagkain ng “high nutrient at low calorie diet.” Ang ibig sabihin ay mataas sa nutrisyon ang iyong dapat kainin pero mababa naman sa calorie. Para matupad ito, subukang kumain nang mas maraming gulay, isda, prutas, beans at soy products (tofu, taho, tokwa).
Bawasan ang pagkain ng karneng baka at baboy, matatamis na inumin, at matatabang pagkain. Medyo limitahan din ang pagkain ng kanin (mga kalahati o 1 tasang kanin lang bawat kainan), pero damihan na lang ang gulay at prutas. Kung mababawasan mo lang ng 10% ang iyong kinakain ay pupuwede na.
Ang isa pang kasabay na payo ay ang pagkain ng 5-6 na beses sa isang araw, pero pakonti-konti lang. Ang isang saging, mansanas o pandesal ay puwedeng pang-meryenda na.
Sa ganitong paraan, dahan-dahan ang pagpa*ok ng nutrisyon sa katawan. Mas maginhawa ito sa mga organ ng ating katawan. At marahil dahil dito, kaya humahaba ang buhay ng mga taga-Okinawa. Gayahin natin sila. Huwag magpakabusog.

17/02/2022

Hindi Makatulog Kaka-isip. Gawin ito!
Payo ni Doc Willie Ong

Kung ang sobrang pag-iisip ay pina-panatiling gising ka sa gabi, narito ang 3 simpleng payo sa iyo:
1. Isulat ang iyong iniisip.
Kailangan mailabas sa iyong isipan ang pino-problema mo. Ang lumang paraan ay pagsulat sa papel o diary. Ngunit mayroon ding mga App sa cellphone kung saan pwede ka magsulat at i-save ito. Mas giginhawa ang iyong pakiramdam para makatulog ka na.
2. Mag-dasal at magnilay-nilay.
Ang regular na pagmumuni-muni ay may pakinabang, kabilang ang mas maayos na pagtulog at mas kalmadong isip. Ang pagmumuni-muni at pag-relax araw-araw ay makatutulong para mapahinga ang iyong isip at katawan.
3. Mangako na ipagpapatuloy ang iyong pag-iisip sa isyu sa ibang araw.
Ang iyong isip ay paulit-ulit sa mga alalahanin, problema at solusyon hangga't pinapayagan mo ito. Kung napansin mo ang isang paulit-ulit na ideya, subukang gumawa ng isang desisyon sa iyong isip. Sabihin ito, "Ipina-pangako ko na maglalaan ako ng oras bukas para bigyan ng atensyon ang isyung ito. Ngunit sa gabi ngayon, kailangan ko nang matulog kaya hindi ko na iisipin yan.” Syempre kailangan mong tuparin ang iyong mga pangako kinabukasan.

17/02/2022

Sa mga may kidney Stone po (Bato sa Bato) palaging uminom ng maraming tubig walong ba*o o higit pa sa isang araw, umiwas po tayo sa maaalat at mamantikang pagkain , Matuto tayong kumain ng masusustansyang pagkain tulad ng gulay at prutas , laging mag ehersisyo , ang paglalakad sa umaga ay maganda ( lalo na sa mga may edad) tandaan lang po natin pagkatapos kumain kailangan natin pagpawisan ,nakatutulong ito para lumabas ang toxins sa ating katawan .

16/02/2022

ALAGAAN ANG KATAWAN
Payo Ni Doc Willie Ong

ALAM n’yo ba na may tamang pangangalaga sa bawat parte ng ating katawan? Heto ang mga payo na makabubuti at makasasama sa inyo. Umpisahan na natin ang pag-aalaga.

1. Utak (brain)
Mabuti: Mag-aral at magbasa lagi. Sumagot ng crossword, sudoku at iba pa.
Masama: Pag-inom ng alak. Pagkalungkot. Paglalaro ng boksing.

2. Mata (eyes)
Mabuti: Ipikit at ipahinga ang mata pagkatapos magbasa o mag-computer. Gumamit ng salamin.
Masama: Masilaw sa sobrang liwanag ng ilaw. Tumitig sa araw. Mapuwing ng maduming bagay. Magbasa ng matagal.

3. Tainga (ears)
Mabuti: Mahihinang tunog lang.
Masama: Maingay na lugar tulad ng airport, concert at kantahan. Malakas na tunog ng earphones. Pagkasundot ng tainga.

4. Ngipin (teeth)
Mabuti: Magsipilyo araw-araw. Gumamit ng dental floss. Gumamit ng tongue cleaner.
Masama: Hindi pagsisipilyo. Matitigas na pagkain. Paninigarilyo. Pag-inom ng may kulay na inumin dahil maninilaw ang ngipin.

