Payong pang kalusogan

Payong pang kalusogan Payong pang kalusogan

09/03/2023
May Kabag at Masakit ang TiyanPayo ni Doc Willie OngKapag ang hangin ay hindi nailabas ng pag-dighay at pag-utot, ito ay...
09/03/2023

May Kabag at Masakit ang Tiyan
Payo ni Doc Willie Ong
Kapag ang hangin ay hindi nailabas ng pag-dighay at pag-utot, ito ay mabubuo sa tiyan at bituka na dahilan ng pagkakaroon ng hangin (bloating). Ang sakit ng tiyan ay maaaring hindi masyadong masakit o kaya naman ay matigas at sobrang sakit ito ay nangyayari kung mahangin ang tiyan o may kabag. Kung maaalis ang hangin ay mawawala ang sakit. Kaugnay din dito ang LBM at lactose intolerance. Ang pagkain ng matataba at mga pagkain na nakapagbibigay ng hangin sa ating tiyan gaya ng beans, at iba pang gulay, ang mahangin na tiyan ay resulta rin ng stress, labis na pag-aalala at paninnigarilyo.
Tips para maiwasan ang kabag:
1. Magbawas sa mamantikang pagkain. Dahil napapatagal nito ang pagtunaw ng pagkain.
2. Bawasan ang mga pagkaing nagbibigay ng hangin sa tiyan. Tigil ang soft drinks. Bawasan ang beans, peas, repolyo, sibuyas, broccoli, cauliflower, pasas, prunes, bran cereals at muffins.
3. Iwasan din ang pagkain ng chewing gum at matigas na candy.

Tinatamad ba kayo? Mag-stretch at EhersisyoPayo ni Doc Willie OngMaraming benepisyo ang ehersisyo. Nakapagbibigay ito ng...
01/03/2023

Tinatamad ba kayo? Mag-stretch at Ehersisyo
Payo ni Doc Willie Ong
Maraming benepisyo ang ehersisyo. Nakapagbibigay ito ng sigla, saya at nagpapaganda ng daloy ng dugo sa katawan. Kaya kung tinatamad kayo o nalulungkot, baka kulang ka sa stretch at ehersisyo sa umaga.
Ituturo ko ngayon ang simple at ligtas na paraan para mag-ehersisyo. Magsimula ng dahan-dahan para maiwasan ang muscle strain (o pilay).
Sa pag-stretch ng masel ay hindi dapat makaramdam ng sobrang sakit. Ang pakiramdam mo lamang ay ang inu-unat ng masel. Malalaman mo ito sa katagalang pag-e-ehersisyo.
Heto ang simpleng payo ko:
1. Shoulder raise - Itaas ang kamay. Parang inaabot mo ang kisame. Kailangan ay ma-stretch mo ang buong braso at balikat paitaas. Gawin ito ng 5-10 beses lamang. Pakiramdaman mo ang pag-stretch ng iyong braso at balikat.
2. Shoulder shrugs – Galawin paikot-ikot ang iyong buong balikat. Ikut-ikotin ito para lumuwag ang masel sa balikat at sa leeg.
3. Neck stretch - I-stretch ang leeg. Dahan-dahang tumingin sa kanan. I-stretch ang leeg ng 3-5 beses lamang. Pagkatapos ay tumingin naman sa kaliwa. Gamitin ang kamay para bahagyang itulak ang leeg. Pagkatapos ay tumingin naman sa itaas. Gawin ito ng 3 beses lamang. Huwag ito gawin ng sunud-sunod at baka ikaw ay mahilo. Ang mahalaga ay maramdaman mo ang pag-unat ng mga masel sa leeg.
4. Hip rotation - Ikutin ang baywang pakanan at pakaliwa. Habang nakatayo ka ng paharap, subukan mong ikutin ang baywang para makatingin sa likod. Umikot lang sa abot ng iyong makakaya. Gawin ito ng mga 3 beses sa umpisa. Sa katagalan ay puwede mo nang gawin ng hanggang 7 beses.
5. Walk in place - Ihakbang ang mga paa ng nakapuwesto sa isang lugar lamang. Parang sundalo ka na nag-ma-martsa. Itaas ang paa ng mga 1 feet habang hinahakbang ito. Gawin ito ng mga 30 segundo.
Sa katagalan ay dagdagan mo pa ng iba’t-ibang ehersisyo. Kung kaya mo na, mainam din ang stomach crunch, stationary bike, push-up at half-squat.
Tandaan: Ang matinding ehersisyo (sa gym at work-out) ay hindi dapat araw-arawin. Dapat ay may isang araw ng pahinga sa pagitan ng iyong ehersisyo. Ito ay para maghilom at makapahinga ang masel.
Pero ang mga ehersisyo na itinuro ko ay puwedeng araw-arawin. Puwede ito gawin ng bata at matatanda. Good luck po.

Alamin Kung Stressed Ka, Check Mo ItoPayo ni Doc Willie OngStress ang pinakamalaking problema natin ngayon. Nagdudulot i...
28/01/2023

Alamin Kung Stressed Ka, Check Mo Ito
Payo ni Doc Willie Ong
Stress ang pinakamalaking problema natin ngayon. Nagdudulot ito ng sakit sa puso, ulcer at sakit sa katawan. Ngunit paano mo ba malalaman kung stressed ka na?
Simple lang. I-check mo itong 3 bagay:
1. Suriin ang pulso. Ang tamang pulse rate para sa matatanda ay sa pagitan ng 70 hanggang 80 na tibok bawat minuto. Kung ang pulse rate ay mas mataas sa 80 bawat minuto, ito ay posibleng ikaw ay may stress. Maglaan ng ilang sandali para bilangin ang iyong pulse at simulan tantyahin ang stress level. Para hanapin ang iyong pulso ipatong ang una at pangalawang daliri sa pulso na malapit sa wrist. At tignan ang iyong relo at magset ng timer sa 1 minuto at bilangan ang tibok nito.
2. Bilangin ang paghinga. Para sa matanda ang average na paghinga ay 12 hanggang 16 bawat minuto. Kung kayo ay humihinga ng mas higit pa sa 16 kada minuto, baka ikaw ay may stress. Mag set ng timer para sa 1 minuto at bilangin ay paghinga. Huminga lamang ng normal habang binibilang ang hininga.
3. Tingnan ang ibang senyales sa iyong katawan. Ang stress ay nagpapahiwatig ng iba pang sintomas sa ating katawan. Halimbawa, ang iyong tiyan ba ay nakararamdam na para bang buhol-buhol at maasim. Masakit ang iyong ulo. Nakaramdam ka ng paninigas sa iyong leeg at balikat.
Tips:
1. Huminga ng malalim at mabagal.
2. Mag-stretch at mag-lakad-lakad.
3. Matuto tumanggi kung hindi mo na kaya.
4. Kumausap ng positibong kaibigan.
5. Ayusin ang isipan. Baka maliit lang ang stress pero pinapalaki lang ng isipan mo.
6. Huwag idaan sa alak, sigarilyo at bisyo.
7. Makinig sa music at mag-pahinga.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Payong pang kalusogan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram