15/01/2026
ADVANTAGE KAPAG MAY EMERGENCY FUND KA!!!
1. Mas masarap matulog kapag may emergency fund dahil kahit may biglang problema o gastusin, alam mong may nakahandang pera at hindi ka agad mabibigla.
2. Ang emergency fund ay proteksyon ng future plans mo dahil kapag may emergency at wala kang EF, mapipilitan kang umutang o galawin ang savings at investments mo.
3. Emergency fund muna bago investing para may safety net ka; saka mo palaguin ang pera mo kapag stable ka na, dahil ang pag-iinvest nang walang EF ay parang nagtatayo ng bahay na walang pundasyon.
4. Targetin ang 3–6 months ng expenses para handa ka sa matagal na emergency, at mas malinaw sa’yo kung magkano talaga ang goal mo.
5. Kahit maliit, mahalagang magsimula agad dahil ang consistency ang mas importante kaysa laki ng hulog, at sa paglipas ng panahon, lumalaki rin ang total nito.
6. Dapat liquid at safe ang emergency fund para madaling ma-withdraw kapag kailangan at hindi nalalagay sa risk ang pera mo.
7. Gamitin lang ang emergency fund sa totoong emergency tulad ng medical expenses, biglaang repair, o pagkawala ng work, at hindi sa sale, travel, o luho.
8. Emergency fund gives you confidence dahil mas kaya mong magdesisyon nang maayos at tumanggi sa toxic situations nang hindi dahil sa takot sa pera.
©