23/10/2025
https://www.facebook.com/share/p/1Com4XSpPw/
Concerned ka ba tungkol sa Flu or Influenza?
Isa itong viral na sakit na nagmumula sa Influenza Virus.
ANO ANG MGA SINTOMAS NG FLU?
According sa Center for Disease Control ang mga sintomas tulad ng mga sumusunod ay maaring Flu:
1. Lagnat/o masamang pakiramdam
2. Sakit ng lalamunan
3. Ubo
4. Sipon
5. Sakit ng katawan
6. Pwede rin na pagsusuka at pagtatae
KAILAN DAPAT I-ADMIT ANG FLU?
Kapag ito ay may kasamang hirap huminga, sakit ng dibdib o tiyan, hirap na magisip o gisingin, nagkombulsyon, hindi makaihi, panghihina, lumalalang mga sintomas o lumalalang ibang mga sakit.
ANO ANG NATURAL HISTORY NG FLU?
Magsisimula ang lahat sa exposure, kung ikaw ay nakasalamuha sa isang taong may mga sintomas ng flu. Sa loob ng 2-5 days ay magkakaroon na rin ng sakit ang mga nakasalamuha ng taong iyon kung hindi sila bakunado ng strain ng flu noong nakahawa. Kung mataas ang iyong immune system, ay kayang labanan ng katawan mo ang sakit na ito sa loob ng hindi lalampas sa 3-7 araw.
PAANO MAIIWASAN ANG FLU?
1. Magpabakuna agad kung available na ang bakuna. Hindi buntis, buntis (kahit anong edad ng pagbubuntis) at nagpapadede ay maaaring makatanggap ng bakuna. Hindi kailangan hintayin na maka-isang taon mula sa huling bakuna. Pwede din magpabakuna kahit 1st trimester ng pagbubuntis o less than 3 months.
2. Tamang hand hygiene o paghuhugas ng kamay
3. Pagsusuot ng mask sa matao at kulob na mga lugar at tamang distansya lalo na sa may sintomas nito.
UGALIIN NA MAGLAAN NG BUDGET PARA SA FLU VACCINE AT MAGPABAKUNA SA PINAKA MAAGANG PANAHON.
KatMD