Wais na Buntis

Wais na Buntis “Mahusay na Kaalaman ni Misis, para sa Maayos na Pagbubuntis”

16/11/2024
15/05/2023

Magandang araw mga Mommies!🤰 Narito kami para ilahad ang iba pang karagdagang impormasyon 🧠 ukol sa mga Over the Counter na gamot 💊. Kaya naman tara na at ating alamin kung ano ang tamang paggamit nito!




13/05/2023

Hello mga Mommies at mga magiging mommies 🤰
Mayroon bang mga katanungan 🤔 na bumabagabag sa isip ninyo tungkol sa paginom ng mga gamot? 💊

Ano nga ba ang mahahalagang paalala ⚠️ na dapat niyong malaman bago kayo uminom ng kahit anong uri ng gamot?

Para po mas maintindihan natin ang kahalagahan ng pagpapakonsulta sa doctor, narito po si Dra. Pescador mula sa St. Paul Hospital Bulacan upang magbahagi ng impormasyon sainyo tungkol sa tamang pag gamit ng gamot at kalahagahan ng pagpapakonsulta nang sa gayon ay maging maayos ang inyong pagbubuntis.




Ano nga ba ang pwedeng maging epekto ng pag-inom ng gamot nang hindi nagpapakonsulta sa doktor sa dinadalang sanggol ng ...
10/05/2023

Ano nga ba ang pwedeng maging epekto ng pag-inom ng gamot nang hindi nagpapakonsulta sa doktor sa dinadalang sanggol ng buntis? 🤔

Ikaw ba ay kuryoso tungkol dito mommy? 🙋‍♀️ Naku! tamang tama at ang post na ito ay nagpapakita ng mga posibleng epekto ng pag-inom ng gamot sa mga buntis nang hindi nagppaakonsulta so doktor, partikular na sa kanyang dinadalang tao 👶. Gaya ng inyong mababasa, maraming masasmang epekto ang pwedeng makuha ng bata dahil sa pag-inom ng mga gamot na walang reseta ng doktor👩‍⚕️.

Para maiwasan ang mga masasamang epekto, nararapat na magpakonsulta muna sa doktor bago uminom ng anumang gamot 💊. Laging tandaan na tangig ang mga doktor lamang ang makapagbibigay sa atin ng reseta ng mga gamot na pwedeng inumin habang tayo ay buntis. Sa pamamagitan ng pagpapakonsulta ay masisigurado natin na ligtas ang sanggol sa ating tiyan🤰.




📢 Ano nga ba ibig sabihin ng teratogenic effects? Dapat ba tayong matakot dito? 😟Mga mommies🙋‍♀️ at mga magiging mommies...
10/05/2023

📢 Ano nga ba ibig sabihin ng teratogenic effects? Dapat ba tayong matakot dito? 😟

Mga mommies🙋‍♀️ at mga magiging mommies, 🤰mahalagang malaman na ang teratogenic effects ay maaring makaapekto sa paglaki ng sanggol habang ito ay nasa sinapupunan pa lamang. Ang over-the-counter na gamot 💊 ay maaaring magdulot ng mga depekto sa sanggol na maaaring maging permanente. Kaya't mahalaga na magpakonsulta muna sa doktor 👩‍⚕️ bago uminom ng anumang over-the-counter na gamot upang masigurong ligtas ang inyong mga anak.

Tandaan po natin na ang kaalaman ay kapangyarihan sa kalusugan ng inyong baby! 👶🍼




📝Narito ang iba’t ibang kategorya mula sa FDA na naglalarawan ng mga potensyal na panganib at benepisyo ng paggamit ng g...
09/05/2023

📝Narito ang iba’t ibang kategorya mula sa FDA na naglalarawan ng mga potensyal na panganib at benepisyo ng paggamit ng gamot 💊sa panahon ng pagbubuntis. 🤰Ang mga kategorya ay nahahati sa lima. 5️⃣ Kaya naman mahalaga na malaman💡 niyo ito upang magkaroon kayo ng sapat na kaalaman 💭 sa mga uri ng gamot na ligtas at nararapat niyong gamitin habang kayo ay nagbubuntis o nagpaplanong mabuntis.




Para saan nga ba ito at paano ito makakatulong sa akin ❓🧐Mabuhay, mga mommy 🙋‍♀️ at future mommies🤰 Kung kayo man ay isa...
08/05/2023

Para saan nga ba ito at paano ito makakatulong sa akin ❓🧐

Mabuhay, mga mommy 🙋‍♀️ at future mommies🤰 Kung kayo man ay isang binibining may planong magkaanak, ito ay para sa iyo!

Ang layunin 🗒 ng adbokasiya ay gabayan kayo sa tamang direksyon ng paggamit ng gamot habang nagbubuntis 💝 upang maiwasan ang nakakapinsalang epekto ng OTC drugs sayo at sa iyong magiging anak 👶




Ang mga taong namamahala sa adbokasiyang ✨Wais na Buntis✨ ay mga mag-aaral mula sa Unibersidad ng Santo Tomas, College o...
08/05/2023

Ang mga taong namamahala sa adbokasiyang ✨Wais na Buntis✨ ay mga mag-aaral mula sa Unibersidad ng Santo Tomas, College of Nursing 🩺🐯

📨 Kung mayroon kayong mga katanungan, huwag mag-atubiling kontakin kami sa aming Messenger




Address

Espana Boulevard , Sampaloc
Manila

Telephone

+639663355883

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Wais na Buntis posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram