30/11/2025
Pamaskong Bag na para sa botante ng Makati,
pero ang daming lehitimong botante na hindi nabigyan.
Tapos ang sagot?
“Wala na.”
“Di ka nasa list.”
“Balik ka bukas.”
Excuse me botante ako. Hindi ako nanghihingi ng hindi sa’kin.
Kung kaya n’yong ipamigay, dapat kaya n’yong ayusin ang sistema.
Hindi ito raffle.
Hindi ito paligsahan.
At lalong hindi ito “swertehan.”
Kung may budget, may procurement, may logistics
BAKIT sa listahan at verification nagkakandaloko?
Pag PASKO, ang binibigay SAYA.
Pero sa proseso n’yo, STRESS ang binigay.
Sana next time,
hindi kami ang mag-aadjust sa kapalpakan ng sistema.