Mga tip mula kay Willy Ong

Mga tip mula kay Willy Ong Balitang pangkalusugan

Impeksyon sa Ihi, Kidney at ProstatePayo ni Doc Willie OngAng urinary tract infection (UTI) ay impeksyon sa kidneys, ure...
28/04/2023

Impeksyon sa Ihi, Kidney at Prostate
Payo ni Doc Willie Ong
Ang urinary tract infection (UTI) ay impeksyon sa kidneys, ureters, pantog (bladder) o urethra. Ang gamutan ay antibiotics at baguhin ang lifestyle o kinagawian.
Gumamit ng mild soap o hindi matapang na sabon panlinis ng pwerta. Sa mga babae ay ang tamang pagpunas sa pag-ihi ay simula sa harap muna papuntang puwitan. Mali kung simula sa puwitan papuntang harapan.
Uminom ng maraming fluids para ma-flush out ang mga bacteria.
Magsuot ng mas maluwag na pantalon at cotton na underwear para mas mahangin. Habang naka-antibiotics ay mainam kumain ng yogurt.
Ang pyelonephritis naman ay impeksyon sa kidney mula sa bacteria. Ang pasyente ay nilalagnat, masakit ang balakang, madalas umihi, o merong dugo sa ihi.
Pag may bato sa bato (kidney stones), magbawas sa matinding ehersisyo tulad ng mahabang pagtakbo at hazing.
Sa urine test o urinalysis, sinasahod ang midtsream o gitnang labas ng ihi na may dami na mga 10 ml at ibibigay sa laboratoryo.
Problema sa Pag-Ihi:
Kapag nahihirapan umihi, maaaring may kaba o depende sa lokasyon kung saan umiihi. Sa lalaki, puwedeng lumaki ang prostate gland at naiipit ang tubo sa pag-ihi, o may kanser sa prostate o prostatitis. Pwede din may problema sa urethra dahil may impeksiyon, sugat o dumaan na bato.
Kapag madalas umiihi (polyuria) ay maaaring dahil uminom ng kape, tsaa, alak, buntis, natatakot, o may impeksyon sa pantog.
Ang may diabetes ay madalas maihi, may rashes at yeast infection, at minsan ay may bladder prolapse o buwa (pelvic organ prolapse). Kung umiinom ng gamot na pampaihi ay madalas din mapapaihi.
May pagkakataon ng konti ang ihi (oliguria) pag may glomerulonephritis, kidney failure o dehydration kung nagtatae.
Dagdag Kaalaman:
Ang glomerulonephritis ay pagkasira ng pansala (Glomeruli) ng kidneys. Maaring bigla o acute glomerulonephritis, o matagal na o chronic glomerulonephritis.
Ang prostatitis ay impeksyon sa prostate.

28/04/2023

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mga tip mula kay Willy Ong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram