12/02/2021
Tarot : Is it all about reading or guessing? (Basa o hula?)
Tarot is a form of divination wherein we ask our guides to answer our questions though the tarot cards. Sa tarot cards hindi lang ito yung simpleng bubunot ka lang tas kung ano ang lumabas, yun na yon. The reader should know how to read the tarot cards so he/she could effectively deliver the message to his/her querent.
Sa tarot hindi lang ito base sa hinaharap, maraming maaaring maungkat sa pagbabasa ng baraha hindi lamang ang hinaharap kundi pati ang iyong nakaraan at mga lihim na ikaw lamang ang nakaaalam.
Pero ano nga ba ang Tarot? Ito ba ay panghuhula, o ito ay isang paraan ng pagbasa?
Ang Tarot Cards ay may malayong nakaraan, ang iba sinasabi nila na ito ay nagmula pa sa egypt, ang iba naman ay sa europe kung saan ito ay ginagamit sa pag lalaro na tila gaya ng modernong paglalaro natin ngayon ng ordinaryong baraha or playing cards.
Ang pinagkaibahan nga lang ng tarot cards, ito ay binubuo ng 78 na iba't-ibang baraha na nahahati sa tinatawag na Major and Minor Arcana. (Arcana Mayore y Arcana Minori)
Bawat baraha ay may kanikanyang iba't-ibang kahulugan at iba't ibang interpretasyon.
Tanong : Ito ba ay panghuhula o pagbabasa?
Kung pagbabasehan natin ang mga napapanood natin sa telebisyon (Television/T.V.) ang unang papasok sa ating isipan sa Tarot ay isa itong uri ng panghuhula. Ngunit ano nga ba ang Panghuhula or Guessing? Ito ay isang pamamaraan kung saan sinasabi mo ang hinaharap nang base lang sa iyong sariling guni-guni or kuro-kuro. Sa Tarot, may tinatawag na interpretasyon (interpretation). Kelangan mong bumase sa kung anong nakalagay sa baraha, tingnan ang bawat simbolo (symbols), isipin ng mabuti ang bawat numero at letra, basahin kung ano ang nais nitong iparating.
Sa makatwid, ang Tarot ay isang uri ng pagbabasa gamit ang mga simbolo at ang konteksto na nilalaman ng bawat baraha.
Tanong : Saan pumapasok ang sinasabing paghingi ng tulong sa mga gabay o abyan?
Ang pagdidivination ay isang uri ng paghingi ng gabay sa iyong mga ninuno o sa nakatataas sa atin na siyang nakakakita ng lahat ng bagay na hindi sakop o hindi nakikita ng ating mga mata. Sa pamamagitan ng pagtawag sa kanila, mas madali nating makikita ang mga signos (signs) o simbolo (symbols) at madali nating maipapahayag ang mga bagay na nararapat nilang malaman. Ito ay didepende sa sitwasyon o sa nature ng readings.
Tanong : Bakit mejo may kamahalan ang pagbabasa ng tarot?
Sa pagbabasa ng tarot, hindi ito mahal kung tutuusin sapagkat ang isang reader o mambabasa ay gumagamit ng kanyang enerhiya upang maipahayag sayo ang mga bagay na nararapat mong malaman. Gaya ng mga nasambit kanina, tumatawag ka ng mga gabay, tinitignan mo ang mga simbolo, binabasa ang mga kahulugan nito at inilalagay sa sitwasyon saka mo sasabihin sa iyong binabasahan. Sa pagbabasa ng baraha, hindi lang espiritwal na enerhiya ang gumagana kundi pati ang pisikal na enerhiya ng isang mambabasa. Kaya kung iisipin mo, sa isang reading, may isang General Reading at may Limang Tanong (o higit pa), doon pa lamang, nadi-drain na ang reader. Paano pa kaya kung isangdaang tanong ang meron ka?
Siguro nga ay nararapat lang na magkaroon ng kabayaran ang readings at ito ay tinatawag nating Energy Exchange.
Kung sa isang Reading na nagkakahalaga ng 1000 at ang kasama dito ay 1 General Reading + 7 Questions, siguro hindi na iyon masama. Kesa pumunta ka pa ng Quiapo, mamamasahe ka pa, pagod ka pa, at magbabayad ka pa, dipende pa sa presyo ng mambabasa. Wala ding pinagkaibahan, pagod ka pa. (Pero ang presyo po namin ay hindi naman aabot ng 1000 lalo pa at may promo kami ngayon. HAHAHA)
Tanong : Ito ba ay pangangailangan o kagustuhan?
Ang Tarot Reading ay parehong pangangailangan at kagustuhan. Sa buhay ng tao, kinakailangan natin gabayan upang maiwasan ang mga bagay na nararapat iwasan at malaman ang mga dapat malaman. Pwede din namang kagustuhan lamang dahil gaya ng isang tao, may mga tao din na ayaw gabayan at gusto lang nilang tahakin ang buhay na ayon lang sa sarili nilang kagustuhan at matuto ng kusa. At walang masama doon.
Lahat ng tao, maaaring magbasa ng baraha, ngunit iilan lang ang epektibong nagbabasa ng baraha. Bilang mambabasa ng baraha, dapat kami ay nagbibigay ng kaliwanagan sa aming mga binabasahan at hindi pa nagiging dahilan upang lalong maging magulo ang isipan ng aming binabasahan.
Yun lamang po!