05/03/2026
Ngayong buwan ng Marso ay Colorectal Cancer Awareness Month. Unahin natin ang kalusugan ng ating bituka.
Ang colorectal cancer ay isa sa mga pinakakaraniwang uri ng cancer ngunit maaari itong maagapan sa pamamagitan ng maagang screening tulad ng colonoscopy.
Sa Healthway QualiMed Manila, libre ito basta miyembro ng Philhealth at handa kaming samahan kayo sa bawat hakbang ng inyong kalusugan. Sa tulong ng aming mga espesyalista mula sa UPM-PGH, masisigurado namin ang ligtas at maayos na pagsusuri.
✨ Maagang pag-detect = Mas malaking tsansa ng paggaling
✨ Screening saves lives
✨ Huwag hintayin ang sintomas bago magpasuri
Kung ikaw ay 45 taong gulang pataas o may family history ng colorectal cancer, mas mainam na magpa-screen na.
📩 Mag-message na sa amin dito sa Facebook upang makapagpa-appointment.
Alagaan ang sarili. Ang kalusugan ay hindi dapat ipinagpapaliban.
Location: UP-PGH Faculty Medical Arts Building (FMAB), PGH Compound, Taft Ave, Manila