07/11/2025
WEATHER ADVISORY | PAGASA Tropical Cyclone Advisory No. 9
Ipinahayag ng DOST-PAGASA ngayong 11:00 AM, Nobyembre 7, 2025
“FUNG-WONG” LALO PANG LUMALAKAS SA KARAGATANG PASIPIKO HILAGANG-SILANGAN NG PALAU
Ang Severe Tropical Storm FUNG-WONG ay patuloy na lumalakas habang kumikilos sa karagatang Pasipiko hilagang-silangan ng Palau. Batay sa kasalukuyang direksyon, inaasahang papasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi (Nobyembre 7) o madaling-araw ng Sabado (Nobyembre 8. Sa oras na pumasok ito sa PAR, papangalanan itong “UWAN.”
Ayon sa pagtataya, posibleng tumama ito sa kalupaan ng katimugang bahagi ng Isabela o hilagang bahagi ng Aurora sa Linggo ng gabi (Nobyembre 9) o Lunes ng madaling araw (Nobyembre 10). Pagkatapos tumama sa lupa, tatawid ito sa kabundukan ng Hilagang Luzon at lalabas sa West Philippine Sea sa umaga o hapon ng Lunes.
⚠️𝐒𝐚 𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐢𝐭𝐨, 𝐢𝐧𝐚𝐚𝐬𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐬 𝐧𝐚 𝐥𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐔𝐍𝐆-𝐖𝐎𝐍𝐆 𝐚𝐭 𝐚𝐚𝐛𝐨𝐭 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐭𝐞𝐠𝐨𝐫𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐲𝐩𝐡𝐨𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐧𝐠 𝟐𝟒 𝐨𝐫𝐚𝐬, 𝐚𝐭 𝐩𝐨𝐬𝐢𝐛𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐩𝐞𝐫 𝐓𝐲𝐩𝐡𝐨𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐠𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐛𝐚𝐝𝐨 𝐨 𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚 𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨. May posibilidad na tatama ito sa kalupaan sa pinakamataas nitong lakas. Kaugnay nito, posibleng magtaas ng mga Tropical Cyclone Wind Signals sa ilang bahagi ng Southern Luzon, Eastern Visayas, at Caraga Region simula ngayong hapon o gabi bilang paghahanda sa banta ng malalakas na hangin. Ang pinakamataas na posibleng antas ng babala ay Signal No. 5.
Posibleng magsimulang lumala ang lagay ng panahon sa Linggo (Nobyembre 9), habang asahan ang matitinding kondisyon ng panahon na maaaring magdulot ng panganib sa buhay sa Hilagang Luzon at ilang bahagi ng Gitnang Luzon sa Lunes (Nobyembre 10) at Martes (Nobyembre 11). May posibilidad din ng malalaking daluyong o storm surge at pagbaha sa mga baybaying dagat, partikular sa Hilagang Luzon at sa silangang bahagi ng Gitna at Katimugang Luzon. Maaaring maglabas ng Storm Surge Warning simula bukas.
Paalala sa Lahat:
Manatiling alerto at makinig sa abiso ng inyong lokal na pamahalaan. Ihanda ang mga emergency kit at agad lumikas kung kinakailangan. Ang susunod na abiso ay ilalabas mamayang 11:00 PM.