29/03/2023
PROTIPS - March 29, 2023
Responding to Change
By Maloi Malibiran-Salumbides
Mabilis ka bang nakapag-aadjust sa mga pangyayaring hindi ayon sa iyong plano? O agad kang nadidiskaril kapag ang plano mo ay hindi nasunod? There are many things in life and at work that are beyond our control. Hindi mo kontrolado ang oras ng ibang tao? Wala rin sa iyong mga kamay kung ano ang iisipin, sasabihin o gagawin nila. Minsan nga ang linaw-linaw ng usapan na sa ganitong oras o araw niya tatapusin ang trabaho, after one decade, wala pa rin ang obligasyong ipinangako. While unplanned changes can be frustrating, maaari namang magkaroon ito ng magandang bunga kung magiging maayos ang response natin dito.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Kung tama ang ating response, ang pagbabagong hindi planado ay isang magandang pagpapala pa rin. So how should we respond to changes?
1) Believe that something better is in store. Kapag hindi natuloy ang pinaplano mo, ibig sabihin lamang ay hindi pa ito napapanahon o kaya naman ay may ibang mas magandang bagay na gustong gawin ang Diyos sa buhay o career mo. Kaya nga, may kasabihang kung gagawa ka ng plano, huwag permanent marker ang panulat mo. Dapat lapis lang para pwede itong burahin o baguhin kung kinakailangan. If you focus on the sovereignty of God, you will not be surprised when change happens. Kasi ang mga pagbabago sa plano ay paalala lamang na hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay, ngunit ang mga ito ay nasa kamay ng Diyos. God's plans are always better than ours. Sabi nga sa Jeremiah 29:11 " For I know the plans that Ihave for you,’ declares the Lord, ‘plans for welfare and not for calamity to give you a future and a hope." (NASB)
2) Be flexible and move on. Huwag mong kapitan ng napakahigpit ang iyong mga plano, para hindi masyadong masakit o nakaka-disappoint kapag ito ay nabago. Always maintain an attitude of flexibility para mabilis kang makapag-adjust o maka-move on kapag may pagbabagong nangyari. Mabilis ang changes ngayon lalo na sa technology. Hindi mo pa nga nadidiskubre lahat ng features ng smart phone mo, may bagong model na agad na lalabas. Maiiwan tayo sa mga pagbabago kung hindi tayo flexible.
3) Be anxious for nothing. Ang sabi sa Philippians 4:6, "Be anxious for nothing, but in everything by prayer and supplication, with thanksgiving, let your requests be made known to God." Totoo namang hindi ganoong kadali ang mag-adjust sa pagbabago. Pero tandaan mo ito, difficult and impossible are God's business. Ang mahirap sa atin, napakadali sa Kanya. So when something or someone frustrates your plans and you find it difficult to accept, don't worry, don't be anxious, trust God instead.
Kapag may inaasahan kang hindi natupad, kapag may plano kang hindi nangyari, may mas magandang tugon kaysa sa magalit, mag-alala o malungkot. You can choose to believe that something better is in store. You can also be flexible and move on. And you can choose not to be anxious but to trust in God instead.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!