Quezon Provincial Hospital Network - Quezon Medical Center

Quezon Provincial Hospital Network - Quezon Medical Center The Official page of Quezon Provincial Hospital Network - Quezon Medical Center

Sa BAGONG QMC, Pasyente ang una sa lahat! ❤️
Need help?

Call us anytime: (042) 717-6323 or 6324

CP CLEARANCE, ISINAGAWA PARA SA PAGHAHANDA NG MGA PASYENTENG SASALANG SA CHOLECYSTECTOMY CARAVAN 🧡Ngayong araw, puspusan...
17/11/2025

CP CLEARANCE, ISINAGAWA PARA SA PAGHAHANDA NG MGA PASYENTENG SASALANG SA CHOLECYSTECTOMY CARAVAN 🧡

Ngayong araw, puspusan at maingat na isinasagawa ang CP Clearance ng Cholecystectomy Caravan ng QPHN-QMC. Ito ay mahalagang hakbang upang masiguro ang kaligtasan at kahandaan ng bawat pasyente bago sumalang sa operasyon.

Sa pangunguna ng ating mga doktor, tinitiyak natin na ang bawat detalye ng kalusugan ay nasuri nang husto, patunay ng ating dedikasyon sa de-kalidad at ligtas na serbisyong medikal.



1ST QMC WOUND CARE SYMPOSIUM, PINAGTIBAY ANG KAALAMAN NG ATING MGA EMPLEYADO SA PAG-AALAGA AT PAGPAPAGALING NG SUGAT 🧡Ma...
17/11/2025

1ST QMC WOUND CARE SYMPOSIUM, PINAGTIBAY ANG KAALAMAN NG ATING MGA EMPLEYADO SA PAG-AALAGA AT PAGPAPAGALING NG SUGAT 🧡

Matagumpay na isinagawa ang 1st QMC Wound Care Symposium and Workshop noong Nobyembre 15, 2025 sa Queen Margarette Hotel, sa pangunguna ng Department of Orthopedics. Dinaluhan ito ng mga doktor at medical personnel, na nagpakita ng dedikasyon sa patuloy na pagkatuto at pagpapaunlad ng kanilang kasanayan.

Ibinahagi sa symposium ang komprehensibong talakayan at praktikal na pagsasanay sa pinakabagong pamamaraan sa basic at advanced wound care management. Layunin nitong palakasin ang kaalaman at kahusayan ng bawat health worker sa ospital.

Ang ganitong inisyatibo ay nagpapatunay sa patuloy na pagsisikap ng QPHN-QMC na itaas ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan. Sa pamamagitan ng mas mahusay na kasanayan sa wound care, masisiguro ang mas mabilis at epektibong paggaling ng ating mga pasyente.



OB-GYNE DEPARTMENT, MATAGUMPAY NA SINIMULAN ANG LINGGO SA IKA-45 NA FLAG-RAISING CEREMONY 🧡Matagumpay na sinimulan ang l...
17/11/2025

OB-GYNE DEPARTMENT, MATAGUMPAY NA SINIMULAN ANG LINGGO SA IKA-45 NA FLAG-RAISING CEREMONY 🧡

Matagumpay na sinimulan ang linggo ng OB-Gyne Department, sa pamumuno ni Dr. Limavel Ann Veloso, sa ika-45 na flag-raising ceremony. Ibinahagi ng departamento ang kanilang kasalukuyang manpower, ang mga hakbang upang tugunan ang kakulangan ng kawani, at ang kanilang kasalukuyang patient load at admissions. Tinalakay rin ang mga natatanging tagumpay at mga hamon na kinahaharap, na lalong nagpatibay sa kanilang layunin na magbigay ng mataas na antas ng pangangalaga para sa mga ina at sanggol.

Naghatid naman ng mahahalagang update si Dr. Jef Villanueva, Chief of Hospital, kaugnay ng mga programa at kaganapan sa QPHN-QMC:

✅Matagumpay na ISO 9001:2015 Surveillance Audit
✅Isinagawang Cholecystectomy Caravan Screening
✅Pagdaraos ng 1st Wound Care Symposium and Workshop
✅Matagumpay na Pneumococcal Vaccination
✅Paglahok ng QPHN-QMC team sa 50th Convention ng Philippine College of Hospital Administrators

Bilang pangwakas, ipinakilala ni Dr. Ramon Carmona ang mga bagong residente ng ospital, isang hakbang na nagbibigay ng panibagong lakas at karagdagang suporta sa pagpapatuloy ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan ng QPHN-QMC.



Nasusukat ang tunay na tapang ng isang tao kung siya ay may takot sa Diyos. 🙏🧡
16/11/2025

Nasusukat ang tunay na tapang ng isang tao kung siya ay may takot sa Diyos. 🙏🧡



CALL FOR BREASTMILK DONATIONS 🧡Nananatiling bukas po ang QMC Human Milk Hub para sa mga nanay na handang magbahagi ng ka...
16/11/2025

CALL FOR BREASTMILK DONATIONS 🧡

Nananatiling bukas po ang QMC Human Milk Hub para sa mga nanay na handang magbahagi ng kanilang sobrang gatas, upang maging lakas, proteksyon, at buhay para sa mga pinaka-nangangailangan nating newborn patient.

Dalhin ang inyong milk donations sa Ground Floor, QMC Main Building, mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM–5:00 PM.



ALAM MO BA?Ang trans fat ay nagdudulot ng pagbabara sa mga ugat. Kung mahal mo ang iyong puso, iwasan ang trans fat at p...
15/11/2025

ALAM MO BA?

Ang trans fat ay nagdudulot ng pagbabara sa mga ugat. Kung mahal mo ang iyong puso, iwasan ang trans fat at piliin ang mas malulusog na uri ng taba.

Ang industrially produced trans fat ay maaaring palitan ng mas ligtas na fats o oils, nang hindi naaapektuhan ang presyo at lasa ng pagkain. 🧡



15/11/2025

Sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng ating mga nurse, kapuri-puri si Nurse Jem na patuloy na nakikita ang propesyong ito bilang isang tunay na calling para makapaglingkod sa kapwa.



3RD ANNUAL RESEARCH FORUM NG INTERNAL MEDICINE RESIDENCY, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA 🧡Isang matagumpay at napapanahong pagt...
14/11/2025

3RD ANNUAL RESEARCH FORUM NG INTERNAL MEDICINE RESIDENCY, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA 🧡

Isang matagumpay at napapanahong pagtitipon ang naganap kahapon sa 3rd Annual Research Forum ng Internal Medicine Residency ng QPHN-QMC. Dinaluhan ito ng mga doktor at empleyado ng departamento.

Ang forum ay naging mahalagang plataporma upang ibahagi ang mga pinakabago at mahahalagang pag-aaral at pananaliksik ng departamento. Ipinapakita nito ang malalim na dedikasyon ng ating residents at consultants sa evidence-based practice at patuloy na pagpapahusay ng kaalaman.

Ang pagsasagawa ng research forum ay nagpapatunay na ang Internal Medicine Department ng QPHN-QMC ay hindi lamang naghahatid ng kalidad na pangangalaga kundi aktibo ring lumalahok sa pagpapalawak ng medical knowledge. Sa pagbabahagi ng mga natuklasan, lalo pang lumalakas ang kakayahan ng ospital na magbigay ng mas epektibo at makabagong serbisyong medikal sa mga pasyente.

Isang pagpupugay sa lahat ng nakilahok at nagpakita ng kanilang pagmamahal sa siyensya at paglilingkod!



PNEUMOCOCCAL SHOTS, NATANGGAP NG ATING MGA KAWANI BILANG DAGDAG PROTEKSYON LABAN SA PNEUMONIA 🧡💉Nagtipon ngayong umaga a...
13/11/2025

PNEUMOCOCCAL SHOTS, NATANGGAP NG ATING MGA KAWANI BILANG DAGDAG PROTEKSYON LABAN SA PNEUMONIA 🧡💉

Nagtipon ngayong umaga ang mga kawani ng QPHN-Quezon Medical Center para sa pagbabakuna ng Pneumonia Vaccine.

Ang mga bakuna ay ipinadala ng Department of Health (DOH) sa Provincial Health Office (PHO) ng Quezon bilang matibay na pagpapakita ng pagkakaisa ng mga ahensya ng gobyerno upang protektahan ang kalusugan ng ating mga frontliner, na patuloy na naglilingkod sa ating komunidad.

Ang bakuna sa pneumonia ay hindi lamang proteksyon para sa indibidwal, kundi isang pangako na panatilihing malakas at handa ang ating healthcare workforce. Sa pagbabakuna ng bawat empleyado, mas pinatitibay natin ang kapasidad ng QPHN-QMC na maglingkod nang walang takot at alalahanin. Maraming salamat sa DOH at PHO-Quezon para sa pagsuporta sa kalusugan ng aming mga bayani. Patuloy tayong magiging ligtas at malakas sa paghahatid ng serbisyo!



Nakatataba po ng puso na mabasa ito, Ma’am Estrella! 🧡Ang inyong papuri sa sistemang matagal nating pinagsumikapang ayus...
12/11/2025

Nakatataba po ng puso na mabasa ito, Ma’am Estrella! 🧡

Ang inyong papuri sa sistemang matagal nating pinagsumikapang ayusin sa loob ng Quezon Medical Center ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pa naming pagbutihin ang kalidad ng aming serbisyo at pakikitungo sa bawat pasyente.

Ngayon na ang ating lalawigan ay pinangungunahan ng isang Doktor, asahan po ninyo ang mas pinaigting na pagtutulungan tungo sa mas maayos, makatao, at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Quezonian.



12/11/2025

Sa kabila ng pagod at haba ng araw, nananatiling inspirasyon para sa ating mga kawani ang makitang muling nakakabangon ang ating mga pasyente. Sa Physical Medicine and Rehabilitation Department, nakatutuwang makita na hindi lang sila basta pasyente, kundi nakikilala natin sila at nabubuo ang relasyon na nakatutulong sa mas epektibong gamutan. 🧡



Bilang responsableng pasyente, mahalagang malinaw sa iyo ang bawat gamot na iniinom. Huwag mahihiya na itanong sa iyong ...
12/11/2025

Bilang responsableng pasyente, mahalagang malinaw sa iyo ang bawat gamot na iniinom. Huwag mahihiya na itanong sa iyong doktor ang layunin ng gamot, tamang oras at paraan ng pag-inom, tamang pag-iimbak, posibleng pakikipag-interact sa ibang gamot, at posibleng side effects. Sa ganitong paraan, mas magiging ligtas at epektibo ang iyong gamutan, at mas maiiwasan ang anumang hindi inaasahang komplikasyon.



Address

Quezon Avenue Ext. , Barangay XI
Lucena
4301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quezon Provincial Hospital Network - Quezon Medical Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Quezon Provincial Hospital Network - Quezon Medical Center:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category