13/10/2025
Kasama ang pamilya ni Baby Liam sa mga nasunugan kamakailan sa Mandaluyong. Nakilala at nakita namin sila sa Evacuation Center. Ramdam namin ang sakit at lungkot na dulot ng trahedyang nangyari sa kanila. Gayunpaman, nang makausap namin sila, makikita pa rin sa kanilang mga mukha ang saya at ngiti. Ito ay dahil mabibigyan na ng libreng operasyon si Baby Liam, at nagpapasalamat sila na buo at walang nasaktan sa kanilang pamilya sa sunog.
Hindi lamang ang mga magulang ni Liam ang nakangiti, kasama din dito si Liam.
Kaya't kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga organisasyon na patuloy na tumutulong upang makapagbigay ng libreng operasyon: ang Rotary Club of Kagitingang Cubao, District 3780, at ang Club of QC Big Bike Riders, NCR Philippines
Kung kayo po ay may kakilala na may cleft, ang VRP Medical Center ay nagsasagawa ng libreng operasyon (PROJECT BEAUTIFUL SMILE) para sa mga taong may cleft lip at cleft palate.