04/03/2026
Maliliit na hakbang, malaking pagbabago. 💚
Sa paggunita ng World Obesity Day ngayong araw, hinihikayat ng Bangsamoro Regional Hospital and Medical Center ang ating komunidad na magsimula sa mga simpleng gawain upang mapanatiling malusog ang katawan.
Ang pagpili ng masustansyang pagkain, pag-iwas sa matatamis na inumin, regular na paggalaw ng katawan, at sapat na tulog ay mahalagang bahagi ng isang malusog na pamumuhay.
Tandaan: Ang pagbabago ay nagsisimula sa maliliit na hakbang araw-araw. Sama-sama nating itaguyod ang mas malusog na pamayanan.