02/09/2018
Araw-araw ay Pasko – Ang kwento nina MD Rodrigo at Marlyn Juego
PTP- Credit to PCDSI
Buhat-buhat ang kanyang mabibigat na lata ng taho sa ilalim ng matinding sikat ng araw, isang lalaki ang dinudumog ng kanyang mga suki. Siya si Rodrigo Juego, mas kilala bilang Mang Totoy at “Ninong”sa Sta. Mesa, Manila.
Para sa mga residente rito, nagmimistulang Pasko ang isang ordinaryong araw kapag inilalapag na ni Mang Totoy ang kanyang mga lata ng taho. Hindi lang kasi niya ibinebenta ito, namimigay rin siya nito sa mga kapos-palad na madalas walang laman ang sikmura. Kahit ’di nila kaanu-ano si Mang Totoy, pinagmamalasakitan sila nito. Kahit hindi Pasko, lagi silang may aginaldo sa kanilang Ninong Totoy! Hindi ito lingid sa asawa ni Mang Totoy na si Marlyn “Len” Juego. Sa katunayan, kasunduan nila itong mag-asawa.
“Usapan kasi namin ni Totoy, halimbawa may batang walang pambili, bigyan na lang namin,” ani Len.
“Nakakaawa kasi sila. Maganda kasi sa pakiramdam kapag may inaabot kami sa kanila,” dagdag pa ni Mang Totoy.
Sa Pangasinan nagkakilala si Len at Mang Totoy. Naging magkaibigan muna sila bago naging magkasintahan. Kaya nauwi ang kanilang relasyon sa sumpaan ng habambuhay na pagmamahalan sa isang simbahan sa Sta. Mesa noong 1995. Dito na rin nagsimulang bumuo ng pamilya ang dalawa.
Todo-suporta ang mag-asawa sa isa’t-isa, lalo na sa pagtataho ni Mang Totoy. Bata pa lamang siya nang magsimulang magtinda ng taho sa kalye. Hanggang ngayon, sa edad niyang 71, umiikot pa rin siya sa mga eskinita buhat ang kanyang mga lata ng taho.
“1972 pa lang, pasama-sama na ako sa mga kaibigan ko, hanggang sa inaraw-araw ko na ang pagtataho. Nung nag-asawa na kami ni Len, nag-full time na ako kasi ayoko nang nagigipit kami. Talagang ipon lang kami ng ipon,” ani Mang Totoy.
Nagkaroon ng maliit na negosyo ang mag-asawa at nagbenta sila ng damit, sapatos, pantalon at iba pang kasuotan. Unti-unti itong napalago ng mag-asawa. Nagsisimula na sanang umangat noon ang kanilang pamumuhay nang masunog ang gusaling kinatatayuan ng kanilang tindahan. Natupok ang kanilang negosyo.
“Bumuhos ang luha ko noon. Madaling araw nangyari ang sunog kaya wala kaming naisalba. Wala na kaming nagawa. Lahat ng puhunan namin, ubos. Naisip namin, paano ang aming kabuhayan? Lahat nawala sa isang iglap,” pagbabalik-tanaw ni Mang Totoy.
Nanlumo ang dalawa sa kanilang sinapit. Ngunit naabo man ang kanilang kabuhayan, nanatiling buo ang kanilang pag-asa at pangarap. Hindi na sila muling nakabalik pa sa pagtitinda ng damit nang tayuan ng malaking supermarket ang dating lugar na kinatatayuan ng pwesto nila. Ang pagtataho na lang ni Mang Totoy at mga maliliit na pinagkakakitaan ni Len ang naging hanapbuhay nila.
Pilit nilang pinapalakas ang loob ng isa’t-isa. Patuloy pa rin silang nakipagsapalaran. Subalit isang pagsubok ang sumukat sa kanilang katatagan. Isang araw, bigla na lang nanikip ang dibdib ni Mang Totoy at nahirapang huminga. Na-confine siya sa ospital. Lumala ang kanyang karamdaman at kinailangan siyang i-dialysis. Ngunit kahit paano ay bumuti ang kalagayan niya at nakalabas siya ng ospital.
