Mga tip mula sa isang therapist

Mga tip mula sa isang therapist Pinagsamang Tip

10/02/2023
Pagod Lagi?Tips Para May LakasPayo ni Doc Willie OngKung pakiramdam mo na lagi kang pagod at nanghihina, ilan sa mga dah...
17/01/2023

Pagod Lagi?
Tips Para May Lakas
Payo ni Doc Willie Ong
Kung pakiramdam mo na lagi kang pagod at nanghihina, ilan sa mga dahilan nito ay stress sa trabaho, problema sa pamilya, at marami pang iba.
Gusto nating labanan ang pagod at panghihina. Kaya narito ang ilang payo para makaroon ng lakas:
1. Pagkagising, bigyan ang sarili ng extra 15 minutos. Para magdasal, mag-stretching, at mag-isip o magmuni-muni.
2. I-plano ang gagawin sa maghapon, maari itong ilista.
3. Para may lakas, kumain ng kumpletong almusal gaya ng carbohydrates tulad ng tinapay o kanin. May protina din sa itlog, tapa at manok. Samahan ng prutas tulad ng saging at mansanas. Iwasan ang matatamis.
4. Kung kaya maglakad o umakyat ng hakdan sa trabaho, gawin ito. Dahil ang exercise ay nagbibigay ng energy sa buong araw habang nasa trabaho. Puwedeng gumalaw-galaw din habang nakaupo o may ginagawa, para gumanda ang sirkulasyon ng dugo.
5. Sa trabaho, sundin ang inilista at maari nang gawin ng isa-isa at magfocus. Isipin ang pinaka-importante at unahin ito. Ganoon din pag-uwi sa bahay.
6. Ayusin ang bahay para maging maganda ang nakikita. Maglagay ng maraming makukulay at kaakit-akit sa bahay dahil nagbibigay ito ng energy. Kapag maaliwalas ang nakikita, maaliwalas din ang pag-iisip
7. Maligo bago matulog para presko ang pakiramdam.
8. Sa bawat gabi, humiga ng parehong oras para masanay ang katawan sa pagtulog. Pwede ang 6 hanggang 8 oras na tulog. Pwede rin makinig ng music para ma-relax.
9. Bigyan rin ng bakasyon o ipasyal ang sarili kung matagal ng hindi nakaka-alis.
10. Mag-isip ng magagandang bagay o positive thinking. At isiping magagawa mo ang mga bagay para may kumpiyansa sa sarili.

Mabahong Hininga sa Umaga (Morning Bad Breath)Payo ni Doc Willie OngAng bibig ay naglalaman ng napakaraming bilang ng ba...
12/01/2023

Mabahong Hininga sa Umaga (Morning Bad Breath)
Payo ni Doc Willie Ong
Ang bibig ay naglalaman ng napakaraming bilang ng bakterya. Maaaring mayroong 80-100 na bilang ng iba't ibang uri ng mikrobyo sa bibig ng mga tao.
Ang laway ay nag-aalis ng mga particle ng pagkain sa bibig. Ang kaunting produksyon ng laway ay isang dahilan para ang bakterya ay dumami at makagawa sulfur compounds (VSCs) na dahilan para bumaho ang hininga.
Ang iyong laway ay may dalawang tungkulin. Una, ay naghuhugas ng bakterya at pangalawa, naglalaman ng antibodies at iba pang kemikal – lactoferrin, na pinipigilan ang pagdami ng mga bakterya.
Kaya sa gabi, mas kaunti ang laway sa bibig at nanunuyo, kaya ang mga mikrobyo ay mas dumami sa gabi.
Ang paraan ng pagtulog ay pwede din makaapekto sa mabahong hininga sa umaga. Ang pag-hilik o paghinga sa bibig sa gabi ay nakakadagdag ng posibilidad ng mabahong hininga. Karamihan sa mga mouth breathers ay natutulog na bukas ang bibig, nagiging dahilan para ang bibig ay manuyo at lalo pang dumami ang bakterya.
Ang iba pang sanhi ng masamang hininga ay ang sirang ngipin, namamagang galagid at kulang sa pag-sipilyo.
Tips para mabawasan ang mabahong hininga sa umaga.
Gawin ito bago matulog:
1. Mag-sipilyo
2. Mag-flossing
3. Pag-linis ng iyong dila gamit ang tongue cleaner o toothbrush.
Ito ay tumutulong sa paglilinis ng bibig at pag-alis ng mga particle ng pagkain upang ang bakterya ay hindi dumami.

8 Kakaibang Tips Para Alagaan Ang PusoHealth tip ni Doc Willie OngBukod sa pangkaraniwang payo para alagaan ang puso, tu...
09/01/2023

8 Kakaibang Tips Para Alagaan Ang Puso
Health tip ni Doc Willie Ong
Bukod sa pangkaraniwang payo para alagaan ang puso, tulad ng pagkain ng tama at pag-ehersisyo, mayroon ding kakaibang payo para matulungan ang ating puso at buong katawan. Alamin natin ito:
1. Magsipilyo at mag-floss – Ayon sa pagsusuri, ang pagsisipilyo at paggamit ng dental floss (iyung sinulid na panlinis sa pagitan ng ngipin) ay nagpapahaba ng 3 taon sa ating buhay. May mga mikrobiyo ang bibig na posibleng puma*ok sa dugo at tamaan ang puso. Dahil dito, magsipilyo ng 3 beses sa isang araw at mag-floss ng 1 beses sa isang araw.
2. Mag-alaga ng a*o – May mga pagsusuri na nagsasabi na ang mga pasyenteng may alagang a*o sa bahay ay mas humahaba ang buhay. Mas nakaka-recover din sila sa heart attack. Ito’y dahil nagbibigay ng pagmamahal ang a*o.
3. Tumawa ng 15 minutos sa isang araw – Ang pagtawa ay nagbibigay ng saya at sigla sa katawan. May mga endorphins na inilalabas ang katawan kapag tayo’y masaya. Lumalakas pa ang ating immune system.
4. Kumain ng saging – Ang saging ay may potassium para sa normal na pagtibok ng puso. May tryptophan din na nagpapasaya sa atin. Ang saging ay walang taba, kolesterol at asin na nakasasama sa puso. Kung ikaw ay umiinom ng gamot para sa puso o sa altapresyon, kumain ng 2 saging araw-araw.
5. Mag-relax at matulog – Ang pagtulog ng 7-8 oras bawat gabi ay nakapagpapalakas ng ating katawan. Kapag ika’y pagod sa trabaho, umupo sa tabi, ipikit ang mata at mag-relax ng mga 10 minuto. Maya-maya ay lalakas ka na.
6. Huwag magalit – Ang pagiging laging galit at mainitin ang ulo ay nakasasama sa puso. Tataas din ang iyong presyon at baka ika’y ma-stroke o heart attack. Kung mapapansin ninyo, ang mga taong laging galit ay mas nagkakasakit sa puso.
7. Magkaroon ng mabuting kaibigan – Kapag marami kang kaibigan, makatutulong ito sa panahon na ika’y may problema. Ayon sa pagsusuri, halos 90% ng stress ay matatanggal sa pakikipagusap sa isang maunawain na kaibigan.
8. Maging “in-love” – Kapag may minamahal ka sa buhay, sumasaya at sumisigla ang iyong katawan. Ayon kay Dr. David Demko, halos 7 taon ang ihahaba ng buhay ng mga taong may minamahal sa buhay.
At siyempre, ang pagdarasal at pagtulong sa kapwa ay may benepisyo din para sa atin at para sa ibang tao. Ingatan ang inyong puso!

Para Lumiit Ang Bilbil (Tiyan): Anong Gagawin?By Doc Willie OngMarami sa atin ang may problema sa lumalaking bilbil, lal...
08/01/2023

Para Lumiit Ang Bilbil (Tiyan): Anong Gagawin?
By Doc Willie Ong
Marami sa atin ang may problema sa lumalaking bilbil, lalo na pag nagkakaedad. Kung overweight o kulang sa ehersisyo ay puwede din lumaki ang bilbil. Ano ang ating magagawa para mapaliit ito?
Heto ang ilang payo para lumiit ang bilbil:
1. Uminom ng isang ba*ong tubig bago kumain. Nakabubusog ang tubig at mas kaunti ang iyong makakakain.
2. Kumain ng mas madalas pero kaunti lamang. Ang isang saging o mansanas ay puwedeng pang-meryenda na.
3. Bawasan ang pagkain ng kanin. Kung dati-rati ay 2 tasang kanin, gawin na lang 1 tasang kanin.
4. Kumain ng mas mabagal. Kapag mabagal ka kumain, mas mararamdaman mo ang pagkabusog at mababawasan ang iyong makakain.
5. Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 4 beses kada lingo. Subukang mag-aerobic exercise ng 30 minutos hanggang isang oras.
6. Palakasin ang masel sa tiyan. Mag-aral ng mga ehersisyo para lumakas ang tiyan, tulad ng stomach crunches.
7. Magkaroon ng tamang tindig (posture). Huwag maging kuba sa pag-upo at pagtayo.
8. Umiwas sa matatamis na inumin tulad ng soft drinks, iced tea at juices. Nakatataba ito at nakakadagdag sa laki ng bilbil.
9. Kumain ng almusal araw-araw. Kapag hindi ka nag-almusal, mas gugutumin ka pag dating ng tanghalian at mapaparami ang iyong makakain.
10. Bawasan ang pag-inom ng alak at beer. Nakalalaki iyan ng bilbil.
11. Bawasan ang pagkain ng maaalat. Ang asin at alat ay nagdudulot ng pagmamanas ng katawan.
12. Kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas araw-araw. Umiwas sa matataba at mamantikang pagkain.
13. Maglakad ng madalas at umakyat ng 1 o 2 palapag ng hagdanan.
14. Bawasan ang stress at matulog ng sapat.
15. Maging masipag. Ituloy lang ang mabuting pamumuhay at regular na ehersisyo para hindi lumaki ang bilbil. Good luck po.

Masamang Epekto sa Kalusugan ng PaghilikPayo ni Doc Willie Ong Ang mga madalas na paghilik ay maaaring magdulot ng masam...
07/01/2023

Masamang Epekto sa Kalusugan ng Paghilik
Payo ni Doc Willie Ong
Ang mga madalas na paghilik ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa katawan ng tao. Kasama na dito ang obstructive sleep apnea. Ito ay nagdudulot ng iba pang mga problema tulad ng:
1. Mahabang pagputol sa paghinga (mahigit sampung segundo) habang natutulog dahil sa sagabal o harang sa daanan ng hangin.
2. Madalas na paggising mula sa pagtulog kahit na hindi mo namamalayan na nagigising ka.
3. Mababaw na pagtulog. Ang mga taong may obstructive sleep apnea ay hindi nakakatulog ng malalim upang mapigilan ang pagiging relaxed ng kanilang throat muscles upang hindi ito makasagabal sa daanan ng hangin. Ang mga taong madalas humilik ay laging inaantok sa umaga.
4. Pagkapagod ng puso. Ang obstructive sleep apnea ay nagreresulta sa mataas na presyon (blood pressure) at maaaring magdulot na paglaki ng puso na nagpapataas ng posibilidad ng stroke at atake sa puso
5. Iregular na tibok ng puso. Ang mga taong matagal nang humihilik ay may posibilidad na magkaroon ng iregular na tibok ng puso. Ang mga taong naghihilik ay napag-alaman na madalas na nagkakaroon ng atrial fibrillation kaysa sa mga tao na hindi naghihilik.
6. Mababang lebel ng oxygen sa katawan. Maaari itong magdulot ng pagsikip ng mga ugat sa baga at maaaring magdulot ng pulmonary hypertension kalaunan.
7. Gastroesophageal reflux disease o GERD. Madalas itong maranasan ng mga may sleep apnea. Ang mga may sleep apnea ay nakakaranas ng GERD sapagkat hindi tama ang pagsara ng daanan ng hangin. Nagdudulot ito ng pagbabago sa pressure na humihigop ng mga pagkaing tinutunaw na sa tiyan pabalik sa esophagus.
8. Pagsakit ng ulo
9. Pakiramdam na laging pagod sa umaga.
Mahalagang kumonsulta sa doktor o sleep specialist upang malaman ang kalagayan mo at kung nakakasama na sa iyong kalusugan ang iyong paghilik. Prevention is better than cure

Adres

Philippine

Website

Meldingen

Wees de eerste die het weet en laat ons u een e-mail sturen wanneer Mga tip mula sa isang therapist nieuws en promoties plaatst. Uw e-mailadres wordt niet voor andere doeleinden gebruikt en u kunt zich op elk gewenst moment afmelden.

Delen

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram