27/02/2026
Kapag nasa punto na ng kidney failure, kailangan nang limitahan ang dami ng fluid sa isang araw. Bukod sa inumin gaya ng tubig o juice, kabilang din dito ang liquids sa pagkain, gaya ng sabaw, maging ang ice cream.
Para sa maayos na kalagayan sa pagitan ng dialysis sessions, sunding mabuti ang payo ng doktor tungkol sa daily fluid intake limit mo—hindi man madali, lalo sa una, pero kayang kaya. At laging tatandaan: Para sa 'yo rin ito 💪