21/04/2026
Maligayang ika-25 anibersaryo ng pagiging lungsod ng ating minamahal na Malabon!
Sa espesyal na okasyong ito, buong puso nating ginugunita ang mahalagang yugto sa kasaysayan ng ating lungsod—ang pagkakaloob ng cityhood na naging daan sa mas pinabilis na pag-unlad at mas maayos na paglilingkod sa bawat Malabueño. Ang batas na ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng inisyatiba at dedikasyon ng ating mahal na kinatawan, Cong. Ricky Sandoval, na nagsilbing may-akda ng ating cityhood o Republic Act 9019.
Lubos ang ating pasasalamat sa kanyang ambag na patuloy nating pinakikinabangan hanggang sa kasalukuyan. Sa tulong ng bawat isa—mga opisyal, kawani, at mamamayan—patuloy nating pinagtitibay ang isang Malabon na mas maunlad, mas inklusibo, at mas handang harapin ang hinaharap.
Sama-sama nating ipagdiwang ang ating mga tagumpay at patuloy na magsikap para sa mas maliwanag na bukas ng Lungsod ng Malabon!