16/12/2022
10 Superfoods para sa Diabetes
I. Beans
Ang Kidney, Pinto, Navy at Black beans ay siksik sa vitamins at minerals na magnesium at potassium. Napakataas rin ng fiber content ng mga ito.
Ang beans ay may taglay rin na crbohydrates. Pero ang 1/2 cup nito ay naglalaman rin ng protein na katumbas ng isang ounce ng karne na walang saturated fat.
Para makatipid sa oras, pwede ka gumamit ng canned beans pero dapat mo muna itong e-drain at hugasan para matanggal ang sodium chloride o asin na kasama nito.
II. Dark Green Leafy Vegetables
Ang spinach, collards at kale ay ilang halimbawa ng dark green leafy vegetables na siksik sa vitamins at minerals tulad ng A,C,E at K, Iron, Calcium at Potassium.
Ang mga pagkaing ito ay mababa rin sa calories at carbohydrates. Pwede mo idagdag ang dark green leafy vegetables na'to sa mga salad, soup at stew.
III. Citrus Fruit
Ang grapefruit, orange, limes at lemons, ikaw na ang bahalang pumili ay mayaman sa fiber, vitamin C, folate at potassium.
IV. Sweet Potatoes
Meron nga lang itong starch pero siksik rin naman sa vitamin A at fiber. Very good source din ng vitamin C at potassium.
V. Berries
Ang berries ay mayaman din sa antioxidants, vitamins at fiber. Kung mahilig ka sa matatamis at may sweet tooth ka, this is for you.
May kasama rin itong vitamin C, vitamin K, manganese, potassium at fiber.
VI. Tomatoes
Ang maganda sa prutas na'to, kahit paano mo pa siya lutuin o kahit kainin mo ng hilaw, mabibigyan ka ng vital nutrients tulad ng vitamin C, vitamin E at potassium.
VII. Fish high in omega-3 fatty acid
Ang omega-3 fats ay tumutulong para pababain ang risk ng pagkakaroon ng heart disease at inflammation.
Ang mga isda na may mataas na healthy fats ay tinatawag na fatty fish. Ang kilalang-kilala sa lahat ay ang salmon.
Ang iba pang uri ng fatty fish na mayaman sa omega-3 ay kinabibilangan ng herring, sardines, trout, mackerel at albacore tuna.
Sabi ng American Diabetes Association Standards of Medical Care in Diabetes 2017 recommends eating fish( mainly fatty fish) ng dalawang beses kada linggo sa mga taong diabetic.
VIII. Nuts
Ang isang ounce ng nuts ay malaking bagay para harangin o e-delay ang gutom. Mayaman din ito sa magnesium at fiber.
Ang ilang uri nito gaya ng walnut at flax seeds ay mayaman sa omega-3 fatty acids.
IX. Whole Grains
Ang whole grains tulad ng barley ay mayaman sa vitamins at minerals tulad ng magnesium, B vitamins, chromium, iron at folate.
May taglay rin itong fiber. Ilan pang halimbawa ng whole grains ay tulad ng whole oats, quinoa, wheat at farro.
X. Milk Yogurt
Maliban sa pagkakaroon ng calcium, marami ng milk at yogurt products ang ginawang fortified at maging source rin ng vitamin D.
Ilang pag-aaral ang naisagawa at nakitaan ng koneksyon ang vitamin D at ang kalusugan.
Ang gatas at yogurt ay meron ding taglay na carbohydrates na kailangan rin planuhin at limitahan talaga kung ikaw ay may diabetes.
Kaya mas mainam na maghanap ka na lang ng yogurt products na mababa sa fat at added sugar.