07/01/2026
It's All About the Environment
A dressing is not just a cover. It's an active tool to create the optimal microenvironment for healing.
Sa kaalamang PINOY ang pagbabalot ay hindi agad tanggap dahil sa paniniwala kailangan TUYO ang sugat para gumaling. Ngunit 1960s pa ito sinabi ni Dr. Winter na para mas bumilis ang paggaling ay dapat naka KULOB ito. From the title itself, since na damage na ang skin, ang dressing ang magiging environment na kailangan nya para makapag repair o magsisilbing temporary skin.
Marami pa nga sa kababayan natin nag consult dito na nilalabanan nila ang fluids na nalabas at pinipilit na maging tuyo ang sugat para sabihin nila na "MAGALING NA PO YAN KAHAPON!", " Tapos today hindi ko alam bakit biglang nag tubig na naman!"
Kulob hindi un basta lang tinakpan dapat meron concept na may mag absorb ng fluids (gasa o gauze, foam dressing, hydrocolloid, alginates, if walang pera panty liner or kung marami talaga sanitary napkin) galing sa sugat upang hindi malunod o tumagas ang fluids kaya important na gabayan ng ang ating mga kababayan lalo sa health teaching portion upang mas maging epektibo ang management at hindi masayang ang effort ng doctor at ng bumubuo ng team sa wound care.
Sa medical surgical adhesive tape if un parang plastic ang gamitin at lagyan ng gasa para may mag absorb at insert nyo according sa aking recommendation sa itaas.
Kapag sinunod natin ito maiiwas natin sa infection ang patient at mas mabilis gagaling ang sugat. (healing will depend sa condition ng katawan ng patient kaya its best to assess the wound first and relate it to the diagnosis of the doctor)
Evidence: Reference the seminal work of Winter (1962) on moist wound healing.