05/12/2025
Kalusugan Tiyakin!
Mahalaga ang kumpletong bakuna sa tamang edad para masigurong ligtas at protektado ang ating mga chikiting laban sa iba’t ibang sakit. 💉💪
Sa bawat turok, mas matibay na kinabukasan ang kanilang nahahawakan!
Bilang pasasalamat sa mga magulang na masusing nag-aalaga at nagpapatupad ng tamang pagbabakuna, may munting handog kami para sa inyong mga chikiting! 🎁👶
Pinangunahan ng Pamahalaang Lokal ng Malvar, sa pamumuno ng ating Kagalang-galang na Mayor Admiral Artemio M. Abu at ng Municipal Health Officer (MHO), Dr. Kierley N. Villanueva, ang pamamahagi ng munting handog para sa mga batang ganap na nabakunahan. Patuloy ang ating pangako sa pagsusulong ng kalusugan at maayos na kinabukasan para sa lahat ng kabataang Malvareño.”
Tara na, sama-sama nating paigtingin ang kalusugan ng mga bata! ❤️