05/10/2021
Ang pangkalahatang kalusugan ng mga nakatatanda (kabilang na ang mental health o kalusugang pangkaisipan) ay isa sa mga pinaka-importanteng bigya ng pansin ngayong panahon ng pandemya.
Dahil dito, kinakailangan natin silang tulungan sa pamamagitan ng pag-uupdate sa kanila tungkol sa mga nangyayari sa paligid nila. Ang mga nakatatanda ay maaaring mahirapan kumonekta sa ibang tao o sa kanilang mga pamilya lalo na ngayong quarantine o lockdown, kaya naman maganda kung mapapanatili nating konektado sa kanila sa pamamagitan ng pagtawag o social media. Siguraduhin din nating nabibigay natin sa kanila ang kanilang mga pangangailangang pang-araw araw. Tulungan din natin silang panatilhin ang kanilang mga nakasanayang gawain o kaya ay hikayatin silang gumawa ng mga bagong libangan. Ang panghuli ay bigyan natin sila ng suportang emosyonal at praktikal.
Mahal po namin kayo, lolo at lola! ❤️
Sanggunian: World Health Organization Regional Office for South East Asia