10/11/2025
HUSTISYANG PANGKLIMA, ISULONG NA!
Habang patuloy na nananalasa ang Bagyong Uwan sa kalakhang bahagi ng ating bansa, muli na namang nalalantad ang kabulukan ng estado bilang isang gobyernong palpak, pabaya, at walang malasakit sa mamamayang Pilipino. Sa bawat pagbuhos ng ulan at pagragasa ng baha, patuloy na pinatutunayan ng rehimen na ang kanilang mga pangakong serbisyo at proteksyon ay nananatiling hungkag sa harap ng tunay na pangangailangan ng sambayanan.
Sa kasalukuyan, iniulat na mahigit 916,000 mamamayan na ang direktang apektado at napilitang lumikas, habang tinatayang mahigit 8.4 milyong Pilipino pa ang nanganganib na maapektuhan ng patuloy na pag-ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa sa ibaโt ibang rehiyon [1, 2]. Sa Cebu, na kamakailan lamang ay pinadapa rin ng Bagyong Tino, lalo pang tumindi ang kalbaryo ng mga mamamayan. Umabot sa 224 ang bilang ng mga buhay na nasawi, libo-libong pamilya ang nawalan ng tirahan, at maraming kabuhayan ang tuluyang nawasak dahil sa malawakang pagbaha at landslide [3].
Sa harap ng lumalalang kalagayang ito, mariing ipinapaabot ng Konseho ng Mag-aaral ng Kolehiyo ng Agham at Sining (KM-KAS) ng UP Manila ang pakikiisa sa mga mamamayang Pilipino. Higit pa sa simpleng tulong, ito rin ay panawagan para sa pananagutan at hustisyang pangklima โ isang pagtuligsa sa sistematikong kapabayaan at katiwaliang nagpapalala sa pinsala ng mga sakuna. Ang trahedyang dulot ng bagyo ay hindi lamang likas na kalamidad, kundi malinaw na bunga ng pagkabigong protektahan ng estado ang mamamayan mula sa epekto ng krisis sa klima at ng kanilang sariling kapabayaan.
Ang krisis sa klima ay hindi na isang malayong banta, kundi isang araw-araw na realidad na ating danas. Ramdam ito sa patuloy na pagtaas ng temperatura, mga suspensyon ng klase at trabaho, at lumalalang mga sakuna. Isa sa mga ugat ng problemang ito ay ang malawakang pagkawala ng kagubatan, tinatayang 1.5 milyong ektarya ng forest cover sa Pilipinas ang nawala mula 2001 hanggang 2024, katumbas ng 8% ng kabuuang tree cover noong 2000. Ipinapakita nito ang malinaw na ugnayan sa pagitan ng pagsira ng kalikasan at pagtaas ng panganib sa mga sakuna. Sa kapaligiran, ang mabilis na urbanisasyon, pagpapalit gamit sa mga lupang sakahan, at reklamasyon sa mga baybayin, ay sumisira sa likas na pananggalang ng kalikasan laban sa bagyo at pagbaha, na para lamang sa interes ng mga malalaking burgesyang-komprador at panginoong maylupa. Kasama rin ang mga pulitikal na polisiya na mahina at punong-puno ng korapsyon at interes ng mga burukrata-kapitalista at imperyalistang US, na siyang nagpapabagal sa pagpapatupad ng epektibo at likas-kayang mga solusyon. Ang pagbabago ng panahon ay hindi lamang resulta ng natural na sikli, bagkus ay bunga ng isang bulok na sistema, kapabayaan ng tao, kakulangan sa tapat na pamamahala, at patuloy na pananamantala sa mga likas na yaman.
Ang patuloy na pinsalang dulot ng mga bagyong gaya nina Tino at Uwan ay hindi na maikakaila; ito ay bunga ng ugat ng sistematikong korapsyon at kapabayaan ng pamahalaan. Sa kabila ng โฑ1.47 trilyong inilaan ng Department of Public Works and Highways para sa mga flood control projects mula 2011 hanggang ngayon, nananatiling lubog sa baha at walang proteksyon ang mga mamamayang Pilipino [7]. Sa halip na maghatid ng seguridad, nauwi ang mga proyektong ito sa maanomalyang kontrata, labis na pagtaas ng gastusin, at mga di-natapos na konstruksyon kung saan ang pondo ay napupunta lamang sa bulsa ng mga korap na politiko at kontratista.
Ang ganitong uri ng burukratikong korapsyon ay isang anyo ng karahasang pangklima. Habang bilyon-bilyong piso ang nalulustay sa bulsa ng mga tiwaling opisyal, ang sambayanang Pilipino naman ang nawawalan ng tahanan at kabuhayan. Ang mga flood control projects na ipinagmamalaki sa ilalim ng โBuild, Build, Buildโ ay naging monumento ng pandarambong at kawalang-katarungan, nagpapatunay na sa halip na paghahanda, kasakiman ang tunay na pinapanday ng estado.
Ang kasalukuyang krisis na kinahaharap ito ay malinaw na patunay na walang hustisyang pangklima sa ilalim ng isang bulok at tiwaling gobyerno. Ang Climate Justice ay nangangahulugang pananagutanโpananagutan ng mga nasa kapangyarihan na ginawang negosyo ang sakuna at ng sistemang pinapairal ng burukrata-kapitalismo, na paulit-ulit na ipinagkakait ang ligtas, makatao, at makatarungang kinabukasan sa lahat. Hanggaโt nananatiling umiiral ang ganitong sistema, mananatiling biktima ang sambayanan
Sa harap ng krisis na ito, malinaw na ang kapabayaan at katiwalian ng mga namumuno ay hindi lamang usapin ng palpak na pamamahala, kundi usapin ng buhay at kamatayan ng mga mamamayang Pilipino. Kapag ang pondong nakalaan para sa mga serbisyong panlipunan ay napupunta lamang sa bulsa ng mga tiwaling opisyal, direktang pinapatay ng estado ang sarili nitong mamamayan. Kung kayaโt nararapat lamang na singilin ang mga nasa kapangyarihan na mas pinipiling mag bulag-bulagan at mag bingi-bingihan sa hinaing ng taumbayan.
Sa panahong dumarami ang hamon ng pagbabago ng klima at mga sakuna, ang panawagan para sa pagkakaroon pananagutan at hustisya ay hindi lamang moral na obligasyon kundi agarang pangangailangan upang matiyak na walang Pilipinong mamamatay dahil sa kapabayaan ng mga opisyal na dapat sanaโy naglilingkod, hindi nagpapayaman.
Bilang pinakamataas na kinatawan ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Agham at Sining ng UP Manila, mariing nanawagan ang Konseho, kasama ang ibaโt ibang organisasyon, na panagutin at ikulong na ang mga tiwaling opisyal na siyang nagnanakaw sa kaban ng bayan sa pamamagitan ng ibaโt ibang mga gawa-gawang proyektong imprastraktura at ang sistematikong kapabayaan at katiwalian sa ibaโt ibang institusyon ng pamahalaan. Higit kailanman ay nararapat na silang panagutin sa kapabayaan ngunit higit pa rito ay marapat lamang na isulong na ang panghihingi ng hustisya at kompensasyon sa lahat ng mga biktimang nagdusa, sa mga kabuhayan na nasira, at tugunan ang pagbibigay ng pondo sa mga batayang serbisyo na siyang makatutulong sa ibaโt ibang sektor.
Higit sa lahat, dapat ring singilin ang Imperyalistang Estados Unidos na matagal nang may malalim na kamay sa pagpapatakbo ng ating pulitika at ekonomiya. Sa pamamagitan ng mga neoliberal na mga polisiya, multinasyunal na mga korporasyon ng pagmimina at sa iba pang sektor, deregulasyon ng mga panukalang batas, at ang pribitisasyon sa ating sariling linkas na yaman, lahat para sa sariling interes at tubo, ay siyang nagdudulot ng patuloy na pagwasak sa ating kalikasan at kabuhayan. Kakampi ang mga lokal na pulitikal na dinastiya na siyang nagpapahintulot na maging sunud-sunuran ang ating pamahalaan sa interes ng mga imperyalistang mandarambong. Sa ganitong mga kalakaran ay patuloy tayong napapasailalim a neokolonyal na pananamantala na siyang humaharang upang ating maasam ang tunay na kaunlaran para sa lahat. Itigil na ang pagpapakatuta ng pasistang estado ang pagiging sunud-sunuran sa Imperyalistang Estados Unidos, Burukrata-Kapitalista, at mga lokal na Panginong may lupa.
Mga Artistaโt Siyentista ng Bayan, makiisa sa mga ikakakasang malawakang pagkilos ng ibaโt ibang sektor sa mga sumusunod na petsa:
- November 15 | Global Day of Action for Climate Justice (US Embassy)
- November 17 | International Studentโs Day (Mendiola)
- November 30 | Bonifacio Day (Mendiola)
Ating bahain ang lansangan ng mga panawagan nang sa gayon ay tuluyan ng mapanagot ang mga dapat managot at magbayad ang mga tiwaling opisyal at pasistang estado sa pandarambong nito sa sambayanang Pilipino.
SIGNATORIES:
UP Manila CAS Student Council
UP Manila CAS Freshmen, Shiftees, and Transferees Council
Agham Youth UP Manila
UP Behavioral Science Society
UP Vector
Development Studies Society
Organization of Area Studies Majors
UP Manila Salinlahi
Organizational Communication Society
KATRIBU UP Manila
UP Biochemistry Society
UP Polis
UP Manila Pre-Law Society
UP Sigma Kappa Pi Fraternity
Google Developer Groups on Campus UP Manila
Gabriela Youth UP Manila
NNARA Youth - UP Manila
Karapatan Youth Advocates - UP Manila
Sigma Kappa Pi Fraternity - UP Manila
League of Filipino Students - UP Manila
UP Biological Sciences Society
UP SoComSci
References:
[1] France-Presse, A. (2025, November 9). PH evacuates hundreds of thousands as super typhoon nears. Inquirer.Net. https://newsinfo.inquirer.net/2136888/ph-evacuates-hundreds-of-thousands-as-super-typhoon-nears
[2] Sadongdong, M. (2025, November 8 ). Typhoon 'Uwan' threatens 8.4 million individuals; 'Tino' death toll rises to 204. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2025/11/08/typhoon-uwan-threatens-84-million-individuals-tino-death-toll-rises-to-204
[3] GMA Integrated News. (2025, November 9). Tino death toll jumps to 224; 109 missing โOCD. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/965426/tino-death-toll-jumps-to-224-104-missing-ocd/story/
[4] Global Forest Watch. (n.d.). Tree Cover Loss in the Philippines. Philippines deforestation Rates & Statistics | GFW. hhttps://gfw.global/3rD3AXX
[5] GMA Integrated News. (2025, November 6). UP resilience expert: Restoring forest cover is effective flood control. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/965193/up-resilience-expert-restoring-forest-cover-is-effective-flood-control/story/
[6] Keeping up with deforestations. (2024, March 21). Climate Change Commission. https://climate.gov.ph/news/851