Isang kaibigan ni Mang Totoy ang nagbigay sa kanya ng HBS Immuno-C na mabisang pampalakas raw ng resistensya ng katawan. Isa ito sa mga dekalidad na food supplement
ng Personal Collection.
“Ang sabi sa akin ng kaibigan ko, ‘inumin mo iyan. Panglinis ’yan ng katawan. Pinapalakas rin ang resistansiya mo. At kapag malakas ang resistensiya mo, ‘yun ang magpapagaling sa iyo mula sa iyong mga karamdaman.’ Ang resistensiya ang best doctor ng ating katawan,” ani Mang Totoy.
Sa kagustuhang gumaling ni Mang Totoy ay agad siyang nagkainteres na uminom ng HBS Immuno-C. Tinanong niya sa kaibigan kung saan ito nabibili. Itinuro siya nito sa PC Shaw branch. Walang kaalam-alam si Mang Totoy na isang magandang oportunidad ang naghihintay sa kanilang mag-asawa nang araw na iyon.
Pagdating niya sa branch ay magiliw silang sinalubong ni MD Thelma. Nais lang bumili ng HBS Immuno-C ni Mang Totoy, pero inalok siya nito na magpa-member bilang PC dealer. Agad siyang pumayag sa kagustuhan niyang lumakas ang kanyang pangangatawan at magkaroon ng magandang pagkakakitaan. Baka nga ito na ang hinihintay niyang pagkakataon na babago sa pamumuhay nila.
Dali-dali niyang kinumpleto ang kanyang mga requirements hanggang sa maging ganap siyang PC dealer. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Mang Totoy na simulan ang kanyang negosyong PC kasama si Len. Kasabay nito, sinimulan na rin niya ang regular na pag-inom ng HBS Immuno-C at paggamit ng ibang produkto ng PC.
Isinabay ni Mang Totoy sa pagtitinda niya ng taho ang pagbebenta ng PC products sa kanyang mga suki, at sa pagre-recruit sa mga ito bilang PC dealers. Nakita niya ang husay ng mga produktong PC maging ang ganda ng marketing plan nito. Nalaman din niya na marami na ang nagkaroon ng Great Life mula sa PC dahil sa kanilang sipag, determinasyon at tiyaga. Kaya lalong naging determinado si Mang Totoy sa pagnenegosyo.
“Pursigido talaga kaming makabenta at maka-recruit. Bukod pa dito ay lagi akong umiinom ng HBS Immuno-C at HBS Colostrum. Naramdaman kong lumakas ako. Pinagaling ako. Pati ang bulsa ko, pinagaling din,” ani Mang Totoy.
Nang malaman nilang magbubukas ang PC ng bagong branch sa Sta. Mesa noong 2014 ay nag-desisyon silang lumipat dito. Mas malapit ito sa kanilang bahay at mas mapapadali ang kanilang pagnenegosyo. Pero bahagyang nag-alala sina Mang Totoy sa paglipat.
“Nag-transfer kami pero ang problema, wala kaming downline. Kaya nag-recruit kami ulit nang nag-recruit hanggang sa dumami na muli ang aming mga downlines,” ani niya.
Dinoble ng mag-asawa ang kanilang pagsisipag. Kinukumusta nila ang kanilang mga suki at tinatanong kung gusto nilang kumita nang malaki. Ipinapakilala nila ang PC na isang negosyong walang puhunan pero puwede kang kumita nang malaki at ma-enjoy ang isang Great Life.
“Hindi ko na kailangan sumigaw ng ‘Tahoooo!’ Tumatapat ako sa mga bahay-bahay at ang sinasabi ko, ang taho ay pampaganda, pampakinis, at pampa-sexy, tulad rin ng mga produkto ng PC,” nakangiting sambit ni Mang Totoy.
