Development Studies Society

Development Studies Society est. 1997 โ€ข Ang Opisyal na Pang-Akademikong Organisasyon ng Araling Pangkaunlaran ng Unibersidad ng Pilipinas, Maynila

The Development Studies Society is an organization based in the University of the Philippines Manila which aims to recognize and promote the welfare of the Development Studies students, protect and uphold the rights of the student body, and commit the organization to the ideals of academic excellence, human rights, social justice and nationalism. Ang teoryang hindi tinatambalan ng praktika ay baog. Ang praktikang hindi ginagabayan ng teorya ay bulag.

Sa ika-43 taon mula nang matatag ito, muling igigiit ng Araling Pangkaunlaran ang lagi nitong paninindigan: ang kaunlara...
20/11/2025

Sa ika-43 taon mula nang matatag ito, muling igigiit ng Araling Pangkaunlaran ang lagi nitong paninindigan: ang kaunlaran ay dapat sumandig sa interes ng masa. Sa harap ng lumalalang inhustisya at pandarambong dala ng pasismo at katiwalian, kapit-bisig na babaguhin ng masang Pilipino ang bulok na sistema tungo sa tunay na panlipunang pagbabago.

Handog ng Development Studies Society ang taunang Development Studies Week 2025 na may temang: โ€œ๐’๐€๐‹๐ˆ๐Œ๐๐€๐˜๐€๐: ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฐ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐Š๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐š ๐Š๐š๐ญ๐ข๐ฐ๐š๐ฅ๐ข๐š๐ง ๐š๐ญ ๐๐š๐ง๐๐š๐ซ๐š๐ฆ๐›๐จ๐ง๐ โ€. Mula ๐๐จ๐›๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐Ÿ’ ๐ก๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ง๐  ๐๐จ๐›๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“, sama-sama nating babagtasin ang daan tungo sa makabayan at makataong kaunlaran katuwang ang batayang sektor.

Bilang mga mag-aaral ng kaunlaran, tungkulin nating kritikal na suriin ang ating lipunan, kuwestiyunin ang mga atrasadong pamantayan ng kaunlaran, at isulong ang kontra-gahum na pagbabago. Hinahamon tayo na mamulat sa mga reyalidad ng ating lipunan at makiisa sa masang Pilipino sa pagpapanday ng lipunang malaya sa katiwalian at pandarambong.

๐‚๐จ-๐ฉ๐ซ๐ž๐ฌ๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ ๐›๐ฒ:
Mojojos PH
Moche PH
CaliMatcha
Creator Crate
KremaNieve

๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐Œ๐ž๐๐ข๐š ๐๐š๐ซ๐ญ๐ง๐ž๐ซ๐ฌ:
Altermidya
Ang Tagamasid
The Manila Collegian
IKOT PH

๐’๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ž๐ ๐›๐ฒ:
Development Initiative
Development Society of the Ateneo

๐ˆ๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ง๐ž๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก:
LEVEL UP
DE LA SALLE UNIVERSITY - Office of Student Leadership, Involvement, Formation, and Empowerment โ€” Judiciary Department
FEU IABF Student Council
Alyansa Tigil Mina
UST AB Debate Parliament
FEU Interdisciplinary Studies Society
Project AGOS

๐€๐ฅ๐ฌ๐จ ๐›๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ก๐ญ ๐ญ๐จ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐›๐ฒ:
Organization of Area Studies Majors
National Network of Agrarian Reform Advocates Youth UP Manila
Gabriela Youth UP Manila
Angat Kalikasan Katutubo Pilipinas, Inc.
Lounge n' Passport
Little Hands: Isko with UNICEF

๐’๐ฉ๐ž๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐ญ๐ก๐š๐ง๐ค๐ฌ ๐ญ๐จ:
PLM Junior Entrepreneurs' Society
UP Manila Pre-Law Society
Kabataan Para sa Tribung Pilipino - UP Manila Chapter
UP Political Science Society
UE Political Science Society
SBS Tangkay Organization
Boluntaryong TUPians
UST Hiraya





Caption ni Niele Rosani
Poster ni Kelsey Fan

19/11/2025

Mailap ang kaunlaran sa isang sistema na pinapatakbo ng mga ganid at buwaya. Mula sa malawak na bukirin at palaisdaan hanggang sa mga maalinsangang pabrika, danas ng iba't ibang sektor ang panunupil sa kamay ng mga naghaharing-iilan.

