31/12/2025
MENSAHE SA PAGDATING NG BAGONG TAON NG TONDO MEDICAL CENTER
Sa pagsalubong natin sa 2026, taos-puso kaming nagpapasalamat sa patuloy na tiwala at suporta ng aming mga pasyente at ng publiko. Ang bawat hamon ng nagdaang taon ay hinarap nang may dedikasyon, malasakit, at sama-samang pagkilos.
Sa Tondo Medical Center, patuloy naming pinaiigting ang aming mga serbisyo, kaalaman, at sistema upang matiyak ang ligtas, maaasahan, at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa lahat.
Nawa’y maging taon ito ng kalusugan, pag-asa, at pagkakaisa para sa bawat pamilya.
Manigong bagong taon mula sa Tondo Medical Center!