Rural Health Unit of Mabini, Batangas

Rural Health Unit of Mabini, Batangas Rural Health Unit of the Local Government of Mabini, Province of Batangas

27/09/2025
26/09/2025
26/09/2025

🚨 OPONG NAG LANDFALL NA SA PILIPINAS; LUMIKAS SA MGA EVACUATION CENTER KUNG KINAKAILANGAN 🚨

⛈️ Ayon sa DOST-PAGASA, nag-landfall ang Severe Tropical Storm Opong sa Eastern Samar 11:30 ng gabi ng September 25. Magpapatuloy ito sa pagtahak sa Masbate, Sibuyan Sea, katimugang bahagi ng CALABARZON, at hilagang bahagi ng MIMAROPA bago tuluyang lumabas sa West Philippine Sea ngayong gabi o bukas ng umaga (27 Setyembre).

🏘️ Nasa 389 ang bilang ng evacuation center na nakahanda at ginagamit ng mga pamilyang lumikas dahil sa bagyo ayon sa report ng NDRMMC.

‼️ Sundin ang mga abiso ng inyong lokal na pamahalaan at agad lumikas kung kinakailangan. Siguraduhin ding manatiling ligtas at malusog habang nasa evacuation center, lalo na kung magtatagal ang pananatili rito.

✅ Magsuot ng face mask at takpan ang bibig kapag babahing o uubo
✅ Ugaliing maghugas ng kamay bago kumain at pagkatapos gumamit ng palikuran
✅ Hangga't maaari, gumamit lamang ng personal na gamit
✅ Uminom lamang ng malinis na tubig; gumamit ng chlorine tabs kapag hindi tiyak ang kalinisan ng inumin
✅ Panatilihing malinis ang kapaligiran at sarili kapag may pagkakataon
✅ Agad lumapit sa health worker kung may nararamdamang lagnat, ubo, sipon, o iba pang sintomas.

Sources:
PAGASA Tropical Cyclone Bulletin No. 15
NDRMMC Situational Report No. 17




26/09/2025

𝐌𝐚𝐠-𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐢𝐛 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚! ⚠️

Delikado ang tubig baha dahil posible itong makapasok sa katawan sa pamamagitan ng sugat, mata, ilong, at bibig na maaaring magdulot ng sakit na Leptospirosis.

Kaya may sugat man o wala, agad na maghugas gamit ang sabon at malinis na tubig kung di naiwasang lumusong sa baha.

Agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health facility para sa tamang gabay at reseta ng gamot. Huwag mag self-medicate!

Maging alerto at ligtas dahil Bawat Buhay Mahalaga.

18/06/2025

Alamin ang mga sintomas ng Dengue at maging maagap sa pagpapakonsulta. 🦟

I-scan ang QR code sa larawan para sa listahan ng Dengue Fast Lanes o tumawag sa 1555-2. ☎️





https://www.facebook.com/share/p/16YiKqYqSi/?mibextid=wwXIfr
16/04/2025

https://www.facebook.com/share/p/16YiKqYqSi/?mibextid=wwXIfr

𝐌𝐀𝐒𝐒 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐌𝐀𝐍𝐀 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀

Kasabay ng pagninilay-nilay at pagbisita sa mga simbahan at pilgrimage sites, huwag kalimutan ang mga sumusunod na HEALTH at SAFETY TIPS para sa malusog at ligtas na paggunita sa Semana Santa.

Health in Tourism DOH IV-A



Address

Poblacion
Mabini
4202

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rural Health Unit of Mabini, Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram