Hona Advisory: Wealth & Wellness

Hona Advisory: Wealth & Wellness Tulong sa pag-alaga ng mata para sa nanay, tatay, lola, OFW, bata, may eye problems man o wala. Practical lang. Totoo lang.
(1)

Walang pilitan.
𝘕𝘢𝘯𝘰 𝘗𝘳𝘰𝘛𝘦𝘤𝘩 𝘛𝘦𝘢𝘮 𝘙𝘪𝘤𝘩 🏆

12/02/2026

Kapag nawala ang lahat-lahat sa iyo maging ang mga bagay at taong pinahalagahan mo, magagalit ka ba sa Dios? Ano ang mararamdaman mo?

Today, I lost my phone.

Ninakaw inside our house kanina habang nakacharge. I was sleeping in the living room.

I didnt lock the door but I locked the door screen. Talagang napwersang buksan. Good thing hindi ako nagising at hindi kami sinaktan. Baka kung nagising ako something bad will happen.

Sometimes, kailangang mawala ang mga bagay na mahalaga sa atin; kasi may lessons na itinuturo ang buhay.

Today, I’ve realized one thing:

If you love money, hindi ka makakamove on agad. Magagalit ka, magwawala ka kasi in your mind sa iyo yun. Pinaghirapan mo. Pag-aari mo.

Most likely nakafocus ka doon sa results without realizing, “Bakit ba kailangang mangyari ito?
“ Ano ang mga kasalanang ginawa ko?”
“Ano ang itinuturo ng Dios at buhay sa akin?”

I believe, love of money means loving worldly things including yourself satisfaction, material possessions and even important people in our lives. It means you cannot let go or live without.

That’s why it is written , “You cannot serve two masters at the same time. “

You should enjoy all the things God has given you; But be ready when the time comes, na mawala na ang lahat-lahat sa iyo.

Always remember this:

You came into this world with nothing; you will eventually leave in this world with nothing.

Lahat ng mayroon ka ngayon hindi mo pag-aari. Caretaker ka lang. Pinahiram lang sa iyo. To know who you really are. Kung ano ba ang MAS mahalaga sa iyo that you cannot live without.

If you “love so much”everything in this “WORLD” ( including yourself) more than your Father in Heaven, you belong into this “WORLD.”

You don’t belong in HEAVEN.

Clearly, you cannot serve two masters ( WORLDLY PLEASURES which makes you happy physically VS. HEAVENLY PLEASURES which makes you spiritually satisfied ) at the same time.

After what happened, hindi ako nakaramdam ng lungkot. I thank God hindi kami nasaktan o hindi ako sinasaksak habang tulog. Iniisip ko lang ano ang Divine Wisdom na gustong sabihin sa akin aside sa worldly wisdom na normal na naririnig natin. Hindi ako nagalit sa kumuha, naawa ako sa kanya.

I prayed na magkaroon sya ng maayos na income para hindi na nya maisipang gumawa pa ng masama para lang makaraos sa araw-araw. Im sure ang kinuha nya sa akin, mawawala rin sa kanya.

Sana mapunta sa taong mas nangangailangan nun. Baka mas kailangan nila kaysa sa akin; at naniniwala ako na kapag may nawala may kapalit na mas maganda.

Deserve ko raw ang Iphone 17 Fully paid HAHAHAHAHAHA!

( I’m currently using my daughter’s phone.)

10/02/2026

Kaya ka binigyan ng gan'yang responsibilidad, kasi kaya mo, kasi ikaw ang malakas, ikaw ang matapang, ikaw ang may kakayahan — pero hindi ibig sabihin mag-isa ka lang.

All my life, tinatanong ko ang sarili ko.

"Bakit ako lahat?
Bakit laging ako?
Bakit pakiramdam ko kasalanan ko kapag hindi ako kumilos? Kasi nga walang ibang ki-kilos. "

Tao ka lang din. Normal na mapagod ka.

Sa mga sandaling nararamdaman mo ito, God is telling you something.

"Rely on me...."

"Alisin mo ang pride mo. You can ask help from ME. I will save and help you."

Ask help kapag hindi mo na kaya. Huwag mo sarilinin ang lahat. Huwag mong pilitin kapag nahihirapan kana.

Yes, malakas ka. May kakayahan ka. Matapang ka. Pero hindi sa lahat ng panaho't pagkakatao'y, malakas ka.

May mga sandaling nanghihina ka talaga.

Pakiramdam mo nauubos ka. Nauupos ka.

At sa mga panahong ramdam mo iyan, magdasal ka muna.

Ask help from God first, before anything else. Cry if you have to. Feel the pain; it'll give you much strength.

Then, ask help from others who love and understand you unconditionally.

Mas magaan ang buhay kapag nagtu-tulungan; at hindi 'yong sina-sarili mo nalang.

Mas magaan ang buhay kapag humble ka lang.

Set healthy boundaries if needed; not out of pride or revenge.

Delegate tasks. Para mas magaan. It's okay to step back for awhile.

Minsan, kung alam mong mas kaya ng iba, ipagawa mo sa kanila

Huwag laging bida-bida.
Hindi ka naman si Jollibee, hindi ba?

Minsan, mas okay na sila naman ang nasa spotlight. At ikaw naman ang taga-palakpak.
That's humility.

If relate ka, kindly comment, like and share.


05/02/2026

Hindi lahat ng kailangan gawin…
kailangan gawin ngayon.

Noon, kapag nape-pressure ako minamadali ko lahat.

Ako lang lahat.

Pero aabot ka sa time na kailangan mo munang huminga. Huminto pansamantala.

Para mas makapag-isip ka ng tama.

People say, "Now na. Gawin mo na. Don't wait for the perfect time."

At ganyan ako noon. Agad agad. Ora-orada. Now na!

Nakaka-drain. Nakaka-stress.
Madalas palpak.

What I've learned in life is this:

"There's a perfect time for everything...."

May times na pinipilit talaga natin lalo na kapag may deadline.

May nangyayari nga; pero hindi fulfilled. Hindi okay. Pero naitawid.

Kaso walang peace.

Hindi sinabing wala kang gagawin at hindi mo gagawin.

You have to trust His will first. Then, do your best.

If you are under pressure, do not make any decision right away.

If emotions are high,

Pause!

You need to be calm and peaceful muna. Pray and blessings will follow.

It means,

"Do not rely on your own understanding. Trust Him; and He will help you in everything you need."

Huwag ka raw kasing bida-bida. Kapag hindi mo na talaga kaya, itaas mo na sa Kanya.

Relate?


31/01/2026

KUNG FEELING MO GINAGAWA KA NG ATM NG FAMILY AND RELATIVES MO AT PAGOD KANA, PARA SA IYO ITO.

WATCH UNTIL THE END.



29/01/2026

Pagod kana ba pero wala ka pang nararating?

Basahin mo ’to.

May mga sandaling tahimik ka lang, pero sa loob mo:

“Hanggang dito na lang ba ako? Lord, kailan iyong ako naman?”

Ecclesiastes 9:10 —
“Whatever your hand finds to do, do it with all your might…”

Ito na yung oras na tanong mo sa sarili mo:
“Kikilos ba ako o mag-ooverthink?”

Alam mo na ang dapat gawin; kaso takot ka sa sasabihin ng iba.

Takot kang mabigo.
Takot kang mapahiya.

Alam mo, iyong mga malalaking bagay sa buhay, galing sa maliliit na bagay na kailangan mong gawin gaano man kabagal ang usad ngayon, basta consistent may mararating.

Darating ka talaga sa yugto na:

Walang puma-palakpak.
Walang nakaka-pansin.
Walang instant result.
Pero tuloy ka lang. Sige lang.

Walang dramatic music ang success.

Hindi ka malas.
Hindi ka napag-iwanan.
May mga bagay ka lang na dapat mong harapin, hindi takasan.

At habang ginagawa mo ang part mo,
may ginagawa ang Diyos para sa'yo.

Kung ano ang nasa kamay mo ngayon — yan ang blessing test mo. Galingan mo lang.

Alam mo, hindi lang marunong magdasal ang taong pinagpapala.

Marunong din siyang kumilos kahit pagod na. Hindi bumibitaw kahit pasuko na. Basta buo and tiwala sa sarili't sa Kanya, may paparating na biyaya.

Relate ka ba?


28/01/2026

GRABE KAKAIBA TALAGA ITO.

28/01/2026

Hindi ka masamang magulang. Pagod ka lang.

Hindi naman talaga problema ang Gen-Z kids mo.

Ang totoong problema: wala ka lang pera, stress sa asawa, sunod-sunod ang mga bills, kulang sa tulog at ubos na ang pasensya.

Lalo na kung hindi ka talaga masaya; kasi nga panay compare mo sa buhay ng iba.

Pag pagod ka, mas mabilis kang magalit; kaysa umunawa.

Mas napagbubuntunan mo ang konting pagkakamali ng mga bata.

Sa parenting:
Hindi lahat ng sagot ng anak mo, bastos.

Minsan, expression lang nila 'yan. Mga bata pa e. Immature pa utak n'yan kaya feeling nila tama naman sila.

Minsan, cry for help and more understanding iyan, hindi naman talaga disrespect.

Kung pagod ang magulang, panay sigaw.

Kung mahinahon ang magulang, mas nakakaunawa.

Discipline without connection creates distance.

Hindi lang “sumunod ka” ang kailangan ng bata.

Kailangan nilang maramdaman na:

Safe sila magsalita ng nararamdaman nila kasi ikaw ang mas nakaka-unawa.

Hindi sila huhusgahan agad sa mga imperfections nila kasi nga mga bata pa sila at dumaan ka rin sa pagkabata.

Iyong maramdaman nila na may nakikinig sa kanila.

Yan ang “Angel with attitude” —
may opinion, may emotion, pero may puso.

God actually, is shaping YOU; while you’re shaping them.

Minsan, akala mo ikaw ang nagtuturo sa anak mo.

Pero ang totoo:

Ginagamit sila ng Diyos para turuan ka rin ng patience, humility, and unconditional love.

Ang batang matigas ulo? Iyan ang teacher mo sa emotional growth mo; Para mas may emotional intelligence ka as parents.

Ngayon, kung pagod ka na maging magulang na laging galit,
at gusto mo silang ma-gets, ito ang solusyon na ginawa ko para sa iyo ang E-book na ‘Angels with Attitude: How to Raise a GenZ Kid Without Losing Your Soul.'

Hindi para maging perfect ka — kundi para mas maintindihan mo ang anak mo at sarili mo.

Just send me a message: ORDER if you need one.

God bless your heart.



28/01/2026

Petsa de peligro?

Keep praying. Keep believing. Stop complaining. Be thankful even with small blessings.

27/01/2026

Hindi lahat ng problema mo kailangan mong solusyonan agad.

May part ka.
May part ang Diyos.

Ang problema sa iyo, inaako mo lahat. Kahit hindi mo na kaya.

Karamihan ng iniisip mo ngayon:
“Paano yung pera?”
“Paano future ng pamilya ko?”
“Bakit parang ang bagal ng progress ko?”

Hindi mo yan masasagot sa kakaisip.

Overthinking is not responsibility.
It’s fear wearing a responsible costume.

God said,

"In peace I will lie down and sleep, for You alone, Lord, make me dwell in safety.” – Psalm 4:8

Ibig sabihin:

May mga laban at bagay na hindi mo talaga kontrolado.

At hindi kabawasan sa ang magpahinga,kung pagod kana.

Rest is not quitting.
Rest is trust.

Minsan ang pinaka-matapang na decision, ay hindi lumaban…
kundi magtiwala.

God said,
“Anak, matulog ka na. Ako na ang bahala.”

At kung Diyos na ang nagsabi niyan —
pwede ka nang magpahinga.

Tomorrow is another day. Full of blessings and hope.

Agree?


26/01/2026

GINAGAWA MO BA ANG MGA ITO?

26/01/2026

HIRAP KANA SA BUDGET?

Kalma.

God said,

"My child, listen to Me.”

Alam ko ang bigat ng pakiramdam mo ngayon.

Hindi mo alam kung paano pagkasyahin ang pera hanggang katapusan ng buwan.

I know the bills you’re thinking about, the prayers you’ve whispered,
and the questions you’re afraid to ask out loud.

Why are you worried about tomorrow
when I am already there?

You are not behind.
You have not failed Me.
You are not forgotten.

Stop striving for what I have already promised.

Ako muna. Bago ko mag-isip ng solusyon sa problema.

Seek Me first today—not answers, not money, not approval.

Just Me.

When you walk with Me,
everything you need will meet you along the way.

Lay it down.
Huminga ka.

Trust Me again.

“But seek first the kingdom of God and His righteousness,
and all these things shall be added to you.”
— Matthew 6:33

I am with you.
And I will provide.

Always remember this:
"The Lord is my Shepherd. I will always have everything I need."
- Psalm 23

Hawakan mo ang puso mo. Kapag kalmado ang puso, maganda ang araw mo.

If you like this post, type THANK YOU LORD.

God bless your heart.

23/01/2026

Medyo nahihirapan kana ba ngayon?

God said,

"Be still, and know that I am God.” – Psalm 46:10

Kapag wala ka nang kontrol, ginawa mo na ang lahat at hindi mo na kaya, itaas mo na sa Kanya.

Hindi ka nag-iisa sa laban na ito.

Palaging kasama mo S'ya. Kahit minsan akala mo tahimik lang S'ya hindi ka Nya pinapabayaan.

Huwag kang mag-alala. Malalagpasan mo lahat yan. Basta magtiwala ka.

Sabihin mo nalang:
“Lord, turuan Mo akong maghintay at maging patient na walang anumang pangamba."

God knows your heart. If you believe 100%, miracle happens.

God bless your heart.

Address

Mandaluyong
1770

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hona Advisory: Wealth & Wellness posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram