06/05/2025
๐๐ง๐ข ๐๐๐๐ข๐: ๐๐๐๐ฅ๐ง๐ข ๐๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ฅ ๐ก๐ ๐ก๐๐๐๐๐๐๐๐๐ฌ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ฅ๐ข ๐ก๐ ๐๐จ๐๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฆ๐๐๐๐ฅ๐ข!
Alinsunod sa Department Order na inilabas ni DOTr Secretary Vince Dizon at sa direktibang ipinalabas ni LTO Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, pinaigting ng LTO Bicol, sa pangunguna ni RD Allan Castillejos at suporta ni ARD Vincent Nato, ang year-round random drug at alcohol testing sa lahat ng Public Utility Vehicle (PUV) drivers sa rehiyon.
Batay sa Section 15 ng Republic Act 10856 (Anti-Drunk and Drugged Driving Act), layunin ng programang ito na tuluyang linisin ang kalsada mula sa mga driver na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o alak habang nagmamaneho.
๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐๐จ ๐๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐ข๐ฏ๐๐ซ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ ๐จ ๐๐ฅ๐๐จ๐ก๐จ๐ฅ ๐ญ๐๐ฌ๐ญ ๐ฌ๐ ๐ซ๐๐ง๐๐จ๐ฆ ๐ญ๐๐ซ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ฅ ๐ข๐ง๐ฌ๐ฉ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ:
โข Agad na papatawan ng 90-araw na preventive suspension ang lisensya.
โข Agad na iisyuhan ng show cause order
โข Hindi maibabiyahe ang sasakyan hanggaโt walang naitalagang kapalit na driver na negatibo sa test.
Isasagawa ang mga test sa mga terminal, loading/unloading areas, at mga lugar na madalas pagmulan ng aksidente.
Kasama si LTO Bicol Operations Chief Glenn Mancera, ipatutupad ang ๐๐ซ๐ฎ๐ -๐
๐ซ๐๐ ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ซ๐๐ง๐ฌ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at disiplina sa hanay ng mga tsuper ng pampublikong transportasyon.
Ang programang ito ay hakbang ng ahensiya upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko at disiplina sa hanay ng mga driver sa pamamagitan ng pagtutok sa pagiging ligtas at walang droga ang transportasyon.