Sa harap ng inhustisya, walang ibang karamay ang masang-api kung hindi ang kapwa niyang api. Saksi ang kasaysayan na ang tutupok sa sistemang abusado at mandarambong ay ang masang Pilipino mismo.

๐’๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ, ๐ฎ๐ฎ๐ฌ๐›๐จ๐ง๐  ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฐ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ฌ๐š๐๐ฅ๐š๐ค ๐ง๐  ๐ค๐š๐ญ๐ข๐ฐ๐š๐ฅ๐ข๐š๐ง ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ง๐๐š๐ซ๐š๐ฆ๐›๐จ๐ง๐ . ๐๐š๐›๐š๐ ๐ญ๐š๐ฌ๐ข๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฌ๐š ๐š๐ง๐  ๐๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ค๐š๐›๐š๐ฒ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ค๐š-๐ญ๐š๐จ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฎ๐ง๐ฅ๐š๐ซ๐š๐ง ๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š.

Babalikwas na ngayong Nobyembre.

๐Ÿ๐Ÿ.๐Ÿ๐Ÿ’.๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ - ๐Ÿ๐Ÿ.๐Ÿ๐Ÿ–.๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“




Caption ni Niele Rosani
Video edit nila Gi Cruz, Christine Bernardo, Andrea Lim, at Chrisrence Patio

๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—˜๐—ก๐——๐—” ๐—Ÿ๐—จ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ง๐—”, ๐—œ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ž๐—”! ๐ŸŒพNgayong araw, ika-16 ng Nobyembre, ating ginugunita ang dalawapu't isang anibersa...
16/11/2025

๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—˜๐—ก๐——๐—” ๐—Ÿ๐—จ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ง๐—”, ๐—œ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ž๐—”! ๐ŸŒพ

Ngayong araw, ika-16 ng Nobyembre, ating ginugunita ang dalawapu't isang anibersaryo ng Hacienda Luisita Massacre at ang pag-alala sa mga martyr na bayani ng Asyenda Luisita na nagbuwis ng buhay para sa deka-dekadang pakikibaka ng karapatan sa lupa, kabuhayan, at tirahan.

Karahasan ang tugon ng estado sa pagkasa noon ng welga ng mga manggagawang bukid sa Asyenda para sa dagdag sahod at karapatan sa lupa. Walang habas ang pamamaril at marahas na pinatay ang mga welgista. Ang pitong martyr ay sina Juancho Sanchez, Jesus Laza, Jhaivie Basilio, Jessie Valdez, Jamie Pastidio, Ernesto Ramos, at Adriano Caballero.

Dalawampuโ€™t isang taon ang nakalipas, hustisya at tunay na repormang agraryo pa rin ang sigaw ng mga mamamayan ng Luisita. Tila hindi nagbago ang kalagayan ng asyenda matapos ang ilang dekada. Nanatili pa rin ang pyudalismong sistema dahil patuloy na nanaig ang pagkontrol sa lupa ng pamilyang Cojuangco-Aquino-Lorenzo at malalaking kumpanya na nagsasagawa ng pagpapalit gamit ng lupa.

Gayunpaman, sa kabila ng mga pesteng dulot ng mga panginoong maylupa at korporasyon hinggil sa malawakang kumbersyon, patuloy ang panindigan ng mga Iskolar ng Bayan na makiisa sa laban ng masang manggagawang bukid. Lumabas sa apat na sulok ng pamantasan at tumungo sa kanayunan upang patambulin ang panawagang hustisya at tunay na reporma sa lupa. Dahil ang ating kolektibong pagkilos ang maghahatid sa atin sa pagbawi ng tagumpay ng Asyenda Luisita.

Sa likod ng mga isyu at usaping pangkaunlaran, inihahandog ng Development Studies Society ang pananaliksik sa porma ng impograpiko na naglalaman ng detalyadong impormasyon at ang pagbubusisi sa papel ng pyudalismo sa kasaysayan at kasalukuyang kalagayan ng Asyenda Luisita.

๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—–๐—œ๐—˜๐—ก๐——๐—” ๐—Ÿ๐—จ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ง๐—”! โœŠ๐Ÿผ
๐—•๐—”๐—ช๐—œ๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—”๐—š๐—จ๐— ๐—ฃ๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐— ๐—”๐— ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—–๐—œ๐—˜๐—ก๐——๐—” ๐—Ÿ๐—จ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ง๐—”! ๐ŸŒพ



Caption at Content ni Michaela Sison at Briand Ayang
Pub ni Krishna Cuyugan, Marco Macalintal, at Marla Frange

๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ง๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ข๐—™ ๐—–๐—ข๐—ก๐——๐—˜๐— ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—ก ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฅ๐—˜๐—–๐—˜๐—ก๐—ง ๐—•๐—ข๐— ๐—• ๐—ง๐—›๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ง ๐—”๐—ก๐—— ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ฅ๐—ข๐—ฅ-๐—ง๐—”๐—š๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—ข๐—™ ๐—จ๐—ฃ ๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”The Development Studies Soci...
13/11/2025

๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ง๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ข๐—™ ๐—–๐—ข๐—ก๐——๐—˜๐— ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—ก ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฅ๐—˜๐—–๐—˜๐—ก๐—ง ๐—•๐—ข๐— ๐—• ๐—ง๐—›๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ง ๐—”๐—ก๐—— ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ฅ๐—ข๐—ฅ-๐—ง๐—”๐—š๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—ข๐—™ ๐—จ๐—ฃ ๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”

The Development Studies Society strongly condemns the recent case of a bomb threat containing the terror-labeling of the UPM community and other similar cases against the youth in other universities.

Read the full statement below.

Mainit na pagbati kay Dr. Ma. Josephine Therese Emily G. Teves sa kaniyang pagkilala bilang 2025 Gawad Chancellor Outsta...
22/10/2025

Mainit na pagbati kay Dr. Ma. Josephine Therese Emily G. Teves sa kaniyang pagkilala bilang 2025 Gawad Chancellor Outstanding Faculty in Extension Service! ๐ŸŽ‰

Isang patunay ito ng iyong walang-humpay na dedikasyon sa paglilingkod sa bayan at sa pagsusulong ng makamasang kaunlaran. Sa pamamagitan ng iyong gawaing pang-akademiko at pangkomunidad, patuloy mong isinasabuhay ang mga aral ng Development Studies tungo sa isang lipunang ang kaunlaran ay tunay na para sa lahat.

Magpatuloy nawa ang iyong pagtataguyod ng makabuluhang pagbabago at pagsisilbi sa sambayanan! โœŠ

Ngayong Buwan ng Oktubre, ating pinagpupugayan ang integral na papel ng uring pesante sa ekonomiya at lipunan. Ang mga m...
20/10/2025

Ngayong Buwan ng Oktubre, ating pinagpupugayan ang integral na papel ng uring pesante sa ekonomiya at lipunan. Ang mga magsasaka, mangingisda, at manggagawang bukid ang lumilikha ng pagkain sa ating hapag ngunit sila mismo ang nagugutom at pinagsamantalahan ng isang makauring sistema. Sa ilalim ng rehimeng US-Marcos Jr, namamayagpag ang krisis sa agrikultura dahil sa pagmonopolyo ng ilan sa lupang sakahan at pagsasabatas ng mga neoliberal na polisiya na pinahihintulutan ang pagpasok ng dayuhang produkto sa mga pamilihan na siyang nagpapahina ng lokal na produksyon. Gayundin, mas pinaigting ang pasistang atake ng estado kung saan lumalala ang militarisasyon, pandarahas, at pang-intimida sa mga mamamayan sa kanayunan.

Simula sa mga nagdaang administrasyon hanggang ngayon kay Marcos Jr, iisa lang ang mukha ng mga panukalang reporma sa lupaโ€”huwad at kontra-magsasaka. Bunga nito, mas lumalawak ang pagoorganisa ng mga masang magbubukid at lumalakas ang kanilang pwersa sa pagpapaangat ng panawagan para sa kagyat na libreng pamamahagi lupa at karampatang subsidyo sa produksyon. Kung kayaโ€™t kaisa ang Development Studies Society sa pakikibaka ng mga magbubukid sa pagkamit ng tunay na repormang agraryo na daan para sa pagresolba ng krisis sa pagkain at pagtayo ng pambansang industriyalisasyon.

Sa darating na Oktubre 21, ikakasa ang ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐š ๐๐š๐ง๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฅ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ ๐›๐ฎ๐›๐ฎ๐ค๐ข๐. Inaanyayahan ang lahat na sumama at makiisa sa pakikibaka ng mga magsasaka. Bilang mga kabataan at mag-aaral ng kaunlaran, hinahamon tayo ng panahon na tumungo sa mga komunidad at makialam sa panawagan ng masang anakpawis, sapagkat ang tunay na kaunlaran ay dapat nararamdaman ng bawat mamamayan at hindi lamang ng iilan.

8:00 N.U. - Liwasang Bonifacio
10:30 N.U. - Mendiola Bridge




Caption by Trisha Tan
Pub by Christophe Lopez, Jan Cruz, and Chrisrence Patio

๐€๐๐† ๐–๐Ž๐‘๐‹๐ƒ ๐…๐Ž๐Ž๐ƒ ๐ƒ๐€๐˜ ๐€๐˜ ๐–๐Ž๐‘๐‹๐ƒ ๐‡๐”๐๐†๐„๐‘ ๐ƒ๐€๐˜Ngayong ika-16 ng Oktubre, ginugunita ang World Hunger Day para itampok ang mga su...
16/10/2025

๐€๐๐† ๐–๐Ž๐‘๐‹๐ƒ ๐…๐Ž๐Ž๐ƒ ๐ƒ๐€๐˜ ๐€๐˜ ๐–๐Ž๐‘๐‹๐ƒ ๐‡๐”๐๐†๐„๐‘ ๐ƒ๐€๐˜

Ngayong ika-16 ng Oktubre, ginugunita ang World Hunger Day para itampok ang mga suliranin ng kagutuman, kawalan ng seguridad at kawalan ng akses sa pagkain. Kaakibat nito ang pagpapatambol ng mga panawagan para sa tunay na reporma sa lupa, pagtutol sa developmental aggression o mga mapaminsalang proyekto, pagtutol sa labis na importasyon, at pagpapalakas ng lokal na produksyon. Bawat patak ng pawis at butil ng ani mula sa tinubuang lupa ay kaloob para sa kinabukasan ng mga mamamayan at hindi lamang ng iilan.

Ang kagutuman ay nakaugat sa kronikong krisis sa lupa at agrikultura. Hindi pa rin pagmamay-ari ng mga magsasaka ang lupang kanilang binubungkal dahil nananatili itong kontrolado ng mga panginoong maylupa. Patuloy din silang nilulugmok ng mga huwad na reporma at anti-magsasakang polisiya katulad ng Rice Liberalization Law na pinaprayotisa ang importasyon at produktong dayuhanโ€”isang huwad na solusyon sa mataas na presyo ng bilihin at kawalan ng abot-kayang pagkain sa bansa. Tila kabaliktaran ang hatid ng mga proyektong isinasagawa sa ngalan ng โ€œkaunlaranโ€ katulad ng Laguna Lakeshore Road Network (LLRN) project na sumisira sa kalikasan at kabuhayan ng mga mangingisda. Hindi rin nilalaanan ng estado ang mga magsasaka, mangingisda, at ang sektor ng agrikultura ng sapat na suporta at subsidiya, dahilan ng kahinaan ng lokal na produksyon. Patuloy na pinapasan ng mga ordinaryong mamamayan ang kawalan ng abot-kayang pagkain. Dagdag pa rito, mismong ang lumilikha ng pagkain upang punan ang kumakalam na sikmura ng mga mamamayan ay hindi ligtas sa kagutuman.

Ang Pilipinas ay may sapat na rekurso at kakayahan upang magkaroon ng seguridad sa pagkain at sariling industriya. Ngunit, sadyang nilulugmok ng estado ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng kakulangan ng sapat na suporta at huwad na repormang hindi naman tunay na tinutugunan ang krisis na nagpapahirap sa masang Pilipino. Patunay lamang ito ng paninikluhod ni Marcos Jr. sa mga interes ng iilang naghaharing-uri at ng mga dayuhan. Gayundin, ang pagsasantabi nito sa kapakanan ng uring magbubukid, na siyang gulugod ng ating lipunan, at ng mga mamamayan sa kabuuan.

Kung kayaโ€™t naninindigan ang Development Studies Society na ang pagkakaroon ng seguridad sa pagkain ay magsisimula sa pagtugon sa krisis sa lupa at agrikultura. Ipamahagi ang lupa sa mga magsasaka! Palakasin ang lokal na produksyon at tutulan ang labis na pagsandig sa importasyon. Itigil ang mga proyektong pumipinsala sa kalikasan at kabuhayan ng mga magbubukid. Panagutin at kalampagin ang rehimeng Marcos Jr. at ang Department of Agriculture na nagbubulag-bulagan sa tunay na suliranin sa agrikultura. Ipaglaban ang tunay na makatarungan at makamasang sistema na kumikilala sa karapatan at seguridad ng mga mamamayan. Makibaka para sa isang lipunang walang nagugutom at naiiwan!

๐“๐ฎ๐ง๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ซ๐ž๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐š ๐ฌ๐š ๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐š ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐š๐š๐ง, ๐ข๐ฉ๐š๐ ๐ฅ๐š๐›๐š๐ง!
๐‹๐ฎ๐ฉ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š, ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ข๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ!

Caption by Juliana Nery and Sita Delmonte
Pub by Rens Paderes, Jeanine Fernandez, and Alexene Estrada

๐—œ๐—ฆ๐—ž๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ฅ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ฌ ๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก! ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—ž๐—ข๐—จ๐—ง ๐—ก๐—”, ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—›๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—˜๐—ก๐——๐—œ๐—ข๐—Ÿ๐—”!Mga Iskolar ng Bayan, panahon...
16/10/2025

๐—œ๐—ฆ๐—ž๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ฅ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ฌ ๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก! ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—ž๐—ข๐—จ๐—ง ๐—ก๐—”, ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—›๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—˜๐—ก๐——๐—œ๐—ข๐—Ÿ๐—”!

Mga Iskolar ng Bayan, panahon na muli upang ipakita ang lakas ng ating boses. Labanan ang korapsyon at wakasan ang sistemang sumisira sa ating kinabukasan! โœŠ

Bukas, October 17, dala natin ang mga panawagan na wakasan na ang korapsyon at panagutin ang mga may sala! Kalampagin natin ang kampanya sa pagtaas ng budget ng mga SUCs and LUCs upang matamasa ang kalidad na edukasyon. Tama na ang pangungurakot sa pondo ng bayan, ilaan ito sa kalusugan at edukasyon!

Kabataan, magkaisa! Marcos-Duterte, patalsikin! Bulok na sistema, baguhin!

๐Ÿ—“๏ธ ๐—ข๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿญ๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ (๐—•๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐˜€)
๐Ÿ“Œ ๐— ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—–๐—”๐—ฆ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ผ๐˜ ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ผ๐—น๐—ฎ
9 AM - Assembly and Local Action @ CAS
10 AM - Snake rally
11 AM - Converge with white colleges @ Pedro Gil Side
1 PM - March to Morayta
2:30 PM - Program @ Mendiola
๐Ÿ‘• ๐— ๐—”๐—š๐—ฆ๐—จ๐—ข๐—ง ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ข๐—ก ๐—ข ๐—ฃ๐—จ๐—Ÿ๐—”!

Magkita-kita tayo bukas upang ipakita ang ating lakas bilang kabataan at mga Iskolar ng Bayan! Dumalo at magpadalo!

๐™Ž๐™– ๐™—๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™ž๐™ง๐™–๐™จ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™ช๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ž๐™ฃ๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™–๐™ก ๐™–๐™ฉ ๐™จ๐™– ๐™—๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™—๐™ช๐™ฉ๐™ž๐™ก ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™จ ๐™ฃ๐™– ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ข, ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ ๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™—๐™–๐™—๐™–๐™ž๐™๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™– ๐™ข๐™–๐™™๐™–๐™ก๐™–๐™จ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž...
15/10/2025

๐™Ž๐™– ๐™—๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™ž๐™ง๐™–๐™จ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™ช๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ž๐™ฃ๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™–๐™ก ๐™–๐™ฉ ๐™จ๐™– ๐™—๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™—๐™ช๐™ฉ๐™ž๐™ก ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™จ ๐™ฃ๐™– ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ข, ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ ๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™—๐™–๐™—๐™–๐™ž๐™๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™– ๐™ข๐™–๐™™๐™–๐™ก๐™–๐™จ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ฃ๐™–๐™ ๐™ž๐™ ๐™ž๐™ฉ๐™–, ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™ ๐™ž๐™ก๐™–๐™ก๐™–, ๐™–๐™ฉ ๐™๐™ž๐™œ๐™ž๐™ฉ ๐™จ๐™– ๐™ก๐™–๐™๐™–๐™ฉ, ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™๐™–๐™๐™–๐™ก๐™–๐™œ๐™–๐™๐™–๐™ฃ.

Sa Pilipinas kung saan ang agrikultura ang gulugod ng ekonomiya at kabuhayan, nananatiling nakatali sa mabibigat na pasanin ang mga nasa kanayunan. Sa bawat pagsikat ng araw, sila ang gumigising nang maaga upang maghanda ng pagkain, alagaan ang pamilya, at makibahagi sa pagtatanim at pag-aani. Sa likod ng lahat ng ito, naroon ang kanilang pawis, ngunit madalas silang naiiwan sa anino ng hindi pagkilala at pagkakait ng karapatanโ€”๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜†๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป.

Karaniwan silang ikinakahon sa gawaing domestiko at inaasahang gumanap ng tungkulin bilang ina at tagapag-alaga, ngunit sa kabila nito ay patuloy silang hinahadlangan na maging ganap na pantay sa lipunan, lalo na sa paggawa at sa pagmamay-ari ng lupa. Ayon sa UN Women, kung magkakaroon sila ng pantay na akses sa lupa, binhi, at teknolohiya, maaaring tumaas ng ๐Ÿฎ๐Ÿฌ% ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐Ÿฏ๐Ÿฌ% ang ani sa agrikulturaโ€”sapat upang makapagpakain ng ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐Ÿญ๐Ÿฑ๐Ÿฌ ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ผ. Ang ganitong posibilidad ay patunay na kapag ang kababaihan sa kanayunan ay tunay na kinilala at binigyan ng pantay na karapatan, hindi lamang sila ang aangat kundi pati ang buong sambayanan.

Ang kawalan ng pagkilala at oportunidad ay hindi lang nakikita sa larangan ng trabaho at lupa, kundi lalo pang nararamdaman sa usapin ng kalusugan. Isa sa tatlong kababaihang nakatira sa kanayunan ay walang akses sa serbisyong pangkalusugan, kabilang na ang pang-reproduktibo. Sa maraming komunidad, limitado rin ang kanilang akses sa malinis na inuming tubig, na nagdudulot ng dagdag na panganib sa kanilang buhay at kabuhayan. Kasabay nito, nananatiling mataas ang bilang ng maagang pag-aasawa na nagiging dahilan upang maraming batang babae ang mapilitang huminto sa pag-aaral at hindi na maabot ang kanilang mga pangarap.

Sa kabila ng kanilang malaking ambag sa lipunan bilang mga magbubukid na naglalaan ng pagkain para sa bawat Pilipino, at bilang mga kababaihang madalas ay pasan ang mabigat na gampanin sa tahanan at pamilya, nananatiling api at atrasado ang kalagayan ng mga kababaihan sa kanayunan. Mula sa mga huwad na proyektong pang-imprastruktura na nagiging pugad ng korapsyon ng mga ganid sa pamahalaan tulad ng farm-to-market roads na sa halip na magpabuti ng produksyon ay nagiging instrumento pa ng pasismo ng estado, hanggang sa kakulangan ng suporta sa edukasyon, kalusugan, at iba pang serbisyong panlipunan na patuloy na ipinagkakait sa kanila. Dagdag pa rito ang nagpapatuloy at mas tumitinding development aggression sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga imprastrukturang sumisira sa kabuhayan ng mga kababaihang pesante. Halimbawa na lamang ang proyektong Laguna Lakeshore Road Network na mag-aapekto sa libo-libong pamilya sa Laguna. Kasama rin dito ang paggamit ng krisis sa klima bilang dahilan upang magtayo ng mga proyektong tulad ng solar at wind farms, na nagiging daan lamang sa mas matinding pangangamkam ng lupa mula sa mga magsasaka. Higit pa rito, ang lumalalang pasismo mula sa mga reaksyunaryong pwersa ng estado tulad ng NTF-ELCAC at AFP-PNP ay nagsisilbing hadlang sa pakikibaka at pagbibigay-tinig ng mga lider-magsasaka, lalo na ng mga kababaihang lider, hinggil sa kanilang laban para sa lupa, kabuhayan, at karapatan.

Ang ganitong atrasadong kalagayan ng kababaihan sa kanayunan ay nag-uugat pa rin sa sistematikong kawalan ng lupa at sa pag-iral ng isang lipunang pinaghaharian ng mapagsamantalang uri. Hanggaโ€™t nananatili sa puwesto ang mga burukrata-kapitalistang itinuturing na negosyo ang gobyerno, hanggaโ€™t nakatali ang bansa sa imperyalismong US, at hanggaโ€™t hindi naibabagsak ang pyudal na sistema, magpapatuloy ang ganitong pananamantala sa kababaihan sa kanayunan. Kaya naman mariing nananawagan ang Development Studies Society na patuloy na makiisa sa laban at pakikibaka ng mga magsasaka, lalo na ng mga kababaihang pesante. Mahalaga ang papel ng kabataan at estudyante sa pagwawakas ng siklong ito ng kawalan ng katarungan. Sapagkat ang bawat ektaryang hindi naipapamahagi ay ani na hindi maaani, at ang bawat batang babae na pinagkakaitan ng karapatan ay isang kinabukasang ninanakaw.

๐—”๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ, ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฒ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ!
๐—ง๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ, ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป!

Caption by Elei Tan and Juliana Mendoza
Pub by Alyssa Gonzales, Christine Bernardo, and Arianna Collantes

๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐  ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐š๐ญ ๐๐ž๐š๐ฌ๐š๐ง๐ญ ๐€๐๐ฏ๐จ๐œ๐š๐ญ๐ž๐ฌ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป, ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐˜‚๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ถ๐—ฑ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ...
13/10/2025

๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐  ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐š๐ญ ๐๐ž๐š๐ฌ๐š๐ง๐ญ ๐€๐๐ฏ๐จ๐œ๐š๐ญ๐ž๐ฌ

๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป, ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐˜‚๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ถ๐—ฑ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐—ต๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ! ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ธ๐˜„๐—ถ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ธ๐—ผ๐˜, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฒ๐˜, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฟ๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—จ๐—ฆ-๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—๐—ฟ.!

Sa kasalukuyang paghahari ng rehimeng US-Marcos Jr., lantad na lantad na ang masangsang at bangkaroteng sistemang pampulitikang matagal nang nakaugat sa katiwalian, pandarambong, at tahasang pagpapailalim sa interes ng imperyalismo. Higit ding lumulubha ang kronikong krisis pang-ekonomiya na nagpapahirap sa sambayanang Pilipino. Dagdag pa rito ang pagyurak sa karapatan ng mamamayan sa patuloy na krimen laban sa sangkatauhan ng estado sa kanayunan. Bunsod nito, lalong tumitibay ang kagustuhan ng mamamayan na baguhin ang bulok at makauring sistemang nagkokonsentra ng kapangyarihan at kayamanan sa iilang mga panginoong maylupa, burukrata kapitalista, mga political dynasty, at mga imperyalista. Ang sistemang ito ang naglulugmok sa sektor ng agrikultura dahil sa pagpapatindi ng kawalan ng lupa, at lalong nagpapahirap din sa mga kabataan dahil sa neoliberal na kaayusan ng edukasyon.

Sa ating paggunita sa Buwan ng Magbubukid, nararapat na isentro ang usapin ng tunay na reporma sa lupa bilang solusyon sa napakaraming suliranin na kinakaharap ng ating bayan. Ang problema sa pagkain, kawalan ng trabaho, krisis sa klima, at maski ang laganap na korapsyon mula sa mga programang imprastruktura tulad ng farm-to-market roads ay matutugunan kung libreng ipamamahagi ang lupa sa nagbubungkal at kung bibigyan din sila ng sapat na tulong at ayuda upang gawing produktibo ito.

Naniniwala ang mga kabataan at estudyante na ang laban ng magbubukid ay hindi hiwalay sa laban ng kabataan, bagkus, ito rin ang pundasyon ng lipunang malaya sa kontrol ng lokal at dayuhang naghaharing-uri. Kaya naman nagkakaisa ang katipunan ng mga organisasyon at samahan ng mga kabataan at estudyante upang ibayong palakasin at suportahan ang pakikibaka ng magbubukid para isulong ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon. Mahigpit na makipagkapitbisig sa iba pang sektor para ganap na makamit ang kalayaan at pambansang demokrasya.

Kaya, hinihikayat namin ang mga kapwa naming mga kabataan na ibayong imulat ang sarili, magmulat, mag-organisa, at magpakilos nang sa gayon ay maitutok ang nagliliyab na damdamin ng mamamayan sa pagpanday ng lipunang pinamumunuan ng masang anakpawis. Kabataan, lumabas sa apat na sulok ng silid-aralan, sumama sa pakikibakang magbubukid at tumungo sa kanayunan! Pag-aralan ang lipunan, pagsilbihan ang sambayanan!

Singilin at itakwil ang kurakot, pahirap, peste, papet at pasistang rehimeng US-Marcos Jr.! Lupa sa magbubukid at Pilipino, hindi sa dayuhan at komprador!



๐’๐ˆ๐†๐๐€๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐„๐’
National Network of Agrarian Reform Advocates Youth (NNARA Youth)
Sining na Naglilingkod sa Bayan (SINAGBAYAN)
Rural Women Advocates (RUWA)
Sama-samang Artista Para sa Kilusang Agraryo (SAKA)
Artista ng Rebolusyong Pangkultura (ARPAK)
UP Visayas Public Health Pub
Gabriela Youth UP Manila
Gabriela Youth UP Diliman
UP Manila CAS Freshmen, Shiftees, and Transferees Council
UP Manila Development Studies Society
UP Pharmacy Junior Ambassadors of Music
SALiGan
UP Manila University Student Council
Anakbayan UPD KAL
Agham Youth
Agham Youth UP Manila
Agham Youth PUP
All UP Academic Employees Union
Bahaghari PUP
Bahaghari UP Diliman
Bayan Muna Youth PUP
UP Manila CAS Student Council
UP Community Development Circle
Sigma Kappa Pi Fraternity
ESC
UP Health Sciences and Pre-Medicine Society
UP Diliman Junior Philippine Geographical Society
Kabataan para sa Tribung Pilipino (KATRIBU) UP Manila
Kabataan para sa Tribung Pilipino (KATRIBU) PUP
Kabataan Partylist UP Manila
League of Filipino Students UP Manila
Liga ng Kabataang Propagandista - PUP
UP Manila Organization of Area Studies Majors
UP Peer Empowering Peers Society (PEPS)
Pangkalusugang Lingkod Bayan
UP Manila Pre-Law Society
Rise for Education UP Diliman
Rise for Education UPD College of Science
Sandig
SANDIGAN NCPAG
Scientia
UP Diliman Student Christian Movement of the Philippines
Sigma Delta Pi Sorority UP Manila
Sulong UP Manila
Saribuhay UP Diliman
Tambisan sa Sining - Sta. Mesa
UP Design Core
UP Engineering Society
UP Lipunang Pangkasasayan
UP Diliman CAL Student Council
UP Medicine Student Council
UP Manila Political Science Society
UP Manila SANDIGAN
Sinagbayan UPD
UP BAC
UP Diliman CSSC
UP Diliman School of Library and Information Studies Student Council
UP Diliman DSS
UP Manila Nursing Student Council
UP Manila Organizational Communication Society
UP Organization for Shiftees and Transferees
UPPhA SC
UP JPIA
YACAP

๐†๐”๐‘๐Ž ๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐, ๐๐”๐๐ƒ๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐€๐๐† ๐๐† ๐๐€๐–๐€๐“ ๐‡๐„๐๐„๐‘๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐€๐“ ๐Š๐€๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐Š๐ˆ๐๐€๐๐”๐Š๐€๐’๐€๐!Ngayong Pandaigdigang Araw ng mga G**o...
05/10/2025

๐†๐”๐‘๐Ž ๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐, ๐๐”๐๐ƒ๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐€๐๐† ๐๐† ๐๐€๐–๐€๐“ ๐‡๐„๐๐„๐‘๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐€๐“ ๐Š๐€๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐Š๐ˆ๐๐€๐๐”๐Š๐€๐’๐€๐!

Ngayong Pandaigdigang Araw ng mga G**o, binabati ng Development Studies Society ang ating mga g**o sa walang-tigil na paggabay nila sa bawat mag-aaral tungo sa kanilang inaasam-asam na kinabukasan. Dahil sa kanila, patuloy na nabubuhay ang pag-asa hindi lamang para sa ating mga kabataan, kundi pati na rin para sa ating bayan. Sa kabila ng kanilang walang humpay na paglilingkod ay mayroon rin silang mga kinakaharap na hamon tulad ng kakulangan sa badyet at mga silid-aralan, mababang sahod, at iba pang balakid na humahadlang sa kanilang mga gampanin sa loob at labas ng akademya. Kaya naman nakikiisa ang organisasyon sa pagsulong ng mga panawagan para sa mas mataas na sahod at makatarungan na kundisyon sa trabaho upang makamit ang isang pambansa, siyentipiko, at makamasang sistema ng edukasyon na tunay na maglilingkod sa ating mga g**o at kapwa mag-aaral.

Taos-puso at taas-kamaong pagpupugay sa inyong serbisyo at sakripisyo! Maraming salamat po sa aming mga g**o at propesor na kasama naming lumalaban para paglingkuran ang sambayanan at bumuo ng isang makatarungang lipunan.

Pub by: Nigela Mia & Denise Crucido
Statement by: Kirsten Lim & Dianna de Joya

Address

College Of Arts And Sciences, P. Faura Street
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Development Studies Society posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Development Studies Society:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram