Payong pang kalusogan

Payong pang kalusogan Payong pang kalusogan

13/04/2023
Constipation: Mga Pagkaing LunasPayo ni Doc Willie OngPara makaiwas sa pagtitibi o constipation, subukan ang mga payong ...
13/04/2023

Constipation: Mga Pagkaing Lunas
Payo ni Doc Willie Ong
Para makaiwas sa pagtitibi o constipation, subukan ang mga payong ito. Uminom ng 8 hanggang 10 basong tubig bawat araw. Igalaw-galaw ang iyong katawan. Sanayan ang sarili na dumumi sa takdang oras.
Malaking tulong ang mga prutas at gulay para lumambot ang dumi. Kumain ng mga prutas tulad ng papaya, pakwan at peras. Kumain din ng iba’t-ibang gulay na mataas sa fiber. Heto ang puwede niyong subukan:
1. Berdeng gulay tulad ng kangkong, spinach, pechay, malunggay at talbos ng kamote. Mataas ang gulay sa fiber na makatutulong sa pagiging regular ng pagdumi. Ang spinach ay may sangkap na magnesium na nagpapabilis ng galaw ng bituka para makarumi.
2. Okra – Sa mga gulay, kakaiba ang epekto ng okra para mapalambot ang dumi. Ang okra ay may malapot na likido na nagpapadulas sa pagdaan ng dumi. Ang balat ng okra ay mataas sa fiber na nagbibigay ng anyo (o porma) sa dumi. Dahil dito, mas bibilis ang paggalaw ng dumi. Piliin lamang ang okra na wala pang 4 na pulgada (4 inches) para malambot pa ito kainin.
3. Oatmeal – Puwede kang kumain ng isang tasang oatmeal sa umaga. May sangkap itong beta-glucan (isang soluble fiber) na nagtatanggal ng kolesterol sa ating katawan at makatutulong din sa pagdumi.
4. Yogurt – Ang yogurt ay may taglay na mabuting bacteria (good bacteria) na may benepisyo sa ating tiyan at bituka.
5. Tubig – Napakahalaga ang pag-inom ng sapat na tubig para sa mga nagtitibi. Ang mga pagkaing mataas sa fiber, tulad ng gulay, prutas at oatmeal, ay kailangang humalo muna sa tubig para maging malambot ang dumi. Subukang uminom ng 8 hanggang 10 basong tubig o likido sa maghapon. Kapag kulang ka sa tubig, siguradong titigas ang iyong dumi.
May iba pang pagkaing mataas sa fiber tulad ng brown rice. Pero kung hindi ka sanay sa pagkain nito ay baka magtae ka naman. Dahan-dahanin lang muna ang pagkain nito para masanay ang iyong tiyan. Sana ay makatulong itong mga payo para malunasan ang iyong pagtitibi. Good luck.

Tamang Ehersisyo para Hindi Ma-pilay (Sprain)Payo ni Doc Willie OngAng sprain o pilay ay nangyayari kapag ang iyong liti...
13/04/2023

Tamang Ehersisyo para Hindi Ma-pilay (Sprain)
Payo ni Doc Willie Ong
Ang sprain o pilay ay nangyayari kapag ang iyong litid ay nawala sa porma o napunit. Ang pilay ay kadalasang nangyayari sa iyong bukong-bukong, tuhod at paa. Masaki ito at mabilis na namamaga. Sa pangkalahatan, kung mas matindi ang sakit, ibig sabihin ito ay sobrang napinsala.
Para Maiwasan ang Pilay:
1. Mag-warm up para lumuwag at mabanat ang muscles bago magsimula ng ehersisiyo. Unti-unting dagdagan ang antas ng gawain sa loob ng 5 hanggang 10 minuto. Kung ikaw ay madaling magkaroon ng pananakit ng kalamnan, mag-apply ng mainit bago mag-ehersisyo.
2. Umpisahan ng paunti-unti - Kung nais sumubok ng bagong sport, dagdagan ang antas ng sport ng dahan-dahan sa loob ng ilang linggo.
3. Iwasan ang mga sport na maaaring makapinsala. Huwag sobrahan ang gawain.
4. Mag-palamig o cool down pagkatapos ng ehersisyo.
5. Gumawa ng mga cross-training - Maaaring subukan ang iba't ibang gawain sa parehong workout na pagpalit-palitin ang gawain simula sa unang araw hanggang sa susunod.
Tandaan: Itigil agad ang gawain kung nakararanas ng pananakit ng dibdib, hindi normal na tibok ng puso, pagkahilo o pamumutla, hirap sa paghinga, sobrang pagod, sobrang pananakit ng kasu-kasuan at kalamnan at pamamaga ng kasu-kasuan.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Payong pang kalusogan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram