10/11/2025
MAHALAGANG ABISO PARA SA PASYENTE NAMIN SA OPD:
Ang mga klinik sa Outpatient Department (OPD), Cancer Institute (CI) at Sentro Oftalmologico Jose Rizal (SOJR) ng Philippine General Hospital ay SARADO sa November 10, 2025 (Lunes).
Ito ay kasunod ng anunsyo ng Malacañang na suspendido ang klase sa lahat ng antas at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno bilang paghahanda sa inaasahang masamang panahon dala ng Bagyong Uwan.
Lahat ng mga appointment sa araw na ito ay magkakaroon ng bagong schedule na makikita sa inyong OCRA account.
Manatiling ligtas at sumunod sa payo ng mga awtoridad sa inyong mga lugar.
Ingat po tayong lahat!