Si Len naman ang naga-assist kay Mang Totoy sa kanyang mga opportunity meetings, pagkuha ng stocks, paniningil at pagpapalago ng kanilang negosyong PC.
“Habang nagtataho siya, naniningil naman ako at nagre-recruit din. Sabay kaming lumalakad. Pagdating naman ng hapon, nandito ako sa branch. Ako ang nagmo-monitor ng sales namin. Inaasikaso ko rin ang aking mga downlines, lalo na ang mga bagong recruit,” hayag ni Len.
Ngayon, daan-daan na ang na-recruit ng mag-asawa. Managing Director na rin sila at laging Number 1 sa sales sa kanilang branch. Kadikit nito ang malaking kita kada buwan. Umangat man ang antas ng kanilang pamumuhay ay hindi pa rin tumigil si Mang Totoy sa apat na dekada niyang pagtataho.
“Sabi nga nila, ‘Sir Juego, ang laki na ng kinikita ninyo. Bakit nagtataho pa kayo?’ Ang sabi ko naman, ako ay isang taong may pangarap sa buhay. Si Lucio Tan, may-ari ng airlines. May mga barko, may mga negosyo . . . pero nagtra-trabaho pa rin. Mamamatay ako kapag hindi ako nagtrabaho. Ayokong matulad sa iba na dahil may pera, ayaw nang mag-trabaho. Gastos ng gastos tapos . . . nganga,” sambit niya.
Ang kinikita ni Mang Totoy sa pagtataho ang panggastos nila araw-araw. Samantala, diretso naman sa bangko ang kinikita nila sa PC. Kaya mabilis na nakaipon ang mag-asawa para sa retirement age nila. Sa ngayon ay nagiging kampante na si Mang Totoy sa kinabukasan nilang mag-asawa.
“Inihahanda kasi namin ang aming pagtanda. Para pagdating ko ng 80 o 100 taong gulang, hindi ko na kailangan maghanap-buhay. Kung namatay kami, baka walang panglibing. Dapat ipon lang ng ipon para pag-tanda, hayahay ang buhay,” dagdag pa niya.
Sa kabila rin ng tinatamasang kaginhawaan a buhay ng mag-asawa ay hindi pa rin nawala ang kabutihan ng kanilang mga puso. Nanatili silang mapagmahal sa kanilang pamilya at mapagbigay sa kanilang kapwa. Tuluy-tuloy pa rin ang aginaldong taho ni Mang Totoy sa mga kapos-palad na tao sa kalye, kaya ang dami pa rin nilang taong napapasaya. Ayon kasi kay Len, “kapag tumutulong ka sa kapwa mo, maliit man o malaki, babalik din ito sa iyo nang mas higit pa.”
Kaya marahil patuloy ang buhos ng biyaya sa mag-asawa. May mga pagsubok pa ring pinagdadaanan, alam nilang kayang-kaya nila itong lagpasan basta’t kasama nila ang isa’t-isa
at buo ang paniniwala nila sa Diyos. Never ever, never ever give up ang laging sinasabi
ng mag-asawa sa isa’t-isa.
“Sa ngayon, nakabili na kami ng lupa sa may Quezon City. Doon namin ipapatayo ang aming dream house. Marami pa kaming mga pangarap na matutupad. Malapit na,” nakangiting wika ni Len.
“Focus lang. Seryosohin ang negosyong PC dahil ito ang best na negosyo na walang puhunan. Kaya malaki ang pasasalamat namin sa PC dahil tuluy-tuloy ang pagtupad ng aming mga pangarap,” pagtatapos ng mag-asawang Juego.
Hindi hadlang ang edad para matupad ang mga pangarap sa buhay. Lalong hindi ito hadlang para makatulong sa kapwa. Pinatunayan ito nina Totoy at Len. At kapag nariyan sila, mistulang Pasko ang bawat araw dahil sa pagiging matulungin nila sa kapwa.