19/10/2025
PABATID!
Sa bisa ng EXECUTIVE ORDER NO. DHT- 60 Series of 2023, mahigpit na ipinag-uutos ang PAGSUSUOT NG FACE MASK SA LAHAT NG INDOOR SETTINGS, GAYUNDIN SA MGA OUTDOOR AREA kung saan hindi nasusunod ang physical distancing.
Ito’y dahil sa nakababahalang ng mga kaso ng sakit tulad ng sipon, ubo, at pneumonia.
Para sa lahat ng kinauukulan, pinaaalahanang ipatupad ang mga sumusunod na hakbang para sa pag-iwas at pagkontrol ng mga nasabing sakit:
• Ang MANDATORY na pagsusuot ng FACE MASK ay ipapatupad sa mga indoor settings at sa mga outdoor settings kung saan hindi masusunod ang physical distancing.
• AGAD NA MAG-ISOLATE kung makararanas ng mga sintomas na kahalintulad ng trangkaso gaya ng ubo, sipon, pananakit ng lalamunan, o lagnat.
• Bilang panuntunan, ang PAGSUSURI (TESTING) para sa mga pinaghihinalaang kaso at indibidwal na may bahagyang sintomas ay OPSYONAL.
Para naman sa PANGKALAHATANG PUBLIKO, upang matiyak ang minimal local transmission, isagawa ang mga sumusunod na antas ng proteksyon:
• Magsuot ng face mask sa mga pampublikong lugar, ospital, klinika, at mga panloob na lugar kung saan hindi masusunod ang physical distancing.
• Magpa-update ng mga bakuna gaya ng flu vaccine at pneumococcal vaccine.
• Mag-isolate sa sarili kung may nararanasang sintomas.