31/12/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Isang munting paalala po natin na mag-ingat sa paglilinis matapos ang pagsalubong sa bagong taon, lalo na kung may natirang paputok sa paligid. Maraming aksidente ang nangyayari pagkatapos ng kasiyahan na madalas ay dahil sa pagmamadali at kawalan ng pag-iingat.
๐๐๐ก๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ข๐ฌ:
โ Huwag agad pulutin ang mga paputok na hindi pa siguradong patay.
โ Huwag na huwag muling sisindihan ang mga kalahating nasindihang paputok sapagkat delikado ito!
โ Iwasang ipahawak sa mga bata ang kahit anong uri ng paputok o basura nito.
๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ง:
โ๏ธ Buhusan muna ng maraming tubig ang mga natirang paputok upang siguradong hindi na sasabog
โ๏ธ Gumamit ng walis, sipit, o pala sa pagkuha at huwag ang kamay
โ๏ธ Ilagay sa matibay na lalagyan at itapon nang maayos
Ang kaligtasan ng pamilya ang pinakamahalaga. Mas mabuting magdoble-ingat kaysa magsisi. Paalalahanan din ang kapitbahay at mga bata para iwas-disgrasya ang buong komunidad.
Mag-ingat sa paglilinis, manatiling ligtas, at simulan ang 2026 nang walang sakuna.
Isang malusog na paalala mula sa Department of Health at Provincial Health Office of Occidental Mindoro.