5. Puso (heart)
Mabuti: Pagkain ng isda at gulay. Pag-eehersisyo. Masiyahin na pananaw sa buhay.
Masama: Matataba at maaalat na pagkain. Laging nagagalit. Altapresyon, diabetes at mataas na cholesterol.

6. Baga (lungs)
Mabuti: Preskong hangin. Pagtira sa probinsya. Pag-hinga ng malalim.
Masama: Paninigarilyo. Paglanghap ng usok ng mga sasakyan at polusyon.

7. Bato (kidney)
Mabuti: Pag-inom ng 8 hanggang 12 ba*ong tubig.
Masama: Pagpipigil ng ihi. Pagkain ng maaalat.

8. Atay (liver)
Mabuti: Magpabakuna sa Hepatitis B. Pagkaing masustansya.
Masama: Pagkain ng matataba at madudumi. Pag-inom ng alak. Pag-inom ng maraming gamot.

9. Bituka, tiyan (bowels)
Mabuti: High-fiber na pagkain tulad ng gulay, wheat bread, mansanas, pakwan at saging. Pag-inom ng maraming tubig.
Masama: Pagkain ng taba ng karneng baboy at baka. Nagpapakagutom.

10. Balat (skin)
Mabuti: Pag-inom nang maraming tubig. Maligo araw-araw. Pagkain ng prutas.
Masama: Pagpapaaraw. Paninigarilyo. Laging nakasimangot. Pagpupuyat.

11. Alagaan ang buong katawan. Kumain ng masustansya at mag-ehersisyo. Alamin at panatilihin ang inyong tamang timbang.
Good luck po!

23/12/2021

Kanser sa Obaryo (Ovarian Cancer)
Ni Dr Willie Ong

Para sa artikulong ito, kinuha ko si Dra. Meredith Garcia, isang espesyalista sa kanser para magbigay ng paliwanag.
Ang ovarian cancer ay ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga kababaihan dulot ng kanser. Mula sa diagnosis, halos 70% ng mga pasyente ay namamatay sa loob ng limang taon at umaabot sa hanggang 90% ang namamatay dito sa loob ng sampung taon.
Walang iisang sintomas na eksklusibo sa ovarian cancer at maaari pa nga itong walang sintomas sa mga maagang stage nito. Hindi ito nakikita sa Pap smear at wala ring screening test sa kasalukuyan para ma-diagnose ito nang maaga.
Dahil dito, halos 70% ng mga pasyente ay nasa Stage 3 o Stage 4 na kapag na-diagnose. Pero kung maagapan ito sa Stage 1 pa lamang, tumataas sa halos 90% ang tsansa na mabuhay mula sa sakit na ito.
Ang isang babae ay may mas mataas na tsansang magkaroon ng ovarian cancer kung siya ay:
– Nasa middle age o mas matanda
– May malakas na family history ng ovarian, breast at colon cancer
– May personal history ng breast cancer
– Labis ang katabaan o timbang (obese)
– Maagang nagregla (before 12 years old)
– Late nag-menopause (after 52 years old)
– Nahirapang mabuntis o hindi nabuntis o nanganak kailanman
– Tumanggap ng fertility drugs tulad ng clomiphene
Anu-ano ang mga posibleng sintomas ng ovarian cancer?
– Madaliang pagkahapo o pagkahingal
– Pananakit ng tiyan, puson, balakang o ibabang bahagi ng likuran
– Paglaki, pamamaga o pakiramdam na parang may hangin ang tiyan
– Pag-ihi nang madalas o pagkabalisawsaw
– Hirap sa pagdumi
– Madaliang pagkabusog o pakiramdam na nasusuka pagkatapos kumain
– Mga pagbabago sa regla
– Pagdurugo sa puwerta
– Pagtaas o pagbaba ng timbang na hindi sinasadya
Ngunit ang pagkakaroon ng isa o ilan sa mga sintomas na nabanggit ay HINDI KAAGAD nangangahulugan na ang isang babae ay may ovarian cancer.
Kung ang isang babae ay may ovarian cancer, ang mga sintomas na nabanggit ay mapapansing MAS LUMALALA SA PAGLIPAS NG PANAHON dahil ang paglaki ng bukol ay maaaring magdulot ng sakit o umipit sa mga katabing organ tulad ng pantog o malaking bituka kaya maaaring maapektuhan ang pag-ihi o pagdumi.
Sa mga ganitong ka*o, kailangang magpatingin nang personal sa isang OB-Gyne na doktor para masuri nang mas mabuti at magawan ng mga nararapat na laboratory test.

24/11/2021

GUIDES FOR RABIES.

”Hello po. As a medical professional, I just want to share my knowledge about rabies. Subukan ko po itagalog lahat para maintindihan ng nakararami. Marami na kasi ako nakikita, nababasa or nagtatanong about sa rabies. Hindi lahat pero karamihan o marami narin ako nababasa na nagbibigay ng kanya kanyang opinyon dito na mali. Kung nakagat daw ba sila ano ang gagawin? Kapag nakalmot may rabies ba?

First of all, ang rabies ay hindi innate or inborn. Ibig sabihin hindi lahat ng a*o pagkapanganak ay may rabies. Hindi lahat ng tuta ay may rabies. Hindi rin totoo na mas malakas ang rabies ng tuta kaysa sa adult na a*o. Ang rabies ay isang virus (Rhabdovirus). Magkakaroon lang ng rabies ang isang a*o kapag nakagat ito ng rabid na a*o, pusa, racoon, o paniki. Hindi totoo na sa maduming lugar tulad ng basurahan o bulok na pagkain nakukuha ang rabies.

Ang a*o na may rabies ay may taning na ang buhay na hindi lalagpas ng 2 weeks. Kaya namamatay ang a*o na may rabies dahil infected na siya ng virus at umakyat sa utak. Kaya nauulol ang a*o kapag may rabies dahil dito. Walang katotohanan yung kapag namatay ang a*o ay dahil nakakagat siya ng tao at nailipat rabies. Ang a*ong may rabies ay mamamatay at mamamatay kahit makakagat ng tao o hindi. Walang kinalaman ito sa pagkakagat sa tao.

Ano ang dapat gawin pag nakagat o nakalmot ng a*o? May rabies din ba ang kalmot? Pwede ba bawang sa rabies?
Alamin natin history ng a*o natin. Kapag alaga natin ang a*o at sa bahay lang at hindi a*ong gala, at nakagat o nakalmot dahil sa harutan, most likely wala itong rabies. Tulad ng sinabi ko hindi inborn ang rabies sa a*o at pag may rabies. Ang una dapat gawin ay hugasan at sabunin ang area ng nakagat para maiwasan ang infection. Infection o mikrobyo na maaring puma*ok sa sugat at hindi yung rabies. Kaya usually nagbibigay tayo ng vaccine na anti-tetanus. Yes may rabies din ang kalmot kapag may rabies ang a*o o pusa. Kaya may rabies ang kalmot hindi ito dahil sa kuko, dahil ito kapag dinidilaan ng a*o o pusa ang mga kamay niya. Hindi po macure ng bawang ang rabies. Walang katotohanan ito. Sa buni o an-an baka pwede pa haha.

Kailangan paba magpaturok ng para sa rabies pag nakagat o nakalmot a*o?

Itong sagot na ito ay fact or katotohanan lamang. Kapag ang a*o mo ay alaga mo, kilala mo magulang a*o at san galing, nasa bahay lang, hindi nakagat ng ibang a*o o pusa sa labas, lalo na kung may rabies vaccine, ang sagot ay HINDI na. Most likely walang rabies ang a*o mo. Ang kailangan lang ay anti-tetanus vaccine para iwas infection dahil sa sugat. Kapag Dr sa hayop o vet ang tatanungin at nakita o nasuri na healthy naman ang alagang a*o hindi narin niya ito irerequire. Pero walang masama kung duda ka at wala ka masyado alam sa rabies virus at gusto mo ng peace of mind. Natural lang na kapag pumunta ka saming mga doctor, ay isuggest na paturok first dose then observe a*o. Pag di namatay a*o no need to continue. Pero may mga doctor din na magtatanong about sa a*o kung alaga ba or paano nakagat, kung nauulol ba yung a*o at nangagat or nakagat dahil sa harutan. Yung iba anti-tetanus vaccine nalang. Pag nag insist yung patient wala naman problema kung gusto niya magpaturok para sa rabies. Kapag a*ong gala naman ang nakakagat sayo or sa labas ng bahay ka nakagat at hindi mo a*o, this is the time na dapat ka mag paturok para sa rabies and anti tetanus. Pag namatay a*o, kailangan kumpletuhin shots. Kailangan din madala yung a*o sa RITM. Pinuputol ang ulo nito at sinusuri ng mga specialista for confirmatory.

Inuulit ko po. Ang mga nabangit ko ay fact o katotohanan at base sa napagaralan at kaalaman ko. Nasa sainyo parin ang desisyon. Maraming salamat!”

ctto

23/11/2021

Tamang Ehersisyo para Hindi Ma-pilay (Sprain)
Payo ni Doc Willie Ong

Ang sprain o pilay ay nangyayari kapag ang iyong litid ay nawala sa porma o napunit. Ang pilay ay kadalasang nangyayari sa iyong bukong-bukong, tuhod at paa. Masaki ito at mabilis na namamaga. Sa pangkalahatan, kung mas matindi ang sakit, ibig sabihin ito ay sobrang napinsala.
Para Maiwasan ang Pilay:
1. Mag-warm up para lumuwag at mabanat ang muscles bago magsimula ng ehersisiyo. Unti-unting dagdagan ang antas ng gawain sa loob ng 5 hanggang 10 minuto. Kung ikaw ay madaling magkaroon ng pananakit ng kalamnan, mag-apply ng mainit bago mag-ehersisyo.
2. Umpisahan ng paunti-unti - Kung nais sumubok ng bagong sport, dagdagan ang antas ng sport ng dahan-dahan sa loob ng ilang linggo.
3. Iwasan ang mga sport na maaaring makapinsala. Huwag sobrahan ang gawain.
4. Mag-palamig o cool down pagkatapos ng ehersisyo.
5. Gumawa ng mga cross-training - Maaaring subukan ang iba't ibang gawain sa parehong workout na pagpalit-palitin ang gawain simula sa unang araw hanggang sa susunod.
Tandaan: Itigil agad ang gawain kung nakararanas ng pananakit ng dibdib, hindi normal na tibok ng puso, pagkahilo o pamumutla, hirap sa paghinga, sobrang pagod, sobrang pananakit ng kasu-kasuan at kalamnan at pamamaga ng kasu-kasuan.

23/11/2021

Sinusitis at Sipon
Payo ni Doc Willie Ong

Ang sinusitis ay nangyayari kapag ang paligid ng daanan ng ilong (sinuses) ay namamaga. Ang pamamaga nito ay nagpapa-sarado sa daanan, kaya mahirap para sa sinuses na maalis ang nakabara. Ang sakit nito ay nagre-resulta para mamaga kapag ang sipon ay nabuo dito.
Ang sintomas nito ay ang pananakit sa palibot ng mata o pisngi, pagbabara ng ilong, dahilan para mahirapan huminga sa ilong, dilaw o berdeng uhog sa ilong o pababa sa iyong lalamunan.
Acute sinusitis ay kadalasan dahilan ng sipon. Ang matagalang sinusitis ay maaaring dahil sa impeksyon, allergy, nasal polyps o deviated septum.
Payo sa sinusitis at sipon:
1. Mag-apply ng warm compress. Ilagay ang mainit-init na basang towel sa ilong, mukha, at mata para mawala ang sakit.
2. Uminom ng maraming tubig o iba pang inumin. Ang tubig ay nakatutulong para palabnawin ang sipon at lumuwag ang mga daluyan nito. Iwasan uminom ng kape at alak, dahil ito ay nakapagpapanuyo.
3. I-steam ang sinuses. Ito ay makatutulong mawala ang sakit at matanggal ang plema. Talukbungan ng towel ang iyong ulo at maingat na langhapin ang singaw ng tubig mula sa palangganang mayroong pinakulong tubig. Panatilihin na ang singaw nito ay direkta sa iyong mukha. O kaya ay maligo ng mainit na tubig at langhapin ang basang singaw nito.
4. Magkaroon ng sapat na pahinga. Ito ay makatutulong sa iyong katawan para labanan ang impeksyon at mabilis na gumaling.
5. Matulog na naka-angat ang ulo. Ito ay makatutulong para ang iyong sinuses ay lumuwag.
6. Nasal lavage. Ito ay paghuhugas sa daanan ng ilong (lavage) at pinalalabas nito ang sobrang sipon at dumi at nakatutulong din para mabawasan ang pamamaga ng sinuses. Ang lavage ay parang bombilyang syringe o neti pot.
7. Mag-ingat sa mga decongestant nasal spray. Ang decongestant nasal spray ay nakatutulong para lumuwag ang daluyan ng sipon, ngunit maaari mo lamang itong gamitin 1 beses sa 1 araw sa maikling panahon na hanggang 3 araw lamang.
Kumonsulta sa iyong doktor kung ang sintomas ay walang pagbabago pagkalipas ng ilang araw o kung ito ay lumala pa, o kung mayroong history ng pabalik-balik o malalang sinusitis. Kung ang iyong sinusitis ay resulta ng impeksyon dahil sa bakterya, ang iyong doktor ay maaaring magreseta ng iniinom na antibiotic o iba pang gamot.

Address

Dalahican, Sta Teresa
Lucena

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Herbal Medicine's posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram