Santor Barangay Health Station

Santor Barangay Health Station Upang maiwasan ang paglabas ng bahay
Alamin ang mga Impormasyon sa Page na ito

09/11/2025

JUST IN

MAHALAGANG PABATID MULA SA AMA NG LALAWIGAN

“Batay sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), para sa kaligtasan at makapaghanda ang ating mga kalalawigan laban sa anumang pinsala at panganib na maaaring idulot ng super typhoon UWAN, idinedeklara ng inyong lingkod na mula ika-10 hanggang ika-11 ng Nobyembre 2025, ipatutupad sa buong lalawigan ng Bulacan ang mga sumusunod:

1. Suspensyon ng klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan;

2. Suspensyon ng trabaho sa lahat ng pampublikong tanggapan sa Lalawigan ng Bulacan, maliban sa mga tanggapan na nagbibigay ng emergency/health/social at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga mamamayan; at

3. Suspensyon ng trabaho sa lahat ng pribadong tanggapan sa Lalawigan ng Bulacan. Para sa mga piling pribadong tanggapan, iminumungkahi sa mga tagapamahala na magkaroon ng emergency work arrangement na isasaalang-alang ang balanse sa kaligtasan ng mga manggagawa at ang pangangailangan ng publiko ng kanilang serbisyo/produkto, tulad ng mga Grocery Store, Drug Store, restaurants, food establishments, at iba pang mga katulad na serbisyo/industriya. Ang work arrangements ay maaaring isagawa ayon sa applicable rules and regulations nang may pagpapahalaga at konsiderasyon sa karapatan ng mga trabahador.

Isang mataimtim na dalangin ng pagliligtas ng Poong Lumikha at tagubilin ng ibayong pag-iingat ng lahat , minamamahal kong mga kalalawigan!”🙏

-GOBERNADOR Daniel R. Fernando

08/11/2025

Maging alerto, Bulakenyo!

Manatiling ligtas tuwing may paparating na bagyo! Laging makinig sa mga abiso ng mga awtoridad, tulad ng rainfall warning system!

🟡 Dilaw: Bantayan ang mga ulat at abiso dahil maaaring lumala ang panahon
🟠 Kahel: Maging alerto! May seryosong banta ng pagbaha at paglikas
🔴 P**a: Kumilos agad at lumikas, lalo na kung may panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Ihanda na ang mga mga GO Bag Essentials para madaling bitbitin kung kinakailangang lumikas.

28/10/2025
20/10/2025
20/10/2025
09/10/2025

💊 Ano ang Folic Acid?

Ang folic acid ay isang uri ng vitamin B9 na mahalaga para sa paggawa ng malulusog na cells sa katawan.
Ito rin ang tumutulong sa pagbuo ng DNA at RNA, na kailangan para sa cell growth at development lalo na sa pagbubuntis kung saan mabilis ang paglaki ng baby.

🤰 Bakit mahalaga ito sa buntis?

📍PARA KAY BABY
Habang nagde-develop ang baby sa loob ng tiyan, kailangan niya ng sapat na folic acid para maiwasan ang mga birth defects sa utak at spinal cord.
Ang mga problemang ito ay tinatawag na neural tube defects (NTDs) gaya ng:
• Spina bifida – hindi tuluyang nagsasara ang spine ng baby
• Anencephaly – hindi nabubuo ang malaking bahagi ng utak at bungo
•Ibang birth defects- ayon sa ilang pag-aaral, ang kakulangan sa folic acid ay maaaring konektado rin sa congenital heart defects, cleft lip, at cleft palate.
• Low birth weight
• Fetal growth restriction
•Neurodevelopmental issues-maaaring magkaroon ng problema sa brain development, gaya ng language delay o mas mataas na risk ng autism.

📍🤰 Para sa Buntis
• Megaloblastic anemia:
Maaring makaranas ng pagkapagod, panghihina, pananakit ng ulo, at pamumula o pananakit ng dila.
• Pregnancy complications tulad ng Miscarriage Placental abruption,Preeclampsia at Increased homocysteine

📅 Kailan dapat uminom?
👉 Pinakamainam na magsimulang uminom ng 400–800 micrograms (mcg) ng folic acid bago pa mabuntis at ituloy ito sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis.
👉 Para sa may history ng NTD o ibang risk factors, maaaring magreseta ang OB ng mas mataas na dose.

🍽️ Mga Pagkaing Mayaman sa Folate (Natural Form ng Folic Acid):

🥬 Green leafy vegetables (malunggay, kangkong, spinach)
🍊 Citrus fruits (orange, calamansi)
🥑 Avocado
🥚 Itlog
🍞 Whole grains
🫘 Beans at lentils



📌 Reminder: Ang folic acid ay supplement lamang. Para sa tamang dose at payo, kumonsulta sa iyong OB o healthcare provider.

07/10/2025
Happy Weekend ☺️🩺💉@ Santor Site BHS 09/26/25
26/09/2025

Happy Weekend ☺️🩺💉

@ Santor Site BHS
09/26/25

26/09/2025
04/09/2025

✨ to be HEALTHY Dahil BER Months Na! ✨

🎉 Kumusta ang progress ng New Year’s Resolution mo?

Dapat consistent tayo sa ating healthy goals!
🍎 Kumain nang wasto
🏃‍♀️kumilos nang husto!

2026 is just 122 days to go!




Address

Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santor Barangay Health Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram