04/01/2026
📌 PAALALA PO
1️⃣ Appointment Booking
Ang pagbu-book ng appointment ay hanggang 10 AM lamang (of the same day). (Example: magbobook ng jan 1 para sa jan1, magbook before 10am para magkaslot *if available pa*)
Pagkatapos ng oras na ito, automatic walk-in na lamang po. Ito ay dahil nahihirapan na po kmi magreply kung madami ng pasyente during clinic hours, priority na po ang mga pasyente na nasa clinic kaya't uunahin po sila bago kayo mareplyan so ibig sabihin, magwalk-in nalang po (check nalang ng schedule sa aming fb page)
FIRST COME FIRST SERVED pa din sa HOLY FAMILY
2️⃣ Mini Consultations sa aming FB Page
Ang lahat ng “mini consultations” sa aming FB page ay sasagutin lamang depende sa kaso at desisyon ko.
Kung sa tingin ko ay kailangan ng kumpletong history at physical examination, kayo ay hihikayating mag-book ng online consultation o dalhin ang bata sa ER o sa klinik para ma-check.
Ginagawa po ito upang maiwasan ang mga nagtatanong lamang ngunit hindi naman sinusunod ang amning payo 😞 or hindi dinadala ang kanilang anak para sa tamang konsultasyon.
3️⃣ Late replies
Ang aking mga reply ay hindi palaging agarang naibibigay dahil ako ay maaaring may ginagawa at hindi hawak ang cellphone o maaaring kumakain, nagdadrive, nagchecheck ng ibang pasyente, nasa OR, nasa CR.
Kaya’t hinihiling po ang inyong pasensya habang naghihintay ng sagot.
Kung kayo po ay nangangailangan ng agarang sagot, o hindi na mapakali dahil sa kondisyon ng bata, mas mabuting dalhin na po agad sa Emergency Room para sa agarang pagsusuri at lunas.
4️⃣ Tungkol sa Automated Reply sa FB Page
Ang automated reply sa aming FB page ay may purpose at mahalagang basahin.
Nakalagay na po roon ang schedule ng klinik upang maiwasan ang paulit-ulit na pagtatanong kung may clinic.
Kung wala pong nakalagay na “NO CLINIC” sa isang partikular na petsa, ibig sabihin po ay **MAY CLINIC** at sundin lamang ang aming regular schedule.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at kooperasyon. 🙏