10/03/2026
Sa bawat alaala, buhay pa rin ang kanyang legasiya.
Sa araw ng ika-10 anibersaryo ng pagpanaw ng aming minamahal na founder, Amb. Antonio L. Cabangon Chua, buong puso kaming nagpapasalamat sa Diyos sa biyaya ng kanyang buhay. Mula sa simpleng buhay, siya ay nagtagumpay sa pamamagitan ng sariling pagsisikap at walang sawang pagpupunyagiโisang legasiya na patuloy naming tinatanaw at pinahahalagahan.
Hinahangaan namin hindi lamang ang kanyang mga nagawa, kundi ang kanyang kababaang-loob, integridad, at malasakit sa kapwa. Ipinakita niya sa amin na ang tunay na tagumpay ay nasa pagpapala na ibinibigay natin sa buhay ng iba.
Mula sa aming puso, maraming salamat po, Amba! Patuloy naming ipagpapatuloy ang inyong magandang legasiya.