03/10/2025
Good News : Libre na ang Gamot mo!
Inilunsad ng PhilHealth ang GAMOT Program bilang malaking hakbang para mas mapadali ang access sa healthcare ng mga Pilipino.
Simula Agosto 21, 2025, maaaring makatanggap ang mga miyembro ng PhilHealth ng hanggang ₱20,000 halaga ng gamot kada taon sa ilalim ng GAMOT Program.
Kung miyembro ka ng PhilHealth, maaari kang magparehistro sa YAKAP (Your Konsulta and Access Point), kumuha ng tamang reseta, at makuha ang iyong gamot sa mga accredited na pasilidad ng GAMOT.
May ₱20,000 taunang coverage ang programa para makatulong sa paggastos sa gamot, upang mas mapadali ang gamutan at paggaling ng mga pasyente.
---
Ang GAMOT program ng PhilHealth ay isang malaking hakbang para mas mapabuti ang access sa serbisyong pangkalusugan ng lahat ng Pilipino.
Sa ₱20,000 taunang coverage, mas madaling mapangalagaan ang kalusugan at makatutok sa paggaling nang hindi masyadong nag-aalala sa gastos ng mga gamot.