11/03/2026
📌To our valued customers, be advised📌
Ipinapaalala ng Department of Trade and Industry (DTI) na sa ilalim ng Consumer Act of the Philippines, may karapatan ang konsyumer sa Repair, Replace, o Refund (3Rs) kapag nakabili ng depektibong produkto.
Sa kaso ng gamot, obligasyon ng seller o tindahan na palitan ang nabiling gamot kung ito ay peke o expired nang mabili.
Ngunit, kung ang gamot ay hindi peke o expired, maaaring tumanggi ang tindahan sa replace o refund at good will na ng tindahan kung sila ay papayag.
Kaya bago bumili:
• Siguraduhing tama ang produktong kukunin.
• I-check ang expiration date.
• Itanong ang return or exchange policy ng tindahan.
Maging mapanuri at protektado, Konsyumer! 🫶😉