Mga tip mula sa isang therapist

Mga tip mula sa isang  therapist Pinagsamang Tip

16/02/2023
21 TIPS PARA BUMATAPayo ni  Doc Willie OngLAHAT nang tao ay nagkakaedad. Pero may mga paraan para mapabagal ang ating pa...
10/02/2023

21 TIPS PARA BUMATA
Payo ni Doc Willie Ong
LAHAT nang tao ay nagkakaedad. Pero may mga paraan para mapabagal ang ating pag-edad. Alamin natin ang 21 paraan:
1. Kumain ng almusal araw-araw. Ang gulay, sardinas, kanin, gatas, itlog at prutas ay masustansyang almusal.
2. Kumain ng pagkaing may tomato sauce (ketsap at spaghetti sauce) at uminom ng green tea. Panlaban ito sa maraming kanser.
3. Kumain ng maberdeng gulay at mga prutas, tulad ng mansanas, saging at pakwan.
4. Huwag sosobrahan ang kahit anong pagkain. Huwag magpakabusog. Katamtaman lamang ang kainin.
5. Mag-asawa o magkaroon ng kasama sa buhay – Mas mahaba ang buhay ng mga may asawa kumpara sa mga nag-iisa.
6. Tumawa ng 15 minutos bawat araw. Laughter is the best medicine.
7. Magkaroon nang mabait na kaibigan. Makatutulong siya sa pagtanggal ng stress sa buhay.
8. Makipag-sex (sa iyong asawa o partner) ng mas madalas. Kontrobersyal itong payo pero napatunayang may katotohanan. Ang pakikipag-sex ay isang uri ng ehersisyo at nakababawas din sa stress.
9. Umiwas sa bisyo at peligro.
10. Matulog ng 7-8 oras bawat araw.
11. Mag-ehersisyo.
12. Mag-alaga ng a*o. Nagbibigay ng pagmamahal ang a*o sa kanyang amo.
13. Magsipilyo ng 3 beses bawat araw. Gumamit din ng dental floss.
14. Magpabakuna. May mga bakuna laban sa hepatitis B, pulmonya, trangka*o, at iba pa.
15. Inumin lang ang tamang gamot. Itanong muna sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot o supplement. Mas mainam na magtanong sa 2 doktor para makasiguro na tama ang iyong iniinom.
16.Alamin ang mga sakit sa pamilya at gumawa ng paraan para maiwasan ito. Halimbawa, kung may lahi kayo ng sakit sa puso, magpasuri nang maaga sa doktor.
17. Uminom ng 8-10 ba*ong tubig araw-araw.
18. Umiwas sa araw, usok, alikabok at iba pang polusyon sa lansangan.
19. Umiwas sa usok ng sigarilyo.
20. Mamuhay lamang ayon sa iyong kakayahan. Umiwas sa pagkabaon sa utang.
21. Huwag magretiro. Laging ituloy ang iyong trabaho.

Babala: Namayat kahit hindi Nag-DiyetaPayo ni Doc Willie OngOkay lang na pumayat kung nag-diyeta ka. Pero kung pumayat n...
14/01/2023

Babala: Namayat kahit hindi Nag-Diyeta
Payo ni Doc Willie Ong
Okay lang na pumayat kung nag-diyeta ka. Pero kung pumayat ng hindi naman nag-diyeta, mag-ingat na.
Maraming mga dahilan para bumaba ang timbang. Kung mayroon kang problema sa trabaho o pamilya, maaari kang mabawasan ng timbang.
Ang dalawa pang kondisyon na maaaring maging sanhi ng pagbaba ng timbang ay diabetes at hyperthyroid. Kung ang isang tao ay hindi kayang kontrolin ang diabetes, ang labis na asukal ay hindi ina-absorb ng katawan at lumalabas ito sa ihi.
Ang hyperthyroidism ay nagiging sanhi ng mabilis na metabolismo, kaya't nagiging sanhi ng pagbaba ng timbang. Ang parehong mga kondisyon ay maaaring magamot.
Gayunpaman, kung ang isang tao ay nawalan ng 10 pounds nang hindi nag-diyeta, ito ay isang mahalagang senyales. Kahit na ang tao ay hindi nagrereklamo ng anumang sakit, dapat na suriin ang pasyente dahil sa posibleng kanser o ibang sakit.
Maraming mga kanser ang walang sintomas. Halimbawa, ang mga kanser sa tiyan, colon, atay at baga ay karaniwang hindi nagpapakita ng senyales. Bilang karagdagan, ang kanser ay maaaring makaapekto sa bata at matatanda, ngunit ito ay mas karaniwan sa mga matatandang tao.
Kaya naman, kung nabawasan ka ng timbang, Magpatingin sa iyong doktor at gagawan ng lab test. Huwag kang mag-alala. Kung sumunod ka sa isang healthy lifestyle ang mga test na ito ay marahil ay magiging normal lang.

SAGING: Ang Pinaka-healthy na Prutas sa Buong MundoPayo ni Doc Willie OngMay kasabihan na “An apple a day keeps the doct...
14/01/2023

SAGING: Ang Pinaka-healthy na Prutas sa Buong Mundo
Payo ni Doc Willie Ong
May kasabihan na “An apple a day keeps the doctor away.” Mali po iyan. Ang bago ngayon ay “Two bananas a day keep the doctor away.” Marami nang pagsusuri ang nagsasabi na ang saging ay sobrang healthy at napakabuti sa katawan.
Heto ang mga nilalaman ng isang saging na 100 grams: Calories: 88 calories, Vitamin A: 430 I.U., Vitamin B: Thiamine .04 mg., Vitamin C: 10 mg., Calcium: 8 mg., Iron: 6 mg., Phosphorus: 28 mg., Potassium: 260 mg., Carbohydrates: 23 grams, at Protein: 1.2 mg.
Sobrang Dami ang Benepisyo ng Saging (Lakatan, Latundan o Saba):
1. Tiyan – Napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid. May flavonoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan.
2. Puso – Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalu na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng 2 saging bawat araw.
3. Parang Multivitamin - Kung susuriin mo, parang multivitamin na ang saging dahil may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium ito. Kapag kumain ka ng 2 saging bawat araw, you can Have It All like Edu Manzano and Feel Complete like Piolo Pascual. Tipid pa!
4. Mabuti sa Colon - Dahil mataas sa fiber ang saging, puwede itong panlaban sa colon cancer at iba pang sakit ng bituka natin.
5. Good for exercise – Sa mga mahilig mag-ehersisyo at mag-Gym, kailangan mo ng saging para hindi bumaba ang iyong potassium. Magbaon ng 2 saging sa bag lagi, tulad ko.
6. Para sa stress at pang-relax – Alam ba niyo na ang saging ay may tryptophan? Ito’y isang kemikal na nagpapasaya sa atin at nagpapaganda ng ating emosyon. Kaya kung depressed ka dahil iniwan ka ng iyong girlfriend, huwag nang lumuha, mag-saging ka na.
7. Pang-baon talaga – Kaibigan, kaya mo bang magbaon ng abokado o mangga sa bag? Hirap kainin hindi ba? Pero ang saging ay napakaganda ng lalagyan. Talagang ginawa ng Diyos para kainin.
8. Baka makabawas ng Leukemia at Hika sa Bata – May pagsusuri na nagsasabi na kapag ang bata o sanggol ay lagi mong papakainin ng saging, mas hindi sila hihikain, at hindi rin sila magkakaroon ng leukemia. Hindi pa ito tiyak, pero marami ang naniniwala nito.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mga tip mula sa isang therapist posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram