11/04/2021
Para sa mga may tanong tungkol sa bakuna laban sa COVID-19...
https://www.facebook.com/203479803052977/posts/3909758732425047/
𝐈𝐍𝐈𝐑𝐄𝐑𝐄𝐊𝐎𝐌𝐄𝐍𝐃𝐀 𝐧𝐠 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐞𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐎𝐧𝐜𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 (𝐏𝐒𝐌𝐎) 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐬𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐊𝐀𝐍𝐒𝐄𝐑 𝐚𝐲 𝐌𝐀𝐆𝐏𝐀𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐂𝐎𝐕𝐈𝐃-𝟏𝟗
(Basahin ang buong dokumento rito: https://psmo.org.ph/2021/04/covid-19-vaccine-and-patients-with-cancer/)
𝐁𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐊𝐀𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐏𝐀𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀?
👉 Ayon sa mga pag-aaral, ang mga cancer patient ay may mas mataas na panganib na magkakomplikasyon at mamatay kapag sila ay nagka-COVID-19.
👉 Dahil dito, sila ay napakahalagang makatanggap ng DAGDAG NA PROTEKSYON sa pamamagitan ng pagpapabakuna.
𝐀𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀?
👉 Ang mga cancer patient ay dapat tumanggap ng KAHIT ALIN sa mga bakunang APRUBADO NG FDA kung walang kontraindikasyon pagkatapos makipag-usap sa kanilang doktor.
𝐊𝐀𝐈𝐋𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀?
👉 Dapat mabakunahan ang lahat ng mga cancer patient, pati ang mga kasalukuyang nagpapagamot.
👉 Maaari nilang ikonsulta sa kanilang doktor kung kailan ang pinakamabuting timing depende sa kanilang sitwasyon.
𝐒𝐀𝐅𝐄 𝐁𝐀 𝐈𝐓𝐎?
👉 Ang mga bakunang aprubado ng FDA na may emergency use authorization (EUA) ay LIGTAS.
👉 Walang mga naitalang report ng mas mataas na antas ng side effects sa mga nabakunahang cancer patient kumpara sa madla.
𝐄𝐏𝐄𝐊𝐓𝐈𝐁𝐎 𝐁𝐀 𝐈𝐓𝐎?
👉 Karamihan sa mga taong nabakunahan ay magkakaroon ng PROTEKSYON laban sa MALUBHANG COVID-19.
👉 Bagamat maaaring mas mababa ang bisa ng bakuna kapag mahina ang immune system, maaari pa ring mapababa ng pagpapabakuna ang tsansa ng pagkaospital at pagkamatay mula sa COVID-19.
𝐀𝐍𝐔-𝐀𝐍𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐍𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐃𝐄 𝐄𝐅𝐅𝐄𝐂𝐓𝐒?
👉 Ang mga aprubadong bakuna ay maaaring magdulot ng panandaliang mild hanggang moderate na side effects:
* Pagkirot sa bahaging tinurukan
* Pakiramdam ng pagkapagod
* Pananakit ng katawan
* Lagnat sa loob ng 24-48 oras
* Pagkaginaw
❇️ Ang bawat cancer patient ay hinihikayat na MAKIPAG-USAP sa kanilang medical oncologist at healthcare team tungkol sa BENEPISYO ng PAGPAPABAKUNA.
(Updated as of 8 April 2021)